Carousel

Sponsored Links

Looking for House and Lot Within Tagaytay Area? CONTACT US!

Name

Email *

Message *

Showing posts with label SSS Number. Show all posts
Showing posts with label SSS Number. Show all posts

Tuesday, September 07, 2021

Pagkuha ng SSS number, mas pinadali!




MANILA, Philippines — INANUNSYO ngayon ng Social Security System o SSS ang mas pinadali at mas pinahusay na proseso ng online application para sa Social Security o SS number kung saan maaari na ngayong gawing online ang pag-upload ng mga supporting documents.

Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio, hindi na kailangang bumisita pa sa mga branches ng SSS, dahil magagawa na ng mga miyembro online ang pag-a-upload ng mga supporting documents gaya na lamang ng mga sumusunod:
  • Philippine Statistics Authority o PSA authenticated birth certificate
  • Marriage contract kung kasal
  • Baptismal Certificate kung may mga anak

Ads


Dahil maaaring magawa online, hindi na umano kailangang ng miyembro na isumite ang mga supporting documents sa pamamagtan ng drop-box system upang maging permanent ang status ng kani-kanilang mga SS number na inaplayan.

“Instead of visiting our branch offices, members can now upload supporting documents online such as copy of their birth certificate from the Philippine Statistics Authority (PSA), marriage contract if married, or baptismal certificate if with children. They don’t have to submit the supporting documents via the drop-box system to make their SS Number application status permanent,” ang naging pahayag ni SSS President and Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio.

Paliwanag ni Ignacio na importante ang pag-upload ng mga basic supporting document upang maging permanent ang status ng kanilang inisyu na SS Number at makapag-apply sa mga SSS benefits and privileges.

Ads

Sponsored Links



Mas madali umano ito lalo na ngayong panahon ng Covid-19 pandemic at mga pinatutupad na quarantine protocols kung saan maaaring dumiretso na sa SSS website ang mga new applicant at SSS members ayon sa kanilang oras at panahon upang maiwasan ang mahabang pila sa kanilang mga tanggapan o branches.

Double purpose umano ang ganitong proseso para sa SS Number application at My.SSS Registration. Sakaling matanggap ng applikante ang email para sa matagumpay nitong SS Number online application, makakatanggap din ang aplikante ng isa pang email kung saan napapaloob ang mga credential snito para sa kanyang My.SSS Account na maaari i-activate sa loob ng 30 araw.


©2020 THOUGHTSKOTO

Thursday, February 18, 2021

Paano Mag-Apply ng SSS Number Online at Paano Mag-Upload ng mga Supporting Documents?




MANILA, Philippines — KUNG may trabaho na o may kakayahan nang maghulog ng contribution, mas mabuting magpa-miyembro na sa Social Security System o SSS. Mas maaga, mas maganda dahil sa iba't-ibang benipisyong maibibigay nito sa iyo, bilang miyembro maging sa iyong mga benipisyaryo.

Sa ngayon, dahil sa pandemya dala ng Coronavirus disease o Covid-19, mas pinadali at pinabilis ng SSS ang proseso para sa application ng SS Number.

Para ito sa mga indibidual na mag-aapply ng SS number sa unang pagkakataon. Pag may SS number na, mas maging madali na ang pag-gawa ng My.SSS Online Account.

Sa pamamagitan nito, mas magiging madali para sa isang miyembro na i-check ang kanyang contribution, makapag-apply ng loan at ibang benipisyo bukod sa ibang pa serbisyo na hatid nito sa mga SSS members na hindi umaalis sa kanilang bahay.


Ads


Paano Makakuha ng SS Number Online?

1. Pumunta lamang sa website ng SSS na www.sss.gov.ph at i-click ang button panel na "No SS Number Yet? SS Number Online Application Apply Now!"


2. Click "here" upang maipagpatuloy ang proseso.

3. Basahin ang step-by-step guide, pagkatapos i-click ang "Start."
4. I-encode ang lahat na hinihinging impormasyon bilang bahagi ng Phase 1 Registration Process. I-tick ang box sa tabi ng "I'm not a robot" at i click ang "Submit."

5. Ang aplikante ay makakatanggap ng email na may link na magda-direct sa Phase 2 ng Registration Process.

Laging tandaan na may limang araw lamang ang aplikante para kompletuhin ang application process bago mag-expire ang link.

Sakaling hindi ito magawa ng aplikante sa loob ng limang araw, babalik na naman ito sa unang proseso ng application.


Ads

Sponsored Links


6. Tapusin ang Phase 2 ng registration process sa pamamagitan ng pag-encode ng lahat na mga impormasyong hinihingi.

Siguruhing mailagay ang tamang address at contact information maging ang iyong preffered User ID para sa iyong My.SSS account at UMID ATM details (optional).

I-review ang mga inilagay na detalye bago i-click ang "Proceed"
Maaaring isulat sa isang papel ang mga impormasyong importante  upang hindi makalimutan.

7. Hihilingin sa aplikante na pumili at mag-upload ng isang supporting document para sa tagging ng SS number nito sa "Application Thru the Web - With Submitted Documents."
8. Pumili ng uri ng supporting documents na ia-upload, hanapin at i-upload ang file na hinihingi at i-click ang "Submit".

Siguruhing mababasa o readable colored images o nasa PDF form ang file na ia-upload na may maximum file size na 2MB only.
9. Kung pilipiin naman ng aplikante na ipagpatuloy ang registration na walang ina-upload na documentary requirement, may lalabas na notification box na nagpapa-alam sa miyembro na maaaring magawa nito ang pag-submit ng mga dokumento sa pamamagtan ng My.SSS account.

Makikita ito sa Online Member Data Change Request — Simple Correction na maaaring magawa kung may SS number na ang isang miyembro.

I-click lamang ang "Yes" pagkatapos i-click ang "Submit."
10. Sa prosesong ito, maaari nang i-print o i-download ng aplikante ang E-1/E-6, Transaction Number Slip at SS Number Slip.
11. Makakatanggap ng dalawang email ang aplikante: Isa dito ang nagkukumperma ng kanyang SS Number Online Application habang ang isa naman ay naglalaman ng kanyang password set-up ng kanyang My.SSS Account, na kailangang i-activate ng miyembro.

Laging tandaan na ang accout activation at dapat gawin sa loob lamang ng limang araw dahil pagkatapos nito, mag-e-expire ang link at babalik na naman sa regular My.SSS registration ang miyembro sa pamamagitan ng Member Portal sa SSS website.
12. Pagkatapos ma-click ang link, i-lalagay ng miyembro ang huling 6-digits ng kanyang CRN/SS Number.

I-click ang "Submit."
13. Ilalagay ng miyembro ang nais nitong password at iko-confirm bago i-click ang "Submit."

Dahil online na ang proseso, maaaring magawa ng sinoman ang pag-apply ng SS Number, kahit saan, kahit kailan sa basta't mayroon itong internet.

©2020 THOUGHTSKOTO