Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Wednesday, March 03, 2021

ALAMIN: Iba't-ibang Serbisyo ng SSS Online na Mapapakinabangan ng Miyembro





MANILA, Philippines — DINAGDAGAN pa ng Social Security System o SSS ang mga serbisyo nito sa kanilang online services portfolio bilang hakbang upang mas mapadali at pamabilis ang bawat transaksiyon ng miyembro at mga employer na hindi na kinakailangan pang pumunta sa alinmang branches ng SSS.

Ayon kay SSS President at CEO Aurora C. Ignacio layunin nito na mailapit sa mga miyembro, pensioners, sakop na mga employers at publiko ang kanilang mga serbisyo sa gitna ng mga restrictions dala ng coronavirus disease o Covid-19.

“For the past years, we have been gradually shifting our stakeholders’ way of transacting with us from face-to-face to online. The pandemic motivated us further to fast track our digital transformation initiatives, not only to provide our stakeholders with faster, more convenient, and more efficient means of transacting with us but also to ensure their safety,” ang naging pahayag ni Ignacio.


Ads


Sa ngayon kabilang sa serbisyo ng My.SSS Portal ay ang mga sumusunod:
  • Online applications ng Calamity Loan, Pension Loan, Retirement Benefits, Unemployment Benefit at Funeral Claims
  • Submission of Requests for Member Data Change for simple corrections for members
  • Submission of Sickness Benefit Reimbursement Application for employers
  • Pagkuha ng Real-Time Processing of Loans Payment Reference Number (RTPL-PRN)
  • Benefit Re-disbursement Module
  • Uploading ng proof of account, na dating kilala bilang Bank of Enrollment Module

Kaugnay nito, mas pinahusay din ng SSS ang online SSS number application nito at binigyan din ng access ang mga miyembro sa Remittance Transfer Company/Cash Payout Outlet (RTC/CPO) Reference Number Inquiry.


Maliban sa bago at mas pinagandang mga online services, may access na rin ang mga SSS members sa iba pang mga virtual services gaya ng mga sumusunod:
  • Viewing ng contribution at loan records
  • Mag-inquire sa status ng benefit claims
  • Mag-inquire para sa eligibility para sa benefit programs at iba.
Maliban sa My.SSS Portal, ang mga nabanggit ay maaari ring ma-access sa pamamagitan ng mga sumusunod:
  • SSS Mobile App
  • Text SSS
  • Self Service Express Terminals

Ads

Sponsored Links



Anu-ano pa ang mga serbisyong hati ng My.SSS Portal?

Sa pamamagitan ng My.SSS online, ang isang miyembro ay may access sa mga sumusunod:
  • Pag-view sa membership information nito
  • Listahan ng mga PRN payments nito
  • Mga address ng SSS branches sa buong bansa
  • Mag-file ng Salary Loans
  • Mag-submit ng Maternity Notifications para sa mga self-employed, voluntary and OFW members
  • Kumuha ng PRN para sa contributions
  • Mag-update ng contact information sa pamamagitan ng My.SSS Portal at SSS Mobile App.

Alam mo ba na sa paggamit mo ng My.SSS Portal, maaari mo ring magawa ang mga sumusunod:
  • Mag-set ng appointmet sa isang SSS branch
  • Mag-send ng request para sa SSS records
  • Mag-enroll ng Personal Equity and Savings Option (PESO) Fund o Flexi-fund
  • Gumamit ng simulated retirement calculator
  • Makita ang detalye ng iyong Unified Multi-Purpose Identification (UMID) Card o SSS ID
  • Baguhin ang password ng iyong My.SSS account
  • Gamit naman ang SSS Mobile App, maaaring mag-bayad ng contribution gamit ang PayMaya at Bank of the Philippine Island.

Sa mga employers naman, maaari nilang magawa ang mga sumusunod:
  • Ma-view ang kanilang contribution at loan records
  • Status ng bayad at benefit reimbursement claims
  • Ma-update ang kanilang contact information sa pamamagitan ng My.SSS Portal at SSS Mobile App.
  • Ma-view ang kanilang SSS information
  • Mag-submit ng Employment Reports (R-1A), Loan Collection Lists (ML2), Contribution Collection Lists (R3)
  • Mag-submit ng sickness notification at maternity notifications
  • Mag-generate ng PRN
  • Mag-certify ng loans at claims para sa kanilang mga empleyado sa pamamagitan ng My.SSS portal.

1 comment:

Lhou said...

Follow up my UMID ID i need it for my transactions date applied FEB. 21,2020 until this time wla pa din po
Thank you