Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Friday, March 26, 2021

Pagtaas ng SSS Contribution, Nakatakdang Ihinto!




MANILA, Philippines — PIRMA na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan upang mapigilan ang pinatutupad ng pagtaas sa premium contribution ng Social Security System o SSS.

Sa kani-kanilang plenary sessions, pinagtibay ng House of Representatives at ng Senado ang bicameral conference committee report sa mga hindi nagkakasundong probisyon ng House Bill No. 8512 at ng Senate Bill No. 2027.

Sa ilalim ng panukalang batas, binibigyan ng otorisasyon ang pangulo na kumunsulta sa Secretary of Finance bilang ex-officio chairperson ng Social Security Commission, sa pag-suspendi sa implementasyon ng naka-schedule na pagtaas ng SSS contribution rates “in times of national emergencies when the public interest so requires.”


Ads


Aamyendahan din ng panukalang batas ang Republic Act No. 11199 o ang Social Security Act of 2018.

Nakasaad sa Social Security Act of 2018 na pinahihintulutan ang Social Secutity Commission, ang pinaka-mataas na governing body ng SSS na taasan ang contribution rate ng 1 percent kada taon.

Dahil dito, mula sa 12% noong nakaraang taon, ipinatupad ng SSS ang 13% na SSS contribution simula noong Enero 2021.


Ads
Sponsored Links



Noong Enero, una nang inihayag ng SSS na handa nitong suspendihin ang pagpapatupad ng pagtaas ng contribution rate ng mga miyembro ngayong taon sakaling may batas na maipapasa at kung magpapalabas ng kautusan si Pangulong Duterte.

“Kung iyan po ay isasabatas or imamandato po sa amin ng Palasyo o ng Presidente, kami po ay susunod,”ang naging pahayag ni SSS President at CEO Aurora Ignacio.

“Ito po ay pinatupad para rin po magamot natin iyong nabawas sa fund life noong 2017 because of the additional na P1,000 pension at para na rin po sumagot sa ating unemployment benefit at expanded maternity leave,” dagdag na pahayag ni Ignacio.

Una nang iniutos ni Pangulong Duterte ang pag-suspendi sa contribution increase na ipapatupad sana ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth dahil pa rin sa krisis na dala ng coronavirus pandemic.


©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: