MANILA, Philippines — HINIHIKAYAT ngayon ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ang House of Representatives na mag-convene bilang Committee of the Whole o mag-sagawa ng special session upang pag-usapan ang 10K Ayuda Bill.
Layunin ng panukalang batas na mabigyan ng financial assistance ang bawat pamilyang Pilipino sa kinakaharap na krisis dala ng coronavirus disease o Covid-19 pandemic.
Sa ilalim ng House Bill No. 8597, sinusulong nito na mabigyan ng bawat pamilyang Pilipino ng one-time P10,000 na assistance o P1,500 kada miyembro ng pamilya, alinman ang mas mataas.
Malaking tulong umano ito at magagamit para sa kanilang pang-araw araw na pangangailangan o sa pagsisimula ng negosyo habang hinihintay ang kompletong roll-out ng Covid-19 vaccines.
Ads
Sa press statement na inilabas ng dating speaker na inihain nito at ng kanyang mga kaalyado noong Pebrero 1, “has not been discussed up to now” and “has been languishing at the Committee on Social Services headed by Quezon City 5th District Rep. Alfred Vargas.”
“Sana makiramdam ang Congress and we convert into a Committee on the Whole or in any way that we can, kung kailangang humingi ng special session, para ipasa ‘to,” ang naging pahayag ni Cayetano.
“Ginawa natin noong Bayanihan 1 ‘yan. Ginawa natin noong Bayanihan 2. There’s no reason why we can’t do it again,” dagdag pa nito.
Samantala, isang resolution naman ang inilabas ng Sangguniang Panlungsod ng Tarlac City na nagsasabing ang 10K Ayuda Bill “ensure that every Filipino is given additional assistance in recognition of the fact that we have all been affected by the pandemic, economic setbacks, and all the hardships brought about in the year 2020.”
Ang nasabing resolution ay pinirmahan ni Vice Mayor Genaro Mendoza at lahat na 12 miyembro ng SP.
Ads
Sponsored Links
Malaking tulong umano ang nabanggit na panukalang batas lalo na at prioridad na mabigyan nito ang mga vulnerable sector ng bansa gaya na lamang ng mga mahihirap, senior citizens, persons with disabilities, solo parents, at displaced o retrenched workers.
Sa ilalim ng panukalang batas, prioridad din ang mga medical frontliners, kasama na ang mga barangay health workers, pamilya ng mga overseas Filipino workers, mga individual na walang nakuhang assistance sa alinmang social amelioration programs ng gobyerno at mga Filipino citizens na may hawak ng national ID.
Mababasa din sa resolution ang pahayag ni Cayetano na “although Filipinos are known for their grit and resilience, assistance to our countrymen is still needed to help them survive and get back on their feet amid the pandemic while a viable vaccine program for all Filipinos is being rolled out by the government.”
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment