Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Friday, March 19, 2021

Mga Senior Citizens, 'Di Na Pagbabayarin ng Income Tax sa Ilalim ng HB 8832





MANILA, Philippines — INIHAIN ngayon sa House of Representative ang isang panukalang batas na may layuning maging exempted ang mga senior citizens sa pagbabayad ng income taxes.

Layunin nito na matulungan ang mga senior citizen na makapag-ipon para sa kanilang retirement.

Ayon kay party list Rep. Rodolfo Ordanes, chairman ng House senior citizens committee, hindi na na-i-enjoy ng karamihan sa mga matatanda ang kanilang pag-retiro dahil sa kawalan ng sapat na pera dahil sa tumataas na presyo ng mga bilihin at serbisyo.


Ads


Sa House Bill 8832 na inihain ni Ordanes, bibigyan nito ng income tax exemptions ang mga nagtatrabahong Filipino na nasa edad 60-anyos pataas. Magiging exempted din umano sa buwis ang kanilang mga holiday pay, overtime pay, night shift, differential pay at hazard pay.

Sakaling maging isang batas, babaguhin din ng Income Tax Exemption for Senior Citizens’ Act ang National Internal Revenue Code na inamyendahan ng Republic Act No. 10963 o Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act.

“Through this, we can finally fulfill our constitutional mandate to promote social justice by protecting and upholding the welfare of the vulnerable sectors of our society while helping them achieve the Filipino dream of a comfortable retirement,” ang naging pahayag ni Ordanes.


Ads

Sponsored Links



Paliwanag ni Ordanes, para maging komportable ang isang senior citizen sa pag-retiro nito, nangangailangan ito ng P40,000 hanggang P60,000 kada buwan.

Base umano sa datus ng Philippine Statistics Authority o PSA, 75% sa mga matatanda ay hindi miyembro ng Social Security System o SSS na maaaring magbigay sa kanila ng buwanang pension.

Sa mga tumatanggap ng monthly pension, 60% sa mga ito ang tumatanggap ng P5,000 samantala 4% lamang ang tumatanggap ng P30,000 pataas.


©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: