MANILA, Philippines — DAHIL sa mabilis na pagtaas ng bilang ng mga nag-popositibo sa Covid-19, sinuspende na ng gobyerno ang pagpasok sa Pilipinas ng mga foreign nationals at returning overseas Filipinos (ROFs) na hindi Overseas Filipino Workers o OFW.
Magsisimula ito sa Marso 20, Sabado hanggang Abril 19.
Kaugnay nito, inatasan din ng National Task Force Against COVID-19 (NTF) ang mga concerened agencies na limitahan ang inbound international passengers sa 1,500 kada araw.
Layunin umano nito na mapigilan ang mas pagtaas pa ng Covid-19 cases at mapigilan din ang pagpasok sa bansa ng iba't-ibang coronavirus variants mula sa iba't-ibang bansa.
Due to the increasing number of new cases of COVID-19 here in the Philippines, the National Task Force against COVID-19...
Ads
Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 5, ang mga sumusunod ay exempted naman sa entry ban at maaari pa ring pumasok sa Pilipinas.
- Mga may hawak ng 9(c) visas
- Medical repatriation at kanilang mga escorts na inindorso ng DFA-OUMWA o OWWA
- Mga distressed ROfs na inindorso ng DFA-OUMWA
- Emergency, humanitarian, at iba pang analogous cases na inaprobahan ng NTF-COVID-19.
Ads
Sponsored Links
Sa ngayon, nakikita umano ang surge o labis na pagtaas ng Covid-19 cases matapos nakapagtala ng 5, 404 na kaso noong Lunes, Marso 15. Ito umano ang ika-apat sa pinaka-mataas na kasong naitala sa isang araw mula noong nagsimula ang pandemya.
Sa datus ng Department of Health, Martes ng gabi, Marso 16, umaabot na 631,320 ang kumpermadong kaso ng Covid-19 sa buong bansa.
Sa nabanggit na bilang, 57, 736 ang active cases, 12, 848 ang namatay habang 560, 736 naman ang naka-recover.
BASAHIN: Bilang ng mga Filipino na Gustong Mag-trabaho bilang Household Service Workers sa UAE, Nasa 100,000!
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment