MANILA, Philippines — DAGDAG na P9.8 billion na pondo ang hinihingi ngayon ng Department of Labor and Employment o DOLE bilang pondo sa ginagawang repatriation ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, inaasahan nilang mauubos na sa Abril o Mayo ang P6.2 billion na 2021 budget na napupunta umano sa hotel, transportation, at food exepenses ng mga napauwing Overseas Filipino Workers o OFWs.
Sinabi ni Cacdac na sumulat na si DOLE Secretary Silvestre Bello III kay Budget Secretary Wendel Avisado bilang paunang hakbang upang makatanggap ng karagdagang pondo mula sa national government.
Ads
Kinumperma ng opisyal na para sa natitirang mga buwan ng taon ang P9.8 billion.
“That’s for the remainder of the year, so P9.8 billion. That is subject to the condition that the same conditions prevail,” pahayag ni Cacdac.
Sinabi ng OWWA chief na isa sa mga dahilan ng mabilis sa pagka-ubos ng pondo ay ang pinalawig na hotel quarantine period sa mga umuuwing OFWs mula pito hanggang siyam na araw mula sa dating isa hanggang tatlong araw lamang.
Ads
Sponsored Links
Noong nakaraang taon, nakatanggap din ang DOLE-OWWA ng dagdag na P5 billion bilang dagdag sa OFW repatriation fund nito.
Sa ngayon, nasa 10,000 pa umano ang bilang ng mga napauwing OFWs na nananatili sa 140 na mga hotel na ginawang quarantine facilities.
Maliban dito, nasa 80,000 hanggang 100,000 OFWs pa ang nakatakdang umuwi sa bansa sa harap ng coronavirus pandemic.
Ngunit nilinaw ni Cacdac na ang nabanggit na bilang ay naka-depende pa rin sa partisipasyon ng mga OFWs sa vaccination program ng ibang bansa.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment