Carousel

Sponsored Links

Looking for House and Lot Within Tagaytay Area? CONTACT US!

Name

Email *

Message *

Showing posts with label DOLE. Show all posts
Showing posts with label DOLE. Show all posts

Friday, October 01, 2021

Deployment ban sa Saudi, muling pinag-aaralan dahil sa kaso ng maltreatment





MANILA, Philippines — MULING pinag-aaralan ngayon ng gobyerno ng Pilipinas ang pagpapatupad ng suspension sa deployment ng mga overseas Filipio workers o OFWs sa Saudi Arabia dahil sa panibagong insidente ng pangmamaltrato.

Ayon kay Department of Labor and Employment o DOLE Secretary Silvestre Bello III, nagkaroon ng proposal para sa deployment ban dahil sa kaso ng isang retied Saudi general na inakusahan ng pagmamaltrato sa isang Filipino domestic helpers.

Sinabi ni Bello na sa ngayon, hinihintay nila ang rekomendasyon ng ni Philippine Overseas Employment Administration administrator Bernard Olalia kung magpapatupad ng deployment ban o hindi.

"Bilang safeguard sa ating mga OFWs, pinag-aaralan ko na huwag muna tayong mag-deploy hangga't hindi sila nagpapakita, lalong-lalo na ang pamahalaan ng KSA, na handa nilang proteksiyonan ang mga OFWs," pahayag ni Bello.


Ads


Sa ulat na natanggap ng DOLE, may 16 na mga OFWs na nagtatrabaho sa nabanggit na retired military na nakilalang si Ayed Thawah Al Jealid. Ang nasabing mga OFWs ay nagrereklamo ng physical abuse at hindi nabayarang sweldo simula 2019.

Noong Mayo, ipina-alam sa Philippine Overseas Labor Office o POLO na nag-isyu ng exit visa ang employer para kay Annaliza Parayno, isa sa mga OFW na nagtatrabaho sa retired general. Ipina-alam din sa kanila na itu-turn-over si Parayno sa POLO sa buwan ng Hunyo.

Ngunit hindi umano nadala sa POLO ang OFW na si Parayno gaya ng napagkasunduan.

Noong Hulyo naman, humingi na ng tulong ang POLO sa Human Rights Commission, Ministry of Interior and the Ministry of Human Resources and Social Development upang mapilit ang retired general na maturn-over sa POLO ang mga OFWs.


Ads

Sponsored Links



Ngunit buwan ng Agosto na umano nito itinurn-over sa POLO ang limang OFWs sa iba't-ibang petsa at napauwi sa Pilipinas ang mga ito noong Setyembre.

Dagdag pa ni Bello na sa ngayon, patuloy ang pakikipag-negosasyon ng Pilipinas sa nabanggit na heneral upang makuha ang dalawang OFWs.

Matatandaan na noong Mayo, nagpatupad ng deployment ban ang DOLE sa Saudi Arabia dahil sa mga report na nire-require ng mga employers o foreign recruitment agencies ang mga OFWs bayaran ang kanilang Covid-19 health and safety protocols.



©2020 THOUGHTSKOTO

Thursday, March 11, 2021

DOLE, May Isinusulong na P7,000 — P11,000 per month na Wage Subsidy Program sa mga Manggagawang apektado parin ng Pandemya




MANILA, Philippines — KINUMPERMA ng Department of Labor and Employment o DOLE na naisumite na ang proposal para sa wage subsidy program sa mga trabahante at establishments na apektado parin ng Coronavirus disease 2019 o Covid-19 pandemic.

Ayon kay Labor Assistant Secretary Dominique Tutay, kasama sa kanilang isinumeteng proposal sa Department of Budget and Management (DBM) ang tatlong posibleng pagkukunan ng pondo para sa nabanggit na programa.

Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:
  • Reprogram o realignment ng pondong hindi nagamit noong 2020.
  • Natitirang savings mula sa Bayanihan 2.
  • Ang DBM ay maaaring mag-identify ng ibang maaaring pagkukunan ng pondo upang ma-pondohan ang isinusulong na wage subsidy program ng DOLE.
Ads


Una nang inihayag ng DOLE na tinitingnan nilang tulungan ang nasa 1.3 milyong mga manggagawa at 30,000 na establishments partikular na ang mga nasa micro, small at medium enterprises sa ilalim ng wage subsidy program.

Sa datus ng DOLE, nasa 25, 226 ang bilang ng mga indibidual na permanenteng nawalan ng trabaho noong buwan ng Enero dahil pa rin sa Covid-19 pandemic.

Maliban dito, posible naman umanong makabalik sa kani-kanilang trabaho ang nasa 108,000 na mga manggagawa sakaling luwagan na ng tuluyan ang mga quarantine restrictions.

Sa ilalim ng proposal ng DOLE, tatlong buwang subsidy na nagkakahalaga ng P7,000 hanggang P11,000 kada manggagawa ang ibibigay kada buwan.

Sinabi ni Tutay na ibinase nila ang budget ng subsidy program sa average na sahod ng mga manggagawa sa iba't-ibang sektor. 

Ang halaga, aniya, ay nasa pagitan ng P7,000 at P11,000 kada buwan sa loob ng tatlong buwan.



Ads

Sponsored Links



Dahil dito, nasa P62 billion hanggang P188 billion ang kailangan para sa nabanggit na programa.

Ayon naman kay Camarines Sur Rep. Luis Ray Villafuerte na maaaring gamitin ang pondo para sa ipinanukalang programang Bangon Pamilyang Pilipino assistance program para sa mga low-income at vulnerable families na may P10,000 cash assistance dahil hindi naman ito nagamit sa ilalim ng national budget.

Importante umano ang nabanggit na budget na magamit para sa mga nawalan ng trabaho sa harap ng tumataas na inflation sa presyo ng pagkain.

Iniulat din ng gobyerno ang nasa P452 billion na pondo na hindi nagamit mula sa 2020 national budget at P204 million na unobligated cash balance.


©2020 THOUGHTSKOTO

Wednesday, March 10, 2021

DOLE, humihingi ng P9.8 billion na pondo para sa mga OFWs



MANILA, Philippines — DAGDAG na P9.8 billion na pondo ang hinihingi ngayon ng Department of Labor and Employment o DOLE bilang pondo sa ginagawang repatriation ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, inaasahan nilang mauubos na sa Abril o Mayo ang P6.2 billion na 2021 budget na napupunta umano sa hotel, transportation, at food exepenses ng mga napauwing Overseas Filipino Workers o OFWs.

Sinabi ni Cacdac na sumulat na si DOLE Secretary Silvestre Bello III kay Budget Secretary Wendel Avisado bilang paunang hakbang upang makatanggap ng karagdagang pondo mula sa national government.



Ads


Kinumperma ng opisyal na para sa natitirang mga buwan ng taon ang P9.8 billion.

“That’s for the remainder of the year, so P9.8 billion. That is subject to the condition that the same conditions prevail,” pahayag ni Cacdac.

Sinabi ng OWWA chief na isa sa mga dahilan ng mabilis sa pagka-ubos ng pondo ay ang pinalawig na hotel quarantine period sa mga umuuwing OFWs mula pito hanggang siyam na araw mula sa dating isa hanggang tatlong araw lamang.

Ads

Sponsored Links



Noong nakaraang taon, nakatanggap din ang DOLE-OWWA ng dagdag na P5 billion bilang dagdag sa OFW repatriation fund nito.

Sa ngayon, nasa 10,000 pa umano ang bilang ng mga napauwing OFWs na nananatili sa 140 na mga hotel na ginawang quarantine facilities.

Maliban dito, nasa 80,000 hanggang 100,000 OFWs pa ang nakatakdang umuwi sa bansa sa harap ng coronavirus pandemic.

Ngunit nilinaw ni Cacdac na ang nabanggit na bilang ay naka-depende pa rin sa partisipasyon ng mga OFWs sa vaccination program ng ibang bansa.

©2020 THOUGHTSKOTO

Friday, December 18, 2020

P6,000 Standard Salary ng mga Kasambahay sa Buong Bansa, Pinag-aaralan ng DOLE



MANILA, Philippines —  Iminumungkahi ngayon ng Department of Labor and Employment o DOLE ang pagkakaroon ng P6,000 na standard salary para sa mga kasambahay sa buong bansa dahil sobrang baba umano ang kasalukuyang rate na nasa P2,000 hanggang P3,000.

Sa isang pahayag kinumperma ni Labor Secretary Silvestre Bello III na inutos na nito sa iba pang opisyal ng DOLE na pag-aralan ang posibilidad kung maaari bang ipatupad ang P6,000 na pasahod sa mga kasambahay sa buong Pilipinas.

Naniniwala si Bello na nararapat lamang ang nasabing sweldo para sa mga kasambahay ngunit nilinaw nito na proposal pa lamang ang kanyang iminumungkahing P6,000.


Ads


“’Yong tungkol sa mga kasambahay, proposal pa lang ‘yon na ‘yong P6,000. Pero ako, sa tingin ko resonable ‘yong P6,000,” ani Bello sa virtual press briefing.

Kung hindi aniya kaya ng employer ang naturang pasahod ay makabubuting huwag na lang silang kumuha ng kasambahay at sila na lang ang gumawa ng mga gawaing-bahay.

“In my opinion, there should be P6,000 nationwide minimum wage rate for all domestic workers. Don’t hire housemates for a meager P2,000 to P3,000. That’s too low,” pahayag ni Bello.

“What I prefer is, regardless if they are in Isabela or Mindanao, the salaries of household workers will be the same.”

“If you cannot afford P6,000, then do the work yourself. You do the cleaning, laundry, and others by yourself. Don’t hire [a] housemaid for a very meager amount of P3,000, masyadong mababa ‘yon,” dagdag niya.

Sa buwanang P6,000 maaari nang mapaaral ng isang kasambahay ang mga anak nito.

“I believe P6,000 is already a reasonable amount. You can already send a child to school with that,” dagdag pa ng opisyal.


Ads


Sponsored Links


Nilinaw din ng opisyal na bawat taon, nagkakaroon ng wage adjustment ngunit mas maganda umano kung pare-pareho na ang halaga ng sahod ng mga kasambahay sa Metro Manila at mga lalawigan.

Sa ilalim ng Kasambahay Law, ang minimum wage ng household worker ay naka-depende sa rate na itinakda ng Regional Tripartite and Productivity Wage Boards (RTPWBs). Sa ngayon ang National Capital Region o NCR ang may pinaka-mataas na minimum wage rate ng mga kasambahay na nasa P5,000.

Nagpa-alala din ang DOLE na labag sa batas ang pagkuha ng domestic workers na mas mababa sa 15-anyos ang edad.

Una nang isinusulong ng isang child rights group na mas mabuting gawing 18-anyos pataas ang mga papayagang maging kasambahay upang maproteksiyunan ang mga kabataan.


©2020 THOUGHTSKOTO

Saturday, November 21, 2020

TINGNAN: OFW Hospital, Matatapos sa Disyembre 2021





MANILA, Philippines — INAASAHANG matatapos sa Disyembre 2021 ang konstruksiyon ng Filipino Overseas Workers o OFW Hospital sa Pampanga.

Kinumperma ni Department of Labor and Employment o DOLE Secretary Silvestre Bello III na bahagyang naantala ang konstruksiyon ng nasabing pasilidad dahil na rin sa coronavirus pandemic o Covid-19.

“There were stoppages in construction works but the hospital for our migrant workers would still be finished next year.”

“Originally set for completion in April next year, the hospital can still be finished by December 2021, builders of the project assured.” 

Ayon kay Bello, inaasahan ng gobyerno na matatapos sa 2021 ang nasabing ospital upang agad na makapag-bigay serbisyo sa mga migrant workers. Sakaling matapos, magiging libre umano ang mga medical services nito para sa mga OFWs.



Ads


Umaabot sa P1.3 billion ang pondo sa itinatayong ospital sa dalawang ektaryang lote sa Provincial Engineering Compound sa Mac Arthur Highway sa Barangay Sindalan, San Fernando City, Pampanga.

Maliban sa P1 billion na pondo, magbibigay ng dagdag na P300 million para sa pasilidad ng ospital ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor).

Nagkakahalaga naman ng P500 million ang lote kung saan itinatayo ang ospital at donation ito ng provincial government ng Pampanga habang magbibigay din ng P500 million para sa building ang Bloomberry Resorts Corp.

Ang nasabing ospital ang magiging pinaka-unang ospital at diagnostic center para sa mga OFWs. Mayroon itong 200-bed capacity.








(All Photos Credit to PIO Pampanga)


Ads

Sponsored Links



Una rito, pinangunahan ni Bello ang paglagda sa usufruct agreement sa pagitan ng provincial government ng Pampanga at ng DOLE para sa nasabing proyekto.

“I hope we can do our best to complete this wonderful project earlier. The sooner it is finished, the sooner we can help our OFWs,”

"It will render free services when OFWs are securing medical certificates covering laboratory exams and other requirements for their overseas deployment," 


Pebrero 2020 nang nag-groundbreaking ang proyekto at ayon sa DOLE, nasa 50% na itong tapos sa ngayon at inaasahang magiging fully-operational bago pa man matapos ang termino ni Pangulong Duterte sa 2022.

Magiging partner naman ng DOLE ang Department of Health o DOH para sa pagpapatakbo ng nasabing state of the art facilities at diagnostic center upang magkaroon ito ng regular na pondo.

Ang pagtatayo ng OFW Hospital ay isa sa mga ipinangako ni Pangulong Duterte noong panahon ng kampanya para sa mga OFWs.


©2020 THOUGHTSKOTO

Thursday, October 15, 2020

DOLE: Walang Exempted sa Pag-bibigay ng 13th Month Pay




KINUMPERMA ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi nila ipagpapaliban at walang kumpanya na magiging exempted sa pagbibigay ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado.

Ito'y sa kabila ng krisis resulta ng Coronavirus pandemic o Covid-19 na may malaking epekto sa iba't-ibang mga negosyo.

Sa isang public briefing, nilinaw ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na maglalabas ng isang order ang kanyang ahensiya ukol sa 13th month pay.


Ads


Una nang sinabi ng opisyal na base sa implementing rules and regulation ng batas, exempted sa pagbabayad ng mandatory benefit ang mga "distressed" companies.

Ang pagbibigay ng 13th Month Pay ay naayon sa Presidential Decree No.851.

"We will not postpone, we will not defer and we will not give any exemption to the payment of the 13th month pay." 

"The law says pay the workers their 13th month pay on or before Dec. 24. Iyan ang ipapatupad ng Department of Labor," ang naging pahayag ni Bello.

Samantala, sinabi naman ng DOLE na hihingi ito ng tulong mula sa Department of Finance o DOF para matulungan ang mga micro and small enterprise para makapagbigay ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado sa pamamagitan ng government subsidy o loan.



Ads

Sponsored Links



"Nagrequest kami kay Sec. Dominguez na kung maari bigyan ng subsidy yung mga employers that are categorized as micro and small business enterprises. Mabigyan sila subsidy o kaya mabigyan sila ng opportunity to make loans with our banks. Lahat ng ating bangko," dagdag na pahayag ng opisyal.

Sa ngayon, wala pa umanong kompanya na lumapit sa DOLE at nagsabing hindi sila makakapag-bigay ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado.

©2020 THOUGHTSKOTO

Thursday, May 28, 2020

PAPAYAG KA BA? 35 NA ORAS NA LANG ANG MAGIGING TRABAHO KADA LINGGO?

Bagama't unti-unti nang nagsisimula muli ang operasyon ng iba't ibang mga kumpanya, hindi maiiwasan na mayroon pa ring mga empleyado na hindi makapasok at piliin na lamang manatili sa bahay. 

Ngunit ang hiling ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga nagmamay-ari at namamalakad ng kumpanya, intindihin muna ang mga hindi pa rin makababalik para gampanan ang kani-kanilang tungkulin.
Ads

Sa isang meeting, hiniling ni Labor Undersecretary Ana Dione na bigyan ng konsiderasyon ang mga manggagawa at empleyado na hindi pa makakabalik sa trabaho, lalo na at nariyan pa rin ang problema sa transportasyon na limitado pa rin hanggang ngayon.

“Please take care of the workers because we’re in a difficult situation. Wala po sanang mga disciplinary action na kaagad-agad gagawin," aniya. "Take a look at it on a case-to-case basis. Overall, ang gusto lang natin ay umandar (ang ekonomiya), (but) at the same time, tingnan ang kapakanan ng manggagawa. Ibalanse po natin.

Bagama't hindi nakalilimutan ng ahensya na kailangan ng mga kumpanya ang mga empleyado nila para magsimula ang kani-kanilang operasyon, umaasa raw ito na magiging mas mabait ang mga employer sa pagkakataong ito.
Ads

Sponsored Links

Samantala, kamakailan ay inaprubahan naman ng House Committee on Labor and Employment ang isang committee report sa proposal na naglalayong bawasan ang weekly work schedule ng mga empleyado sa pribadong sektor. 

Sa ilalim ng House Bill No. 309 na ipinanukala ni Albay Rep. Joey Salceda, ang mga namamasukan sa pribadong kumpanya ay magkakaroon na lamang ng hindi lalampas sa 35 oras ng trabaho kada lingggo bilang kanilang alternative work arrangement.

“This traffic, because of our population density, will be with us. It’s better if we make them (workers) more productive with a 35-hour workweek rather than trying to force them to do an 8-hour a day work week, then lose much of it to traffic,” ani Salceda. “Nakita ko kasi sa pag-aaral sa abroad, mas malaki by four per annum ang GDP (gross domestic product) arising from productivity if you adopt a shorter workweek."

©2020 THOUGHTSKOTO

Wednesday, April 29, 2020

Sa 2.3M na Nawalan ng Trabaho 650K Lang ang Makakatanggap ng DOLE Cash Assistance

Isa ka rin ba sa nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19? Mahigit sa 2 milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil sa community quarantine o lockdown, at 1.6 milyon ang nag-apply para sa COVID19 Adjustment Measures Program o CAMP ng DOLE pero dahil kinulang sa pondo ay hininto na ang pangtanggap ng application noong April 16 at pamimigay ng ayuda sa manggagawang Pilipino.
Ads

Sa pinakahuling report ng DOLE, as of April 16, 2020 nasa 345, 865 na ang nakatanggap ng cash assistance mula P5,000 hanggang P8,000 depende kung saang lokasyon ang mga Pilipino. 
Ads


Sponsored Links


Pero may inaprubahang dagdag pondo na 1.5Bilyong pondo para sa DOLE kaya posibleng madagdagan ang mabigyan nila ng cash assistance. Ayun pa kay ASec Dominique Tutay ng DOLE, "Hope maidownload na po natin sa ating mga Regional Offices para magstart na ulit ng payment para sa another 300K workers, suma total po kung isasama natin lahat ng P1.5B na yan, ang macocover po natin is around 650K workers under the CAMP Program so ibig sabihin po meron pa ring 1Milyon na hindi maseserve ng Dept of Labor and Employment. May facility po ang DOF for small business wage subsidy that they can start applying."

ALAMIN ang TUNGKOL sa DOF, SSS, at BIR na namimigay ng P5,000 to P8,000 para sa mga trabahante dito.

Pakiusap naman ng ibang trabahante kung hindi sila makakatanggap ng ayuda galing sa gobyerno, pabalikin na lang sila sa trabaho. 
Samantala, ang DOLE naghahanda ng recovery program para sa unti-unting pagbabalik sa trabaho ng mga manggagawa kapag inalis n ang quarantine. Pero uunahin ang mga mahahalagang industriya kaya may iilan na matatagalang makakabalik sa normal. 

Bibigyan ng P5K to P8K ng DOF, BIR at SSS ang mga Empleyado ng Small Businesses!

Samantala, sabi ni Pangulong Duterte: I-report kung hindi nakatanggap ng ayuda
Hinikayat ni Pres. Rodrigo Duterte ang publiko na i-report sa radyo o sa local government units kung hindi pa nila natatanggap ang ayuda mula sa national government para sa COVID-19.






SEE ALSO:

UPDATED: 1,764 Listahan ng mga Kumpanya sa NCR na May P5000 Mula sa DOLE

More Details Here: THOUGHTSKOTO https://www.jbsolis.com/2020/04/NCR-DOLE-CAMP-GRANTS-P5000.html


UPDATED: LISTAHAN NG KUMPANYA SA CALABARZON PARA SA P5,000 AYUDA
Ito pong listahan ay nasa 1400+ companies galing sa website ng DOLE Region 4A. Kung kayo po ay nasa laptop, o desktop, etype ang CTRL+F sa Windows at ilagay ang pangalan ng inyong kumpanya para madaling makita.

More Details Here: THOUGHTSKOTO https://www.jbsolis.com/2020/04/dole-camp-calabarzon.html


Listahan ng mga Kumpanya: LUZON, VISAYAS, MINDANAO Makakatanggap ng P5000 Galing sa DOLE

More Details Here: THOUGHTSKOTO https://www.jbsolis.com/2020/04/list-Company-DOLE-P5K.html



Para sa mga workers na ayaw magprocess ng employer o ayaw makipagcooperate ng employer para mabigyan ng ayuda ang mga trabahante na apektado ng enhanced community quarantine dahil sa banta ng COVID-19, dumeretso na sa pinakamalapit na DOLE dalhin ang mga kasamahan na nawalan ng trabaho, magdala ng mga ID, at dokumento, payslip o salary slip, at ang DOLE na ang magprocess ng inyong Cash Assistance na P5,000.

More Details Here: THOUGHTSKOTO https://www.jbsolis.com/2020/04/dole-P5000-cash-assistance.html



©2020 THOUGHTSKOTO

Tuesday, April 14, 2020

Mga DOLE Regional FB, Website at Contact Details Para sa Inyong Katanungan

Official Website and Facebook Accounts of DOLE Regional Offices
CHECK DOLE CAMP DIRECTORY HERE FOR ALL-REGION
For inquiries regarding the implementation of BLE programs and services in your area, reach out to the concerned DOLE Regional Office through their official website and/or Facebook account:
Ads




DOLE-NCR
Website: ncr.dole.gov.ph
CAMP Grants: campinfo.dole.gov.ph
No photo description available.

DOLE-CAR
DOLE RO I (Ilocos Region)


Sponsored Links


DOLE RO II (Cagayan Valley)






DOLE RO III (Central Luzon)

Facebook: facebook.com/dole.centralluzon

𝗰𝗮𝗺𝗽.𝗱𝗼𝗹𝗲𝗿𝗼𝟯@𝗴𝗺𝗮𝗶𝗹.𝗰𝗼𝗺
ALL COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) applications as per Department Order No. 209, s. 2020 should be sent here. Queries will not be answered if sent to this e-mail address.

𝗰𝗮𝗺𝗽𝗾𝘂𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀.𝗱𝗼𝗹𝗲𝗿𝗼𝟯@𝗴𝗺𝗮𝗶𝗹.𝗰𝗼𝗺
ALL clarifications, questions, and/or concerns related to CAMP should be addressed to this e-mail address, together with DOLE Region 3 Central Luzon Facebook Page.





DOLE RO IV-A (Calabarzon)




DOLE RO IV-B (Mimaropa)
Facebook: facebook.com/Department-of-Labor-and-Employment-Mimaropa-1204616656373015

TANONG: Kailangan po bang personal na magpasa ng kompletong requirements ang employer?
SAGOT: Kaugnay ng Enhanced Community Quarantine, pwedeng ipasa ang mga dokumento sa mga sumusunod na email address ng DOLE Field Offices ng MIMAROPA Region:
√Oriental Mindoro - doleormin@yahoo.com
√Occidental Mindoro - doleocc.mindoro@yahoo.com
√Marinduque - camp.dolemarinduque@gmail.com
√Romblon - doleromblon@gmail.com
√Palawan - dolepalawancovid19@gmail.com



Maaari po kayong tumawag sa mga sumusunod na hotline numbers ng DOLE Field Office upang malaman kung napabilang ang inyong kompanya sa nabigyan na ng tulong pinansiyal:

√Oriental Mindoro - 09054768416 /09758358011
√Occidental Mindoro - 09054768414
√Romblon - 0950445 5330
√Marinduque - 09999337083 / 09270453422
√Palawan - 09063758797


DOLE RO V (Bicol)
No photo description available.

DOLE RO VI (Western Visayas)



DOLE RO VII (Central Visayas)


DOLE RO VIII (Eastern Visayas)


DOLE RO IX (Zamboanga Peninsula)


DOLE RO X (Northern Mindanao)
Facebook: facebook.com/dolexcovidassistance




DOLE RO XI (Davao)
DOLE RO XII (Soccsksargen)


DOLE RO XIII (Caraga)


READ ALSO:



Listahan ng mga Kumpanya: LUZON, VISAYAS, MINDANAO Makakatanggap ng P5000 Galing sa DOLE

More Details Here: THOUGHTSKOTO https://www.jbsolis.com/2020/04/list-Company-DOLE-P5K.html


UPDATED: 1,343 Listahan ng mga Kumpanya sa NCR na May P5000 Mula sa DOLE

More Details Here: THOUGHTSKOTO https://www.jbsolis.com/2020/04/NCR-DOLE-CAMP-GRANTS-P5000.html
©2020 THOUGHTSKOTO