MANILA, Philippines — NANANATILING suspendido ang deployment ng mga overseas Filipino workers o OFW sa Macau.
Ito ang kinumperma ng Philippine Overseas Labor Office o POLO.
Sa isang virtual briefing, sinabi ni Ma. Nena German, labor attache sa Macau na hindi pa tumatanggap ng mga migrant workers ang Macau dahil hindi pa lubusang bukas ang ekonomiya nito dahil sa banta ng coronavirus disease o Covid-19.
Marso 2020 nang itinigil ng Macau ang pagtanggap ng mga foreign workers maging ng mga turista.
“Since March 2020, all commercial flights to Macau were canceled or suspended. Maybe that's also the reason why the number of (Covid-19) cases hasn't increased here since they don’t allow entry until now,”
Ads
Ayon kay German na sa latest data, wala nang aktibong kaso ng Covid-19 ang Macau at 63 lamang ang naiulat na kaso nito ng Covid-19.
Karamihan sa mga Filipinos sa Macau ay nagtatrabaho sa tourism-related sector kagaya na lamang ng mga hotels, casinos, at restaurants. May mga nagtatrabaho din bilang household service workers.
Sa kabila nito, tuloy naman ang pag-proseso ng POLO Macau ng mga job orders para sa mga Filipino workers kahit hindi pa bukas ang borders nito para sa mga foreign workers, kabilang na ng mga OFWs.
“For this year, the Venetian Hotel is looking for room attendants, Food and Beverage service attendants,” dagdag pa ni German.
Ads
Sponsored Links
Ayon sa POLO, nasa 7,500 hanggang 10,000 Macanese Patacas o P45,000 hanggang P60,000 ang sahod ng mga hotel workers.
“The salary ranges from 7,500 to 10,000 patacas. hopefully when everything has normalized we can continue with the deployment here,”
Sa mga naghahanap ng trabaho sa Macau, pinayuhan ni German ang mga ito na i-check ang website ng Philippine Overseas Employment Administration o POEA para sa mga employment opportunities.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment