MANILA, Philippines — NASA 1.7 million na national identification o ID cards na sa buong bansa ang nai-deliver ng Philippine Statistics Authority o PSA.
Ayon kay PSA Assistant Secretary Rose Bautista ang pamimigay ng Philippine Identification System o PhilSys o PSN at ang delivery ng Philippine ID o Phil ID ang ikatlo at final step ng PhilSys registration.
Kasabay nito, hinihikayat ngayon ni Bautista ang publiko na nakatanggap na ng kanilang PhilID na iwasan ang pagpost ng picture nito sa social media.
Ads
“Ang ating ID is something na dapat itinatago at hindi po ini-expose sa fraud (Our national ID is something that should be secured and not exposed to fraud), pahayag ni Bautista.
“Please lang, huwag ninyo gawin ‘yan. Ang ating ID is something na dapat tinatago at hindi ine-expose kasi sa fraud,” she said in a Laging Handa public briefing.
“Huwag nila i-expose ang kanilang PhilSys ID para hindi ito maging pang-engganyo para doon sa mga gustong magpeke,” dagdag pa nito.
Nagbabala naman ang PSA sa mga nagpaplanong ma-meke ng PhilID na may mga personnel silang nakatutuk sa pagtukoy sa mga pekeng ID at posibleng masampahan ang mga gumagawa nito.
Ads
Sponsored Links
“Mayroon tayong karampatang penalties, charges. Mayroon fraud management division dito sa PhilSys registry office na will look into at magpa-file ng mga kaso para doon sa mga madi-discover namin na mayroon kaming basehan na ito ay mga pekeng ID na prinesent nila,” pahayag ni Bautista.
Maliban sa 1.7 million na Filipinos na nakatanggap na ng kanilang national IDs, nasa 42 million naman ang nakapag-online register habang 30 million naman ang nakuhaan na ng biometrics.
Nasa limang milyon Filipino na rin umano ang nakapag-bukas ng bank account gamit ang kanilang PhilSys.
Target ng PSA na marehistro ang hindi bababa sa 70 million Filipinos sa PhilSys bago matapos ang 2021 at 50 million na makuhaan ng biometrics bago matapos ang taon.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment