©2009 THOUGHTSKOTO
Carousel
Wednesday, December 23, 2009
Sunday, November 29, 2009
750 Katao
750 persons, but only two from the nominees or their representatives will be given the free pass for the dinner, if you want to have more, you'll be paying 250 pesos for each.
It is truly special. Bring all your friends and fellow bloggers, may chance silang manalo sa raffle, everybody will have the chance sa pictorial with the PEBA logos and their sponsors as backgrounds. May mga photographers, and members ng media during that night, plus Juana Change will come, along with several celebrities and officials and those directly connected or may kinalaman sa welfare ng OFW's
Maiinggit si Azel, at Yani at Rhandy nito. NJ is coming, and sa mga finalist, dalhin or papuntahin ang buong baranggay, after all, kayo po ang ihohonor sa event na ito.
I meet with Jigs and Pete kagabi. What a wonderful and talented and smart guys ang dalawang taong ito. I will be meeting lahat ng volunteers, Tuesday Night, Dec 01, 6PM sa may tapat ng FEU sa Recto, gilid ng PSBA.
Please call me if you want to volunteer. Or ask your friends if they want to.
0928-1964175
©2009 THOUGHTSKOTO
Thursday, November 19, 2009
I am Reading
Di man ako nakakapagcomment sa blog niyo, please know I am reading them. While the judges are visiting your blog, I don't want to make an impression to them or others kasi mga friends ko kayo lahat. Mahirap na baka mainfluence ang decision nila. I am reading your blogs. Updated ako, pero I am not making comments. Babawi ako when all this is done.
I am grateful for the many people supporting PEBA, and KABLOGS. Sometimes you have nothing left to say kaya what you will do is close you eyes, look up above, and whisper in your mind, "Thank you, God".
Anyway, akala ko mapupunta ako ng India to hire some Indian and Bangladesh people working sa planta namin, pero we postpone it ng boss ko, kasi sabi ko busy ako sa PEBA, hehehe. Of course di niya alam ang PEBA, or else baka malaman niya na hindi research ang ginagawa ko, kundi blogging, haha. Joke. Pero I'll be doing interviews and do some hiring works pag-uwi ko sa Pinas.
The bottling company we started five years ago with 6 Filipinos has grown to have at-least a million Saudi Riyal earning a month. Currently, we are expanding the size of the plant and capacity of the production to three times its current size.
I filed a resignation, pinigilan ako. I give demands, humihingi ng 6-months para maibigay lahat.
Sana nga, or else, magtatanim na lang ako ng kamoteng kahoy sa Mindanao. hehe
-------------------
Natuloy na din ang bakasyon, at last after 3 years. Kung hindi lang sa PEBA, hindi kami uuwi. hehe. Magastos eh, pero kelangan para sa mga kababayan, at para sa ikakaunlad ng KABLOGS.
We hope to be flying home sa 23rd ng gabi by Cathay Pacific via Hongkong. Hope matuloy yung get together namin as we are planning to meet the nominees here in the Eastern Province before we leave. Hope mameet din namin si Rey sa Hongkong. We are thinking to plan a trip via Qatar when we comeback. We'll see.
I am terribly busy. Namayat ako ng husto. Pero if work is pressures and stresses, PEBA is always excitements! So wait and see and tune in for more exciting PEBA when we come home with Modir NJ and others.
I've heard Bhing of Gumamela sa Paraiso is attending, so with Rio of Bizjoker, James of Poging Ilo(cano), Ruby of Travel Germany, Dexter of Pinoy OFW, and several others na hindi pa confirmed. Hope to meet you there, or your representatives. I guess ang mga nominees or their representatives will be given T-shirts and and gifts.
Anyways, kitakits tayo mga KABLOGS friends! Merry Christmas!
©2009 THOUGHTSKOTO
Sunday, September 27, 2009
The Chemist-Turn-to-Movie Director in Me
Ayan, ang dalawang babae sa buhay ko, subject ng aking piangkakaabalahang Video Ad. Sana kayo din, gagawa din, inviting others to sponsor the Pinoy Expats/OFW Blog Awards.
Bakit nga ba kelangan ng sponsor sa event?
Kung hindi makakadalo ang mga nominees, they will send 1 or 2 representative to be there, depende sa sponsors na makukuha. Basta it is a must na may representative, Kapamilya at Kapuso, anybody na kung tatawagin ang name mo will come to stage to get the ala-Oscar's trophy-like-plaque.
Unang-una, we want it to be special.
We need some "cash" to pay for the rent of the venue, and the dinner date, and the entertainment and everything for free. Syempre, may mga freebies pa yun, kaya suerte ng dadalo. Promise. (hehe) Ayan bumitaw ako ng magic word. Lagot, NJ, pafinance ha. haha.
Pangalawa, we need some seed money for the future projects. KABLOGS is very busy for their version of that project, but sa PEBA, we are planning to adopt-two-poor-but-deserving-kids-to-send-to-school, symbolic of our two years of existence.
at pangatlo, to be use sa mga outreach programs and kawanggawa projects that directly affects or involve OFW's lives.
Kaya company or individual kagaya nila Generous Lady at Promil Kid, inaanyayahan namin kayo to support and sponsor PEBA.
Download the sponsorship package at the PEBA homesite at ibigay sa mga connections at kakilala. Maraming salamat po!
I also invite you to create your video ads and submit it sa PEBA Video Ad Contest.
-----------------------------------------------------------
Paumanhin:
Wala po akong internet sa planta. Ang hirap ng buhay, ngayon ko napatunayan na adik nga talaga ako sa internet, parang pakiramdam ko kawawang-kawawa ako dahil wala akong net. Hindi tuloy ako makapagyabang about PEBA at KABLOGS, at higit sa lahat hindi ako makacomment sa mga post niyo, pero nababasa ko naman sa RSS sa Cellphone ko.
Sa bahay kasi oras na ng dalawang girls yun kaya bihira ako makapagnet...kaya paumanhin muna, babawi ako kapag bumalik na ang net ko.
Bakit nga ba walang net?
Tinamaan ng backhoe ang cable, ayun, lasog-lasog, dahil nga expansion to the max ang planta ko. hehe
Enjoy this short over 1-minute amateur video...
CREATE YOURS TOO!
Have you seen the PEBA Nominees Video Series 1?
©2009 THOUGHTSKOTO
Saturday, September 26, 2009
Ang Kawawang Bayan Ko ay Binagyo
Kung anong ganda ng bayan ko, ganun din kalupit ang mga typhoon at storms na dumadaan dito, hindi ko na isasali ang libo-libong lider daw na halal ng bayan pero walang nagawang maayos sa kabila ng milyon-milyong budget nito.
Ito ang mga calamities na hindi kayang pigilan kahit maging sino ka man, parang kanta di ba.
Merong Editor ng malaking pahayagan na humihingi ng tulong, merong bakod ng mga pinakamayayamang tao sa Pinas na nagiba o natibag, at meron artista na nasa rooftop at basang-basa at umiiyak na humihingi ng rescue.
Nakakalungkot, as in pero wala tayong magagawa.
The Thoughtskoto family is praying for our country especially sa mga taong nasalanta, naapektuhan, at nawalan ng mga mahal sa buhay.
Sa Lunes pa daw huhupa ang malakas na ulan. Sa lunes pa malalaman ng bayan.
Mahal pa rin namin ang bayan namin, at uuwi pa rin kami doon, umulan man at bumaha dahil sa mahigit 20 beses mang bumagyo, lumindol man o pumutok ulit ang Mt. Pinatubo... uuwi pa rin kami, ikaw at ako...
Pagkat ako, ikaw, tayo ay Filipino.
©2009 THOUGHTSKOTO
Wednesday, September 23, 2009
Trabaho at iba pa.
I am looking for the following personnel to join our company. I hope nabasa niyo na ang post ni CM sa KABLOGS Jobs.
Nawawala ang link at navigation sa KABLOGS site, hindi ko na alam, haha.
Anyway, I need the following to submit their resume's, photocopy of credentials and passport copies (email to: jazeerah2o@gmail.com and info@ahqwater.com)
Industrial Electrician, preferably with knowledge about PLC and Electrical Machineries, Cabling and Installation. With experience working in a manufacturing industries preferably drinking water.
Industrial Mechanic, with experience in maintenance operation of machineries and equipments and with experienced in manufacturing industry preferably water bottling plant or beverage factory.
RO Technician, someone knowledgeable about RO OPERATION and Troubleshooting. Can analyze some of the basic analysis in water. I can train you, hehe.
Chemist - Ito ang pinakaespecial, yung mga tipong papalitan ako, gustong-gusto ko yan. Isa lang ang requirement dito sabi ng boss ko, dapat daw, mahilig sa girls. wahhhhhhh!
Hindi ako yun ah, natawa si Mrs. Thoughts...
Basta daw, maginoo...hindi mahinhin. (Smile)
©2009 THOUGHTSKOTO
Friday, September 18, 2009
Wednesday, September 16, 2009
The Good and Bad: 2009 MTV Video Awards
I don't know what's going on with Kanye's mind, and I haven't like his songs anyway but stealing someone's moment and totally embarrassing Taylor Swift over nationally televised MTV Video Music Awards will definitely do his music chart down, and make Taylor's music in demand.
Sometimes, we just have to learn to accept things the way it is and leave everything to God.
The videos and links below are from Youtube.
This is the part where Kanye disses Taylor. Notice the reaction on her face when he said Beyonce Knowles has the best video ever.
And the classy woman and great singer she is, Beyonce when receiving the trophy for winning an award had ask Taylor Swift to continue her speech.
Taylor Swift explained about what happened here.
Kanye West issued an apology at Jay Leno's Show here
Sample of Taylor Swift's song here
I just hope walang ganyan sa PEBA Awarding, haha. We are all winners.
©2009 THOUGHTSKOTO
Sunday, September 13, 2009
SOME (ANIMAL) TIPS
Baka nakita niyo na nga ang mga pictures na ito, pero there are many things we can learn from this animal photos...
And so the Thoughtskoto's decided to share some simple tips sa mga visitors namin.
1. Stay out of Trouble.
Wag lumubog or magtakang sumuot sa drum kung di mo alam kung paano makakaahon, now I am not sure with my Tagalog version, pero sa English, parang ganito yun.
"Don't go down, if you don't know how to get up." Simple lang di ba? Hehe
Tsk tsk, malabo... kayo na bahala.
2. When you are communicating seriously, and sincerely, look the other person or animal in the eye.
They will see the sincerity. Promise. Especially if it is between life and hospital-bone-breaking-hospital-bedridden-or-might-be-death experience.
Ako, whenever I speak or may sasabihin na urgently at talagang importante, I look the person in the eye.
Now figure that out in chatting or calling over the phone.
Look at the screen or cellphone instead... (lols)
3. Exercise to maintain good health. It is the secret to long life.
May kilala ako, naggygym daw siya, buti pa siya may time para maggym.
Maggygym na rin kaya ako.
Gymnastic, that is.
4. Teamwork makes an organization, company and family successful.
Totoo yan, no one is an island. We all need each other here. Any sports team, or any organization, kapag walang harmony and mission and vision, walang mangyayari.
Even our very own self, kapag hindi nagkakatugma ang puso, heart, isip at mind, magulo, parang ako, hilong hilo sa kahahanap ng tao, volunteer at sponsor. hehe
5. Prepare a Shelter for Rainy Days
I wonder what happen, matalino naman ang matsing di ba?
Simple tips lang ang number 5 but with a very profound and different meaning. Shelter could mean a lot of things, house, savings, education, virtues, values, dreams...
6. Friendship is no respecter of person (or animal :)
Have you seen a bird befriend a cat? Or a Black African befriend an Asian, or White American?
Wala yan sa color, sa pinag-aralan, sa status quo, sa backgrounds, or sa language or race.
Friendship for me boils down to one thing.
C-H-A-R-A-C-T-E-R
If the person does have a character that I like and wanted to emulate, if I see goodness in them, I befriend them, because I wanted to be influence by their goodness.
kaya yung mga friend namin dito sa blogosphere, mababait yan...hehe
and hope magpakabait na rin kami...
7. Aim for Greater Heights
Merong mga tao na kuntento na sa buhay. Meron din iba na hindi makuntento sa buhay. I guess for us, we dream for something better. We might be contented sa ngayon, but we never ceases to dream and aim for something better.
Kapag ang isa tao daw, kuntento na, that's the end of everything. I guess people succeed because they keep on aiming for the better, hindi stagnant, kaya hindi nabubulok.
Aim for greater and higher and better things. When you fail, at least you tried. When you succeed, share the blessing to others.
8. Nothing is impossible.
We have some doubts and fears. We do. But we face it with faith in God. Kasi di ba sabi Niya,
"for Him nothing is impossible"
I believe that wholeheartedly.
I subscribe to that belief and for many years have proven that indeed, with Him,
if we do things with Him...
things will just go fine, things will just be fine.
Sounds preachy? hmmmn, I am hungry.
9. Rest and Relax.
Breathe some fresh air. Watch a scenic or breathtaking view, and wonder at the beauty of nature, and the tranquility of the birds flying up above.
Take sometime to enjoy the beauty within us.
When you look at the mirror, don't say, "Yuck!"
You are not helping.
Say, "Wow!"
and feel better. We are all wonderful, unique and special.
Kagaya dito sa blogosphere, I have known many, many people, young and not-so-young with tremendous potential, with so much to offer, pero afraid or ashamed to come out in the open and share and reach limitless abilities and hidden talents.
10. Wear Your Best Smile.
It is the secret of staying and looking young.
Tingnan mo nga tong asong toh, parang puppy pa di ba? kasi nga smile lang ng smile.
Nakakita na kasi ng lalapain eh.
(Hindi ko sinabing ikaw yun ah...defensive lang...)
©2009 THOUGHTSKOTO
Saturday, September 12, 2009
Mga Libreng Webinars and Plug-in
Digital Filipino courtesy of our good friend, Janet Toral is celebrating 10th year anniversary. Iniinvite ko kayo to book this to attend a free webinar on any or all of the following:
1.) 3rd State of E-Commerce in the Philippines (Sept 2009 edition)
11 am to 12 noon
- To register, visit http://tr.im/ecommercesept09
2.) 3rd Digital Filipino Web Awards 2009
2 pm to 3 pm
To register, visit http://tr.im/dfwebaward09
3.) Briefing on the Philippine Schools Cyberfair 2010 - Believe and Unite!
4 pm to 5 pm
To register, visit http://tr.im/cyberfairbrief
4.) Make Money from Blogging & Introduction to Blog4Reviews.com
7 pm to 8 pm
To register, visit http://tr.im/blog4review
PEBA Adviser Noemi Dado, the famous Momblogger will be holding an event on September 21st, and I am inviting PEBA volunteers and KABLOGS Supporters to take this chance to meet and listen to the "Running Priest", Fr. Robert Reyes who is an OFW advocate.
Below is Noemi's email:
Hi Kenji
If you know of OFW bloggers in the Philippines, please show them this invite form to meet Fr. Robert who has Parokya ng Mundo. He helps a
lot of OFWs
CLICK HERE
(you will see link of Fr. Reyes Blog, and Senator Pia Cayetano's blog at the link above as well as the form which you can fill up for reservation)
Thanks
Noemi
Kaya kung sa Manila ka, join ka na sa one-time opportunity na ito sa September 21. Magparegister na!
©2009 THOUGHTSKOTO
Friday, September 11, 2009
A Prayer and Plead for Help
The THOUGHTSKOTO family is joining in a moment of prayer for Maricris Ugay, a 36-year old Cancer patient from Paco Manila.
Maricris, a good friend of Mr. and Mrs. The Pope wrote a letter to Palipasan asking for our prayers, support and donation.
Her Husband contact info here:
This prayer is also dotting the KABLOGS now.
As I've said in my comment to her letter, reminding me of my Mom, at the age of 39, suffering the same thing, and with a very limited medicine and complications that time that cost our fortune and her life na halos nasira ang future namin, and it took us more than a decade to recover:
May we be touched to bless her, even we don't know her. May we offer prayer in our hearts and in our minds, even we haven't seen her, because that is what charity is, the pure love of God - genuine concern for the welfare of others.
Helping without expecting anything. Caring and sharing, in simple ways and meager means even if it seems to be nothing.
Read the full text of her letter here.
Wednesday, September 09, 2009
Please Don't Read. Thank you.
Wednesday, September 02, 2009
Busy! Busy! Busy!
Please join the poll/survey regarding PEBA Awarding date at the sidebar or at the PEBA homesite.
The Date of the Awarding for PEBA
The Sponsorship package.
The venue of the Awarding
UP? La Salle? Mall of Asia? Promenade?
The Outreach Program
The Possible Sponsor
The Number of Attendees
Who to invite?
Who will be the keynote Speaker?
Who are the NGO's that will attend?
Who among the government agencies to invite?
Who among the State officials to be invited?
Who will be the Event organizer?
Who will be the MC?
Who will volunteer for the event?
Ask them if they want to support.
Whew...iilan lang yan sa mga pinaguusapan sa nagbabagang chatrooms at conference ng mga nakakataas sa
PEBA at KABLOGS
magmula pa nuong Friday.
Kanina, buong araw kami nagconference, sa haba ng transcript, saka ko na ikukuwento.
Nagsasama ang mga tao sa Saudi, sa Qatar, sa Palau, sa Manila, sa Dubai, para maging maayos ang lahat.
Libre po, walang bayad.
Kasi sabi nila
If you are in the service of your fellow OFW's
You are also in the service of the Big Bro.
plus I take inspiration from her
and her Mom
kaya kahit dead tired na ako pagdating ng work, she still have time para ituloy ang pakikipagchat sa mga taga PEBA at KABLOGS. hehe
©2009 THOUGHTSKOTO
Monday, August 31, 2009
Dear Arvin De La Pena, Lessons 101 For You
Ang post na ito ay payong kapatid, payong kaibigan, payo bilang isang blogero, payo bilang isang KABLOGS.
Denelete or nakaunpublished na ang post mo na "Mukhang Pera" na nagdulot ng pangit na karanasan sa atin. Gusto ko bilang matanda sau, oo inaamin ko, matanda ako sau ng three eight and one fourth na matutunan mo ang mga simpleng aral na ito sa mundo ng blogging.
1. Ang mga bullet messages sa Cbox ay nagpapahiwatig na ang bumibisita sau ay maaring nagmamadali, hindi makapagbasa ng post or simply walang interest sa blog mo o ayaw makipagkaibigan sau, maliban na lang kung kilala mo na ang tao na yun. Magcomment ka sa comment page or comment box, nakakatulong ka pa sa blog owner, nakikita ka sa Google Search Engine, nakakadagdag ng pogi points sa profile views at higit sa lahat nababasa ang mensahe mo kaya pag may nagkagusto ng comment mo, napupunta sa blog mo at nagbabasa ng mga gawa mo.
Bakit nga ba masarap ang naka-base or nakauna sa pagcocomment ng post ng ibang blogero? Kasi unang-una nababasa ang comment mo ng lahat ng magcocomment dito at higit sa lahat naeexpose ka sa madlang blogero kaya traffic increases also.
2. Wag kang magsalita ng mga masasagwa or nasty comments sa comment/post mo. Maaring bastos ang ating ugali or pag-iisip pero I am honestly, easily offended ng mga mura or pagmumurang salita, or beyond decency na mga lengguwahe. Katunayan, kapag may nababasa ako na post na nagmumura nasasaktan ako. Namimili ako ng mga binabasa or bloghop at nililink sa sidebar ko. Wholesome is always awesome sabi nga nila. Para sa akin, ang gumagamit ng mga swear or foul words, mga bastos at nakikita or nababasa sa mga vulgar na pahayagan at magazine ay isang indikasyon na mahina ang vocabulary at discipline ng isang tao. At kapag dumating ang panahon na at lost of words, yun lang ang lalabas sa bibig.
3. Gawin mo na lahat. Alipustahin mo ang blog ko, magpatumbling-tumbling at split ka, pero wag kang mandamay ng pamilya or manira ng reputasyon. Hindi ko alam kong anong magagawa ko kapag pamilya ko ang dinamay mo. Katunayan kaya ako nagmumukhang pera at nagkakandahirap-hirap dito sa Saudi dahil sa pamilya ko. Kaya ako nagtitiis dahil sa pamilya ko. So, sa ngalan ng pamilya, utang na loob, please kapuso, wag mong idamay ang mga walang malay lalo na sa blog or sa comment or kahit saan sa internet.
4. Huwag mong gawing katatawanan or bastusin ang 12 milyon katao na sandigan ng pamilya, kinabukasan at ng bayan mo. Ang OFW ay tatlong letra lamang pero may malalim na kahulugan. Kung isa kang ex-OFW, alam mo yan, kung wala kang relative na OFW, dapat kang makiramdam.
Inaamin ko hindi perpekto ang mga OFW. May mga taong nagiging infidel or nangangaliwa, may mga taong nagiging gahaman, sakim at nagiging mukhang pera. May mga OFW na parang mga alamang ang ugali, kapag ikaw ay naging successful or naging maayos sa trabaho, naghahalo ang balat sa tinalupan sa inggit, paninira at tsismis at kulang na lang ipako ka sa krus. May mga OFW na hindi masaya kapag nagiging matagumpay ka. May mga OFW na hindi nalulungkot kapag nagkamali or nagfail ka. May mga OFW na nangingiti kapag nag-iisa kapag na-badluck ka.
Pero iilan lang sila. Sa limang taon kong pamumuhay at paghihirap sa mainit na disyertong ito, sari-saring kwento at karanasan ang aking narinig at nakita. Ang OFW para sa akin ay mga taong may pangarap sa buhay. Ang pangarap para sa sarili at kinabukasan ng pamilya na siyang nagtutulak para magtiis, that's where they draw strength to fight the terrible loneliness, and carry on even the most menial tasks at hand.
5. Ang pagbloblog ay hindi kahit kelan man sinusukat kung gaano ka na katagal sa lansangan. 2005 pa ako nagsimula, pero marami pang akong natututunan at gustong matutunan, para pa rin akong Grade 6 kung magblog. Gusto kong magblog dati para magsilbing inspirasyon ng aking mga mahal sa buhay at kaibigan, pero natalo ako ni The Pope ng Palipasan at ni Bhing ng Gumamela sa Paraiso sa KABLOGS AWARD ng most Inspiring Blog. {hehe, sorry kanya-kanya pala tayong diskarte dito sa mundong ilalim, kaya di pala ako natalo, naungusan sa ganda ng mga post} Mga blog na halos wala pang isang taon pero magagaling at nakaka-antig ng damdamin. Kaya wag tayong magmayabang na matagal na tayong nagbloblog, tuloy lang tayo sa pagbibigay sigla at pagsilbing inspiration sa ating mga kababayan, nakakalibang, nakakapagbigay-alam, at nakakapagpadami ng kaibigan.
Iilan lang yan sa mga lessons na dapat nating matutunan, Arvin de la Pena. I wonder if one day, magcocomment ka rin sa comment box ko. Yung matino ah. Yung ayun sa post ko, yung related sa entry ko na toh.
Walang halong biro, sumulat ka ng maayos, matino, magaling, na walang inaapakang tao at walang sinasaktang damdamin, lalo kang sisikat.
©2009 THOUGHTSKOTO
Tuesday, August 25, 2009
BAKIT MAKITID ANG UTAK MO? (Edited)
Paumanhin: I have been vocal in replying to blog and post that are highly critical sa mga OFW's. Hindi ako naghahanap ng gulo, at mas lalong ayaw ko ng magulo, pero may mga sitwasyon na hindi lang hinahayaan. Pagbigyan niyo na ako, baka mapapagod din ako kalaunan.
Inaamin ko na I am"mean" sometimes especially when retaliating to post against sa mga OFW's. Ipinanganak ako at lumaking kanto boy sa Mindanao sa bayan ng Cotabato, pinalaki ng Nanay sa General Santos na may respeto sa kapwa, at tinuruan ng magandang asal at kabutihan, kaya lang may pagka kanto boy pa rin. At kung ang tema ng iyong post ay may halong walang modo, kabastusan at walang respeto, kita kits tayo sa kanto.
Ang mababasa niyo sa ibaba ay isang kwentong parody or satire in response to Arvin de la Pena post na "Mukhang Pera". This post was voluntary deleted by the Blogger mentioned above.
88888888888
Naguusap kami ng Production Manager ng planta namin nung bigla may dumaan, si Boy Bawang. Sabi niya bisitahin mo nga ang blog ko, nagpost ako about OFW. Magaling si Boy Bawang, parang si Boy Buang. Ang kaibahan lang nila, si Boy Bawang papak ng papak ng mais samantalang si Boy Buang may pagkaabno minsan. Epekto seguro nung tumalon sa tulay dahil sa hindi sinagot ni Paris Hilton. Dun pala galing ang bansag na "Buang".
Balik tayo kay Boy Bawang. Magaling pala si Boy Bawang sa tula. Parang ganito lang yun. "Ako'y tutula, mahabang-mahaba, ako'y uupo, pagkat natuliro. Tapos na po, bow!" Katunayan, maraming tula niya ang napublish sa mga dyaryo kagaya ng BAHAG, KULANGO, at TULANGGONG. Karamihan sa mga tula niya ay alay niya sa mga naggagandahang babae sa internet o sa school. Mas magaling daw siya gumawa ng tula kapag lasing, kaya wag ka nang magtaka kung minsan parang nasa kubeta ka kung nagbabasa ka.
Binasa ko ang post niya, kahit napakahaba, binasa ko kasi sinulat pa daw iyun back to back sa papel at saka may kinalaman sa OFW. Pinaghirapan niya at nakaubos ng ilang sakong mais hanggang maging utak mais na siya. Halata naman sa sulat niya, di ba. Sabi ko sa Production Manager namin na si Mang Manny, "Sir, pakibasa mo nga."
Matiyagang nagbasa si Mang Manny, at pagkatapos ng halos sampung minuto, nagwika ng mga salitang nakakagulat or nakakatawa. Parang si Boy Bawang at Boy Buang, iisang mukha, dalawang pag-uugali at pag-iisip.
"Pakisabi nga kay Boy Bawang, manalamin muna siya, kung ako na mahigit sampung taon na dito sa Saudi ay nagsusumikap para mapagtapos ang tatlo kong anak ay tatawagin niyang mukhang pera, ang tawag ko naman sa mga katulad niya mukhang AMAG!"
Medyo highblood na kasi si Mang Manny, tatanungin ko sana kung anong ibig sabihin ng amag, kung ito ba’y fungi, or molds, kaya sagot ko na lang.
"Sige po, sasabihin ko."
Nung lumabas na si Mang Manny ng opisina ko ay binasa ko ang email ni Ate Trisha, isang Caregiver sa Canada. Nabasa niya na rin pala ang post sa blog ni Boy Bawang.
Ito ang excerpt sa email niya.
"...abi nimo Dong, murag nakahilak ko sa iyahang istorya kabahin namong mga caregiver bah. Lisod kaayo oi. Pero duda nako naa na si Boy Bawang sakit, polar disorder man tingali tawag ana. Kasabot man sad kog tagalog oi, pero bastos man to iyahang istorya na dili man unta isulat. Anyway, dili nako magdugay Dong, pasagdi na lang na siya kay basura man ng iyahang mga post, bati bitaw nag mukha oi..."
Naawa ako kay Ate Trisha, kaya sabi ko sa email-reply ko, pwede mo seguro isend ng link ang Caregiver Association of the Philippines, at mga Nurses Association para ipabasa sa kanila, pati ang school kung saan galing si Boy Bawang kasi nagooffer din sila ng Caregiver at Nursing courses and tingnan natin kung anong masasabi nila sa malaswang kwento na ito.
Nanlumo ako sa aking nabasa actually. Hayag na kabastusan na walang puwang sa blog. Nagpapakita ng tunay na laman ng isip (kung may isip) at utak (kung may utak). Ang tawag namin nun sa Bisaya, "utak bolinao" yung mga maliliit na isda, ayun, dilis nga. Utak dilis pala.
Mag-anchovy salad ka na lang.
Alam mo may suggestion ako, Boy, why don't you take an IQ test online?
Bumaba ako ng laboratory at nag-ikot sa production area habang nasa isip ang mga katagang sinulat ni Boy Bawang sa kanyang kwentong Face Money or Money Face...well {mani-pis}. Naalala ko tuloy si Binoy Pinya , isa rin daw yung basura blogger, kasi ang mga post niya basura, as in wala daw talagang kwenta, at bawat post niya umiikot yun sa buong world wide web para ipaalam na may post siya.
Halimbawa:
"may bago akong tula tungkol sa dalawang babaeng mahal ko sa blogosperyo"
Ang tawag sa blogger na umiikot at nagiiwan ng mga komentong ganyan ay
desperado, makitid ang utak, utak dilis nga eh!
ito pa...
"napost ko na ang kwento ko tungkol sa balakubak ko sa ulo at kung bakit may mga lisa ang mahaba kong buhok"
ang tawag dyan sa mga ganyang mga blogger na iikot sa blogsoperyo at proud sa balakubak at lisa - ipokrito at walanghiya o walang modo.
ito last na lang.
"napost ko na ang tungkol sa pagkamatay ng miyaw ko, magdala ka ng tissue at baka mapaluha ka pag binasa mo"
Kapag gusto mo daw magkaroon ng mga mambabasa at magcocomment sau, magcomment ka rin sa page nila. Bihira akong magcomment sa Cbox. Sa mundo ng blogging, give and take. Comment ka, comment ako. Hanggang sa mahook ako sa mga panulat mo, maging magkaibigan tayo. Hindi na parang nagiiwan ka ng instruction sa Cbox ng iba na basahin ang post mo na walang kwenta!
WAHID ITNIN TALATA
كما تعلمون ، أن تضيق من الدماغ ، وبعد مواجهة مثل العفن. وينبغي أن المدونين المتعفنة مثلك ، والقمامة وظيفة ، nilulublob الطين ، وكنت في مثل الجاموس.
المؤسف أن يفكر كما أنت. القمامة التي تقوم بكتابتها ، ولكن يبدو أنها تريد أن يلمع ، كنت تماوج أن الثوم
Translate ko na lang ha.
Anta Mok Mafi. La, mafi, monkin, anta mok taban, monkin karban. Inta kalam alatol kulo OFW sim sim sekol pulos? Anta karban, monkin, anta mafi pulos badin anta katir like pulos, monkin anta mafi akil. Bagaysaunilublubsaputikanparamatauhan.
Is muskil? Inta mafi malum Filipini katir kuayes? anta maginon. badin anta harami. Katir harami anta. Shup, inta sekol sim sim karban.
Kilala niyo na siya kung sino siya? Ilang beses na siyang nagiwan ng mensahe sa akin na i-add ko siya sa sidebar ko. Pero sorry, namimili kasi ako ng nilalagay ko sa sidebar ko. Boknoy, pasensia na boks, di ko type maglagay ng link sa mga post na tula-tula na may picture ng mga babae kahit ako ay tinaguriang makata ng school ko ng high school, at naging literary editor ng college. May mga manunula sa blogosperyo na magagaling, nakakabagbag-damdamin, nakakapagpagana ng kaisipan. Pero sory di ko type ang mga tula mo, mas lalo na kapag ang post mo ay hayag na pambabastos sa mga kagaya kong OFW.
Para sakin, isa kang basurang blogero, and hindi ako naglilink ng basurang post. Katunayan ito lang na post mo ang binasa ko. Ang post mo na ito na Mani pis. Kasi para sakin, nilait mo ako, kinutya, sinaling, at nilapastangan. Bulok na mga posting na gawa ng bulok na blogero na maaring pinalaki or lumaki sa bulok na pamamaraan.
Marami kang napublish na mga gawa sa dyaryo ? Well, sikat ka sa labas. Bulok sa loob.
United we fight this, full details at Palipasan.
Bizjoker also here, Gumamela sa Paraiso here, Dungeon here, Batang Henyo here
Azel at Mapanuring Panitik, and Jee of Wits Expression
Also here at Desert Aquaforce and Dating Tambay, KosaPogi Kupal here
Dear Arvin De La Pena, Lessons 101 For You
©2009 THOUGHTSKOTO