Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Friday, July 30, 2021

Driver's License na may 10-year validity, maaari nang ma-aplayan sa LTO simula Oktubre





MANILA, Philippines — KINUMPERMA ngayon ng Land Transportation Office o LTO na magsisimula na sa Oktubre ang pamamahagi ng ahensiya ng mga driver's license na may 10 taong validity.

Ngunit nilinaw ng LTO na hindi ito para sa lahat ngunit para lamang sa mga motoristang walang anumang traffic violation o walang nagawang paglabag sa batas-trapiko sa loob ng limang taong period ng kanilang driver's license.

Ibibigay ang nasabing driver's license sa motoristang magre-renew ng kanilang lisensiya simula sa buwan ng Oktubre ngayong taon.

Hindi naman kasama sa makakatanggap nito ang mga student drivers licensee dahil nakasaad sa batas na ang 10 years validity ng driver's license ay para lamang sa driver na nagkaroon ng lisensiya na may 5-year validity.


Ads


Nilinaw naman ni LTO Chief Edgar Galvante na ang 10-year validity ay hindi automatic na ibibigay sa isang driver dahil titingnan nilang mabuti kung malinis ang record para mabigyan ito ng driver's license na valid sa loob ng 10 taon.

“Not all license holders are entitled to this privilege. For those who have clean records, you may enjoy not coming back for renewal not only for five years, but ten years. That is if you are not delinquent,” pahayag ni  Galvante.


Ang 10 year validity ng driver's license ay base sa inaprobahang Republic Act 10930 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017.

Pinasiguro naman ni Galvante na license card at hindi papel ang makukuha ng isang motorista sakaling mag-aapply at mabibigyan ito ng nabanggit na driver's license.


Ads
Sponsored Links



Una nang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang huling State of the Nation's Address o SONA na pabor ito sa pagpapalawig ng validity ng driver's license hanggang 10 taon “if there is no traffic violation.”

Ngunit importante umanong sumailalim sa medical assessment kada limang taon ang may hawak nito upang masiguro na maganda pa ang paningin at pandinig nito.

“Ten years is too long. I like it, it’s good, but we should [have an] assessment in five years. You should go there for a medical makeover, tingnan lang kung kaya pa (see if you’re still capable of driving),” dagdag ng pangulo.


©2020 THOUGHTSKOTO

Tuesday, July 27, 2021

Mobile Number Portability, Magsisimula Na | 10 Bagay na Dapat Mong Malaman





MANILA, Philippines — EPEKTIBO na sa Setyembre 30 ang mobile number portability matapos inilunsad ng mga major telecommunications providers ng bansa ang kanilang joint venture na Telecommunications Connectivity Inc o TCI.

Isa itong paghahanda sa nakatakdang mobile number portable sa iba't-ibang network simula Setyembre 30.

Sa ilalim ng mobile number portability, maaaring lumipat ng service providers ang mga telco subscribers na hindi nagpapalit ng kanilang mobile numbers.

Ito ay ayon sa representante ng tatlong major telco players sa kanilang joint press conference.

Ads


Ang TCI na joint venture ng DITO Telecommunity, Globe Telecom at PLDT Inc's Smart Communication, ang mangangasiwa sa mobile number portability.

"It is a sure win for the Filipino people... sa Mobile Portability Act, may forever," ang naging pahayag ni TCI general manager Melanie Manuel.

Naisakatuparan ang mobile number portability sa pamamagitan ng RA 11202 o An Act Requiring Mobile Service Providers to Provide Nationwide Mobile Number Portability to Subscribers.

Ayon naman kay Mario Tamayo, TCI president at senior vice president ng PLDT at Smart, naghihikayat ito ng kompetisyon sa tatlong telcos.

"We hope to usher in a new era of innovation and competition for the benefit of the Filipino people," ang naging pahayag ni Brian Patrick Lim, miyembro ng TCI management committee, at vice president ng Globe Telecom.

"Essentially, what it does is it encourages competition and it gives consumers the freedom to choose a provider with the best services," ayon naman kay TCI treasurer at chief administrative officer ng DITO Telecommunity na si Adel Tamano.

Nasa 120 million naman ang investment ng tatlong telcos sa TCI.

Ads

Sponsored Links



Ayon sa TCI, narito ang 10 bagay na dapat mong malaman ukol sa mobile portability:

1. Libre sa mga users ang paglilipat ng services providers o porting out and porting in.

2. Aabot lang ng 48-hours ang paglilipat ng telcos na may halos apat na oras na downtime bago maging epektibo.

3. Available ang serbisyong ito sa prepaid at postpaid subscribers sa kondisyon na natapos na ang lock-in period para sa mga postpaid users at na-settle o nabayaran na ang lahat na mga pananagutan.

4. Walang limit ang pag-switch ng network mula sa isa papunta sa isa sa alinmang mga telco providers.

5. Kahit walang limit, kinakailangan namang matapos ng isang subscriber ang 60-day period bago ito muling maka-request ng panibagong transfer.

6. By default, hindi masasabi ng consumers kung anong telco provider ang ginagamit ng kabilang partido.

7. Magsisimula ang switching process sa pamamagitan ng text message bago pa man i-pick-up ang bagong sim card. Ito ay subject pa umano sa improvements.

8. Kinakailangan ng isang user ng active na SIM at ang mag-rerequest ay siyang asignee sa mobile number na ipo-port.

9. Dapat walang court prohibition ang isang subscriber o user.

10. Dapat wala ding transfer of ownership ang isang user.

Inaasahan naman na nasa 1 million subscribers ang maka-a-avail ng nabanggit na serbisyo sa initial phase.

©2020 THOUGHTSKOTO

Thursday, July 22, 2021

SSS may mahalagang paalala sa mga retirees na tumatanggap ng pension





MANILA, Philippines — HINDI maikakaila na maraming mga senior citizens ang umaasa sa pagdating ng kanilang buwanang pension mula sa Social Security System o SSS.

Mabilis ang pagdating ng iyong SSS pension kung rehistrado na sa Disbursement Account Enrollment Module o DAEM ang account mo. Ibig sabihin, tumatanggap ka ng pension sa pamamagitan ng mga ATMs o disbursement account na sakop ng mga PESONet banks.

Una nang pinalawig ng SSS hanggang Setyembre 30 ang deadline para sa mga pensioners na lumipat sa mga PESONet banks para sa kanilang tinatanggap na pension.

Ngunit hindi maikakaila na hanggang sa ngayon, may mga tumatanggap pa rin ng pension sa pamamagitan ng tseke.


Ads


Dahil dito, naglabas ngayon ang SSS ng mahalagang anunsyo para sa mga SSS pensioners na tumatanggap ng benepisyo sa pamamagitan ng tseke.

Ayon sa SSS, dahil sa hindi inaasahang kakulangan sa supply ng pension checks na naging dahilan ng pagka-antala ng pagpapadala nito sa mga pensiyonado, ang buwanang pension para sa buwan ng Hulyo at Agosto 2021 ay matatangap sa loob ng dalawang linggo ng Agosto.

Ibig sabihin matatanggap ito ng mga pensioners simula Agosto 1 hanggang 15.


Ads

Sponsored Links



Pinasiguro naman ng SSS na pinoproseso na ang pagbili ng supply ng pension checks at nakipag-uganayan na rin ang SSS sa Philippine Postal Corporation o PPC para mabilis ang pagpapadala  nito sa 13, 393 na mga apektadong pensioners sa buong bansa.

Ang schedule ng pagpapadala sa PPC at pagtanggap ng mga tseke ng mga pensionado ay base sa sumusunod:

Sa mga nasa Metro Manila, matatanggap ang tseke sa loob ng limang working days o mula Agosto 2-6, 2021.

Sa mga taga Luzon, ang tseke naman ay matatanggap sa loob ng pitong working days o mula Agosto 2 hanggang 10, 2021.

Para naman sa mga taga Visayas at Mindanao ang kanilang tseke ay matatanggap sa loob ng 10 working days o simula Agosto 2 hanggang 13, 2021.

©2020 THOUGHTSKOTO

Wednesday, July 21, 2021

Proseso ng annulment sa Pilipinas, isinusulong na mapabilis



MANILA, Philippines — PILIPINAS na lamang ang nag-iisang bansa sa buong mundo na walang divorce. Maliban dito, nananatili namang mahirap, magastos at matagal ang proseso ng kasalukuyang annulment proceedings sa bansa.

Dahil dito, isang panukalang batas ngayon ang inihain sa House of Representative na may layuning mapabilis ang dissolution at annulment of marriage sa pamamagitan ng paglabas ng proseso sa Office of the Solicitor General o OSG.

Sa ilalim ng House Bill 9774 o the Family Law Reform Act of 2021 na inihain noong Hulyo 5 sa Kongreso, nakasaad na ililipat sa Public Attorney's Office o PAO, Department of Social Welfare and Development o DSWD at sa Integrated Bar of the Philippines o IBP ang papel o role ng OSG sa mga family law cases.


Ads


Ayon sa may akda ng panukalang batas na si Bohol Representative Kristine Alexie B. Tutor, na sakaling maging batas, ang lahat na kaso na may kaugnayan sa marriage annulment ay malilipat sa PAO at DSWD mula sa OSG.

Sa ilalim ng nabanggit na house bill, inaatasan ang DSWD na bumuo ng Family Relations Welfare Office na magsisilbing staff support sa PAO na siyang sasakop sa lahat na aspetong may kinalaman sa social services ng kaso.

Bubuo naman ang PAO ng Special Branch ng Family Law na hahawak, tututok at tatalakay sa mga kasong may kaugnayan sa annulment.

Paliwanag ni Tutor sa ilalim ng panukalang batas, maaaring ma-desisyunan sa loob ng isang taon ang pagpapawalang-bisa sa kasal sa pamamagitan ng annulment.

“The bill sets a timeline of up to 360 working days for the hearing and resolution of annulment and other Family Law cases: 180 days at the Family Court and 180 days on appeal,”paliwanag ni Tutor sa isang news release.

“It also sets fifteen days for the religious authorities, the office of the civil registrar, and the Philippine Statistics Authority to record the annulment or dissolution of marriage in the official government records.” dagdag pa ng mambabatas.


Ads

Sponsored Links



Pinapahintulutan din ng panukalang batas ang kasunduan ng PAO at IBP na payagan ang grupo ng mga abogado na magtalaga ng miyembro na libreng hahawak sa mga kaso upang matugunan ang kakulangan ng mga abogado sa PAO.

Kinumperma din ni Tutor na suportado ng dalawang obispong Katoliko sa Talibon at Tagbilaran, kapwa sa Bohol ang panukalang batas nito na Family Law Reform Act of 2021, dahil sa hindi maitatangging “painful reality of invalid marriages”.

Kinikilala umano ng nabanggit na mga religious leaders ang tatlong main advantages ng panukalang batas na kinabibilangan ng mga sumusunod:
  • Pagbibigay-awa sa mga biktima ng kasal na hindi wasto mula sa simula.
  • Access sa annulment at marriage dissolution sa mga mahihirap na mag-asawa.
  • Pag-iwas sa mga hindi na kailangang procedure at posibleng duplication.

©2020 THOUGHTSKOTO

Tuesday, July 20, 2021

Walang internet pero may gustong malaman sa SSS? I-Text-SSS mo na yan! Paano? Alamin dito!






MANILA, Philippines — MARAMING paraan para makakuha ng impormasyong kinakailangan sa Social Security System o SSS lalo na ngayong panahong may coronavirus disease o Covid-19 pandemic kung saan pina-iiwas ang lahat sa mga matataong lugar.

Maliban sa impormasyon o inquiry na maaaring gawin sa mismong My.SSS account, alam niyo ba na maaari ring tawagan ang SSS, email at i-text?

Sa post na ito, sesentro tayo kung paano makakakuha ng mga impormasyon sa SSS sa pamamagitan ng Text-SSS! Upang makapag-padala ng mensahe o inquiry sa SSS, siguruhing may load ang cellphone mo dahil P2.50 per text ang bayad sa Globe at Smart subscribers habang P2.00 naman para sa mga Sun Cellular subscribers.


Ads


Bago mo i-text ang SSS, magpa-rehistro ka muna ayon sa sumusunod na format:

Register and send to 2600

SSS REG <SSNUMBER> <BDAYmm/dd/yyyy>

Halimbawa: SSS REG 3375003981 10/26/1989

Kung matagumpay ang iyong pagpapa-rehistro, makakatanggap ka nga Personal Identification Number o PIN na iyong gagamitin sa pagpapadala ng text-inquiries.

Narito ang iba't-ibang mga keywords na maaaring i-send sa 2600:

• To get a Payment Reference Number (PRN), key in: SSS PRN <SS Number> <PIN> <BDAYmm/dd/yy>

• To inquire on Contributions, key in: SSS CONTRIB <SS Number> <PIN> 

• To inquire on Loan Balance, key in: SSS LOANBAL <SS Number> <PIN> 

• To inquire on Loan Status, key in: SSS LOANSTAT <SS Number> <PIN>
 
• To retrieve PIN, key in: SSS RESET <SS Number> <BDAYmm/dd/yy>



Ads

Sponsored Links



Para naman ma-check ang status ng iba't-ibang claim, maaaring i-key-in lamang ang mga sumusunod:
  • SSS STATUS Sickness <SS Number> <PIN> 
  • SSS STATUS Maternity <SS Number> <PIN>
  • SSS STATUS ECMed <SS Number> <PIN> 
  • SSS STATUS Retirement <SS Number> <PIN>
  • SSS STATUS Disability <SS Number> <PIN>
  • SSS STATUS Death <SS Number> <PIN>
  • SSS STATUS Funeral <SS Number> <PIN>
Samantala, may mga inquiries naman na hindi na nangangailangan ng Text-SSS registration.
I-text lamang ang mga sumusunod na keywords sa 2600:

• To inquire on all Keywords used in Text-SSS, key in: SSS HELP

• To know the nearest branch, key in: SSS BRANCH <city> or <postal code>

• To inquire on Document Requirements for Benefit Claims, key in: 

SSS DOC Sickness 
SSS DOC Maternity  
SSS DOC ECMed 
SSS DOC Funeral 
SSS DOC Retirement (For retirement at less than 65 years old)
SSS DOC Retirement Minor (For retirement with minor dependent)
SSS DOC Disability
SSS DOC Death 

• To inquire on Document Requirements for UMID, Membership,
and Changes in Member’s Data, key in:

SSS ID 
SSS OFW  
SSS SELF
SSS VOL 
SSS CHANGE

• To send feedback and concerns, key in: 

SSS FEEDBACK <SS Number> <feedback/complaint/concern> Send to 2600.

Example: SSS FEEDBACK 3312345678 CONTRI NOT POSTED


©2020 THOUGHTSKOTO

Monday, July 19, 2021

Land Bank Foreclosed Properties for Sale | Residential Vacant Lot & Agricultural Farm Land




MANILA, Philippines — SA panahon ngayong tumataas ang lahat na bilihin, hindi masamang i-konsidera ang ibang option kung ikaw ay naghahanap ng mabibiling real-estate properties lalo na ng lupa.

Isa sa mga option na dapat ikonsidera ay ang pagbili ng foreclosed properties na binawi ng lenders gaya ng bangko at iba pang financial institutions o maging ng gobyerno.

Nagiging foreclosure ang isang property kapag hindi ito nabayaran ng may-ari sa bangko o sa gobyerno. Sa ngayon, mas attractive sa mga real-estate buyers ang foreclosed properties dahil sa mas murang selling prices.

Ads


Kung ikaw ay naghahanap ng agricultural farm land o residential vacant lot? Narito ang mga foreclosed properties ng Land Bank of the Philippines na ibenebenta sa mas murang halaga kung ikukumpara sa ibang real-estate market!

Nasa P73,000 ang pinaka-murang property na nasa listahan.

Ang mga nakalista sa ibaba ay kinuha lamang sa website ng Land Bank na maaari din ninyong bisitahin kung kayo ay interesado sa mga foreclosed properties na ito.






Ads

Sponsored Links



































©2020 THOUGHTSKOTO

Tuesday, July 13, 2021

ALAMIN: Paano magparehistro para makaboto sa halalan?




MANILA, Philippines — HINDI maikakaila ang kaliwa't kanang reklamo ng maraming Filipino sa pamumuno ng mga nasa pwesto at maaari lamang palitan sa pamamagitan ng eleksiyon. Parang kailan lang, eleksiyon na naman sa susunod na taong 2022.

Ang pagboto ay kapangyarihan at karapatan ng mga mamamayan na pumili ng mga lider na kasama nilang haharap sa mga hamon na ito. 

Ang tanong rehistrado kana ba para bomoto ng lider na napupusuan mong mamuno para sa bansa? Kung hindi pa, narito ang mga hakbang sa proseso ng voters' registration sa Commission on Election o Comelec.

Ads


Sino ang kwalipikadong bumoto?

Simple lamang ang mga qualifications para maka-boto sa darating na halalan at ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod;
  • at least 18 anyos bago ang araw ng halalan
  • residente ng Pilipinas sa loob ng 1 taon
  • residente sa lugar kung saan mo nais bumoto 6 buwan bago ang araw ng eleksyon
Anu-anong valid ID ang maaaring dalhin at tinatanggap sa pagpa-rehistro? Importante ang pagkakaroon ng valid ID bilang patunay na maaari na kayong magpa-rehistro. Kung walang ID, maaari ding mag-presenta ng birth certificate. 

Samantala, narito ang mga IDs na tinatanggap ng Comelec:
  • Employee ID
  • Postal ID
  • PWD ID
  • School/University ID
  • Senior Citizen ID
  • Driver’s license
  • NBI clearance
  • Passport
  • SSS/GSIS ID
  • IBP/PRC ID

Ads

Ano ang mga kailangang dalhin sa voters' registration?

Para makapag-parehistro kailangan mong pumunta sa city o municipal Comelec office sa inyong lugar upang makuhaan ng fingerprint, picture, at pirma.

Maaari din ang online appointment o walk-in ang magpaparehistro at kailangan lamang dalhin ang mga sumusunod:
  • 3 copies ng Application Form
  • 1 Valid ID at photocopy nito
  • Sariling ballpen
  • Original at photocopy ng birth certificate kung ikaw ay below 18 years old
  • Maaari ring makuha ang Application Form sa inyong Comelec office kung walang kakayahang mag-print.

Sponsored Links



Paano naman magpa-rehistro para maka-boto?

STEP 1: Sagutan ang application form

Pumunta lamang sa irehistro.comelec.gov.ph. para makapagfill-out ng forms. Maaari ring makuha ang application form sa inyong local Comelec office kung walang kakayahang mag-print.

STEP 2: I-submit ang voter registration form at magpakuha ng biometrics.

Nakadepende sa local na opisina ng Comelec ang proseso ng voters’ registration sa inyong lugar. Isumite ang inyong application form at iba pang mga requirements.

Matapos ang verification, kukuhanan kayo ng mga local na opisyal ng inyong larawan, biometrics at signature. 

STEP 3: Kunin ang acknowledgment receipt. Pruweba ito na nakapag submit ka na ng iyong application.

Paano naman magpa-rehistro gamit ang Mobile Application o App ng Comelec?

Para mapalawak ang voters' registration, may mobile app na rin ang Comelec upang mapabilis ang proseso ng pagpa-rehistro. 

Narito ang mga hakbang para gamitin ito:
  • I-download ang Mobile Registration Form App sa bit.ly/MobileFormApp
  • Kahit hindi gumagamit ng internet, i-press ang "get started" at piliin ang uri ng application gaya ng "new registration," "transfer," "reactivation," "change of name," o "correction of entries"
  • Punan ang form at i-generate ang QR code
Bukod sa QR code magdala pa rin ng valid government ID at ipasa ito sa local na Comelec office at kukuhanan pa rin kayo ng larawan, biometrics at signature pagkatapos ay bibigyan ng acknowledgment receipt.

Matapos nito ay rehistrado ka na para sa darating na halalan.

Sa mga nais magpa-rehistro, bukas ang mga Comelec offices sa buong bansa simula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Babala naman ng Comelec na huwag hintayin ang deadline sa pagpa-rehistro upang maiwasan ang pagsisikipan.

Ang voters registration ng Comelec ay tatagal hanggang Setyembre 30, 2021.

©2020 THOUGHTSKOTO

Monday, July 12, 2021

SSS Pension Loan, Maaari Nang Aplayan Online! Paano? Alamin dito!





MANILA, Philippines — DAHIL sa pandemya dulot ng coronavirus disease o Covid-19, pina-alalahanan ang mga senior citizens na manatili sa bahay lalo na't hindi nabakunahan kontra sa Covid-19.

Kung ikaw ay isang retiree o pensioner ng Social Security System o SSS at kailangang mag-file ng loan, hindi mo na kailangan pang pumunta sa alinmang SSS brances na pinaka-malapit sa inyong lugar dahil maaari nang gawing online ang pag-a-apply ng pension loan.

Good news ito para sa mga SSS retiree-pensioners. Narito ang mga qualifications para makapag-file online ng SSS Pension Loan.
  • Isang retiree-pensioner na mayroong My.SSS account sa SSS website
  • 85-anyos gulang pababa na huling buwan ng termino ng loan
  • Walang kaltas sa monthly pension o existing advance pension sa ilalim ng SSS Calamity Loan Assistance Package at
  • Regular na tumatanggap ng montly pension at ang status ng pension ay "active"

Ads


Sa mga pasok sa qualifications, maaari kayong mag-apply online ng Pension Loan hanggang sa maximum na P200,000. Ito ay maaaring bayaran sa loob ng anim, 12 at 24 na buwan na may 10% interest kada taon.

Sa ngayon, kahit nasa loob ng bahay maaari na kayong mag-apply ng Pension Loan. Sundan lamang ang walong simpleng steps ng proseso.

Ads

Sponsored Links



Sa mga successful online application ng SSS Pension Loan, maaari mong matanggap ang inyong loan proceeds sa loob ng limang working days sa pamamagitan ng inyong Savings Account ayon sa sumusunod na order of priority:
  • Valid SSS UMID Card na naka-enroll bilang ATM Card;
  • Valid UBP QuickCard na naka-rehistro ang savings account sa SSS
  • Valid Pension Savings Account na PESONet-participating bank na naka-enroll sa SSS kapag na-implement na ang PESONet payment facility para sa Pension Loan Program.
Ang mga pensioner naman na tumatanggap ng pension sa pamamagitan ng tseke ay pinapayuhang personal na mag-apply ng pension loan sa pinaka-malapit na SSS branch sa inyong lugar.

©2020 THOUGHTSKOTO