Carousel

Sponsored Links

Looking for House and Lot Within Tagaytay Area? CONTACT US!

Name

Email *

Message *

Showing posts with label SSS Pension Loan. Show all posts
Showing posts with label SSS Pension Loan. Show all posts

Monday, July 12, 2021

SSS Pension Loan, Maaari Nang Aplayan Online! Paano? Alamin dito!





MANILA, Philippines — DAHIL sa pandemya dulot ng coronavirus disease o Covid-19, pina-alalahanan ang mga senior citizens na manatili sa bahay lalo na't hindi nabakunahan kontra sa Covid-19.

Kung ikaw ay isang retiree o pensioner ng Social Security System o SSS at kailangang mag-file ng loan, hindi mo na kailangan pang pumunta sa alinmang SSS brances na pinaka-malapit sa inyong lugar dahil maaari nang gawing online ang pag-a-apply ng pension loan.

Good news ito para sa mga SSS retiree-pensioners. Narito ang mga qualifications para makapag-file online ng SSS Pension Loan.
  • Isang retiree-pensioner na mayroong My.SSS account sa SSS website
  • 85-anyos gulang pababa na huling buwan ng termino ng loan
  • Walang kaltas sa monthly pension o existing advance pension sa ilalim ng SSS Calamity Loan Assistance Package at
  • Regular na tumatanggap ng montly pension at ang status ng pension ay "active"

Ads


Sa mga pasok sa qualifications, maaari kayong mag-apply online ng Pension Loan hanggang sa maximum na P200,000. Ito ay maaaring bayaran sa loob ng anim, 12 at 24 na buwan na may 10% interest kada taon.

Sa ngayon, kahit nasa loob ng bahay maaari na kayong mag-apply ng Pension Loan. Sundan lamang ang walong simpleng steps ng proseso.

Ads

Sponsored Links



Sa mga successful online application ng SSS Pension Loan, maaari mong matanggap ang inyong loan proceeds sa loob ng limang working days sa pamamagitan ng inyong Savings Account ayon sa sumusunod na order of priority:
  • Valid SSS UMID Card na naka-enroll bilang ATM Card;
  • Valid UBP QuickCard na naka-rehistro ang savings account sa SSS
  • Valid Pension Savings Account na PESONet-participating bank na naka-enroll sa SSS kapag na-implement na ang PESONet payment facility para sa Pension Loan Program.
Ang mga pensioner naman na tumatanggap ng pension sa pamamagitan ng tseke ay pinapayuhang personal na mag-apply ng pension loan sa pinaka-malapit na SSS branch sa inyong lugar.

©2020 THOUGHTSKOTO

Friday, October 16, 2020

SSS Pension Loan, Maari Nang I-apply Online!



Mas ligtas, mas mabilis at mas madali. Ito ngayon ang ino-offer ng Social Security System o SSS sa kanilang mga retiree-pensioner na nais mag-apply ng Pension Loan Program o PLP.

Ayon kay SSS President at CEO Aurora C. Ignacio, maaari itong gawin sa ilalim ng E-Services tab ng My.SSS member portal na www.sss.gov.ph. 

“Through the SSS’ continuous digitalization efforts, the PLP was made available online since last September 15, 2020. Qualified retiree-pensioners can easily apply for the program without visiting our branches, which is either difficult or restricted, particularly for senior citizens, because of the COVID-19 situation,” ang naging pahayag ni Ignacio.




Ads


Para sa mga retiree-pensioner na gustong mag-apply online, importante umanong nakamit ng mga ito ang qualifying condition ng PLP, nakapag-register sa My.SSS web accounts, may kasalukuyan at active na mobile number, at disbursement accounts na maaring isa sa mga sumusunod;
  • Valid SSS Unified Multi-Purpose Identification card enrolled as an ATM card
  • SSS-issued Union Bank of the Philippines Quick Card.
Tinatrabaho na rin umano ng SSS na isama ang Philippine Electronic Fund Transfer System and Operations Network (PESONet) participating banks bilang PLP disbursement channels.

Sa ilalim ng PLP, maaaring makapag-loan ng tatlo, anim, siyam o 12 beses sa kanilang basic monthly pension o BMP ang isang retiree-pensioner dagdag pa ang P1,000 na additional benefit. Ngunit ang total amount ay hindi naman lalagpas sa P200,000.



Ads

Sponsored Links



Sino ang kwalipikadong mag-file ng PLP? Narito ang mga requirements;
  • Ang retiree-pensioner ay hindi dapat lalagpas sa 85-anyos sa pagtatapos ng loan term nito.
  • Walang deduction sa tinatanggap nitong pension
  • Walang advance pension sa ilalim ng SSS Calamity Assistance Package
  • Tumatanggap ng regular pension na hindi bababa sa isang beses sa isang buwan.
  • Ang retiree-pensioner ay may "active" na pension status
 Ang mga sumusunod ay proseso para makapag-file ng PLP application online;

STEP — 1
  • Kailangang mag-log in ng isang retiree-pensioner sa kanyang My.SSS account.
  • Pumunta lamang sa E-Service tab at i-click ang “Apply for Pension Loan,”
  • Piliin ang gustong loan amount at term ng pagbabayad.
  • I-check ang mga terms and condition ng programa
  • I print o i-download ang PDF copy ng Disclosure Statement.
STEP — 2

Makakatanggap ng email bilang confirmation ang retiree-pensioner ukol sa kanyang pension loan application.

STEP — 3

Kung walang problema sa loan application, at agad na naaprobahan, ang pera mula sa in-apply na pension loan ay idi-deposito ng SSS sa disbursement account ng retiree-pensioner sa loob ng limang araw. (five working days).

©2020 THOUGHTSKOTO