Mas ligtas, mas mabilis at mas madali. Ito ngayon ang ino-offer ng Social Security System o SSS sa kanilang mga retiree-pensioner na nais mag-apply ng Pension Loan Program o PLP.
Ayon kay SSS President at CEO Aurora C. Ignacio, maaari itong gawin sa ilalim ng E-Services tab ng My.SSS member portal na www.sss.gov.ph.
“Through the SSS’ continuous digitalization efforts, the PLP was made available online since last September 15, 2020. Qualified retiree-pensioners can easily apply for the program without visiting our branches, which is either difficult or restricted, particularly for senior citizens, because of the COVID-19 situation,” ang naging pahayag ni Ignacio.
Ads
Para sa mga retiree-pensioner na gustong mag-apply online, importante umanong nakamit ng mga ito ang qualifying condition ng PLP, nakapag-register sa My.SSS web accounts, may kasalukuyan at active na mobile number, at disbursement accounts na maaring isa sa mga sumusunod;
- Valid SSS Unified Multi-Purpose Identification card enrolled as an ATM card
- SSS-issued Union Bank of the Philippines Quick Card.
Tinatrabaho na rin umano ng SSS na isama ang Philippine Electronic Fund Transfer System and Operations Network (PESONet) participating banks bilang PLP disbursement channels.
Sa ilalim ng PLP, maaaring makapag-loan ng tatlo, anim, siyam o 12 beses sa kanilang basic monthly pension o BMP ang isang retiree-pensioner dagdag pa ang P1,000 na additional benefit. Ngunit ang total amount ay hindi naman lalagpas sa P200,000.
Ads
Sponsored Links
Sino ang kwalipikadong mag-file ng PLP? Narito ang mga requirements;
- Ang retiree-pensioner ay hindi dapat lalagpas sa 85-anyos sa pagtatapos ng loan term nito.
- Walang deduction sa tinatanggap nitong pension
- Walang advance pension sa ilalim ng SSS Calamity Assistance Package
- Tumatanggap ng regular pension na hindi bababa sa isang beses sa isang buwan.
- Ang retiree-pensioner ay may "active" na pension status
Ang mga sumusunod ay proseso para makapag-file ng PLP application online;
STEP — 1
- Kailangang mag-log in ng isang retiree-pensioner sa kanyang My.SSS account.
- Pumunta lamang sa E-Service tab at i-click ang “Apply for Pension Loan,”
- Piliin ang gustong loan amount at term ng pagbabayad.
- I-check ang mga terms and condition ng programa
- I print o i-download ang PDF copy ng Disclosure Statement.
STEP — 2
Makakatanggap ng email bilang confirmation ang retiree-pensioner ukol sa kanyang pension loan application.
STEP — 3
Kung walang problema sa loan application, at agad na naaprobahan, ang pera mula sa in-apply na pension loan ay idi-deposito ng SSS sa disbursement account ng retiree-pensioner sa loob ng limang araw. (five working days).
©2020 THOUGHTSKOTO
1 comment:
May age limit ba ng pensioner na maka avail nito,?,Kasi ung uncle ko 68 years old,ng apply nNetong PLP last month ,SSS cagayan de Oro branch,,Hindi na approved dahil age bracket daw bago law nyo,
Post a Comment