Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Tuesday, October 20, 2020

License Validity ng mga nasa edad 17-21 at 60-65, pinalawig ng LTO



PINALAWIG ng Land Transportation Office o LTO ang validity ng mga student-driver's permit, driver's license at conductor's license hanggang Disyembre 31, 2020.

Ngunit huwag munang mag-saya dahil para lamang ito sa mga age groups na hindi pinahintulutang lumabas noong umiiral ang community quarantine.

Ibig sabihin ang extended validity ng driver's license ay para lamang sa mga nasa edad 17 hanggang 21-anyos at 60 hanggang 65-anyos. Ayon sa memorandum na inilabas ng LTO sa mga regional offices nito, walang penalty na kukulektahin para sa mga permits at licenses na nag-expire simula Abril hanggang Oktubre 2020.


Ads


Ito'y dahil ang nasabing mga age group ay hindi pinahintulutang lumabas sa kani-kanilang mga bahay noong umiiral ang community quarantine dahilan kung bakit hindi rin ma-proseso ng mga ito ang pagpapa-renew ng kanilang mga dokumento.

Ngunit dahil nagpalabas na ng bagong guidelines ang Interagency Task Force (IATF) kung saan pinapayagang lumabas na ang mga taong nasa nabanggit na edad, inaasahan ng LTO na dadami ang kanilang aplikante na magpapa-renew ng kanilang mga permit at lisensiya.


Basahin: DOLE: Walang Exempted sa Pag-bibigay ng 13th Month Pay


Ads

Sponsored Links


Ayon kay LTO Chief Edgar Galvante, na extended din hanggang sa Disyembre 31 ang registration ng mga sasakyang nagtatapos sa 9 at 0.

"Dati di nakakalabas younger than 19. Kung sila ay qualified mag-apply ng lisensya, they will be entertained," ang naging pahayag ni Galvante.

Pinasiguro din nito na magiging prioridad nila sa proseso ang mga Senior Citizens.



©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: