DAHIL sa krisis dulot ng coronavirus disease o Covid-19 pandemic, maraming bayarin ang hindi nabayaran o naantalang bayaran lalo na kung kasama ang trabaho o negosyo mo sa lubos na naapektuhan ng pandemya.
Dito dito minabuti ng Social Security System o SSS na palawigin ang deadline ng pagbabayad sa mga overdue contributions.
Sa inilabas na Circular Number 2020-006-d na inilabas ng SSS, maaring bayaran ng mga employers at self-employed ang mga hindi nabayarang kontribusyon mula Pebrero hanggang Oktubre 2020 ng hanggang Nobyembre 30, 2020.
At dahil Bonifacio Day o holiday ang Nobyembre 30, tatanggapin ng SSS ang mga remittances hanggang sa susunod na working day o Disyembre 1.
Ads
Sinabi ni SSS President and CEO Aurora Ignacio, ang extension ay upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga miyembro at employers na mabayaran ang kanilang kontribusyon na epekto ng mga restrictions dahil sa banta ng COVID-19.
Maari ring bayaran ng mga self employed, voluntary at non-working spouse ang kanilang contrbutions sa Disyembre 1 ang mga hindi nabayarang kontribusyon mula Enero hanggang Setyembre 2020.
“Apart from over-the-counter payment facilities, our bank partners and we have online platforms where employers and members can make their SSS payments in the convenience and safety of their homes or offices,” pahayag ni Ignacio.
Ads
Sponsored Links
Maaari anyang gamitin ang online at mobile payment facilities bukod sa over-the-counter transactions sa pamamagitan ng SSS branches at kanilang bank at non-bank partners.
Dagdag pa ng SSS na walang penalties na ipapataw sa mga kontribusyon na nabayaran
Ang pagbabayad sa kontribusyon para sa nasabing mga buwan ay hindi na papatawan ng multa kung mababayaran sa loob ng deadline.
Alamin: SSS Pensioner Kaba? Alamin Ang Ilang Pagbabago sa Pagtanggap ng Pension Mo Simula Ngayong Oktubre
©2020 THOUGHTSKOTO
1 comment:
Good day,need p po b ng PRN??..salamat
Post a Comment