ISA ang 13th month pay sa inaasahan ng maraming mga trabahanteng Pinoy pag-dating ng Disyembre. Malaking tulong ito bilang pang-regalo, panghanda sa Pasko at Bagong Taon, pambayad ng utang habang ang iba naman ay inilalaan ito sa savings.
Ngunit dahil sa coronavirus disease o Covid-19, may mga empleyadong posibleng hindi makakatanggap ng 13th month pay ngayong Disyembre.
Ito'y matapos kinumperma ng Department of Labor and Employment (DOLE) na pinag-aaralan nila kung anong mga kompanya ang maaring i-exempt sa pagbabayad ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado.
Ads
“Sa batas, may exemption of payment pagka ‘yong business establishment is characterized as distressed kaya we have to come up with an advisory to determine what is the meaning of a distressed company or distressed business establishment. Para ma-exempt sila from the payment,” ang naging pahayag ni DOLE Secretary Silvestre Bello III.
“Pero sabi ko nga instead of going through that, why don’t we consult both labor and management, pag-usapan na lang nila na medyo mahirap ngayon ang panahon, ‘di kami kumikita baka naman pwedeng i-defer. To me that might be the more acceptable formula to address the issue,” dagdag pa ng opisyal.
Para magawa ito, nilinaw ng ni Bello na kailangang magpalabas ng advisory ang DOLE ukol sa mga kompanyang mako-konsiderang "distressed".
Ads
Sponsored Links
Ngunit ayon kay Bello, na "more acceptable" ang pagpapaliban sa pagbibigay ng 13th month pay. Posibleng mas papaboran umano ng mga negosyante ang pagpapaliban sa pagbabayad ng 13th month pay sa mga susunod na buwan.
Sa ngayon, pag-aaralan umano nila ang posibilidad na i-exempt ang mga micro, small and medium enterprises o MSMEs sa pagbibigay ng nasabing benipisyo. Samantala, required naman ang mga kompanyang may capitalization na P1 million pataas sa na magbigay ng 13th month pay.
“Pakiusapan natin ‘yong mga businessmen na one-time lang naman ito. Kung kaya ninyo ibigay, ibigay. Kung hindi, baka pwede I-postpone,” dagdag na pahayag ni Bello.
Ang 13th Month Pay ay mandatory benefit na ipinagkakaloob sa mga empleyado ayon sa Presidential Decree No. 851 na nag-uutos sa mga employers na magbigay ng 13th month sa lahat ng rank and file employees nito.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment