Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Monday, July 27, 2009

Madame President, Did You Read the PEBA 2009 Entries?

"In private high schools, we finance half of the students.

We have provided college and post-graduate education for over 600,000 scholars.

One of them, Mylene Amerol-Macumbal, finished Accounting at MSU-IIT, then she went to law school, and placed second in the

last bar exams, the first Muslim woman bar topnotcher. Congratulations!"


Okay, that's my school, MSU-IIT or Mindanao State University-Iligan Institute of Technology, its a 60% Christian and 40% Muslim university, but one of the best school in the country. I am proud that's where I graduated. I was one among those scholars to pay P10 per semester so long that I maintained my GPA of not more than 2.0.


But let us examine some of your praises and reports about OFW's and the rest of the Filipino's abroad.



"Sa hirap at ginhawa, pinapatatag ang ating bansa ng ating Overseas Filipinos.

Iyong padala nilang $16 billion noong isang taon ay record. Itong taon, mas
mataas pa.


I know that this is not a sacrifice joyfully borne. This is work where it can be
found — in faraway places, among strangers with different cultures. It is
lonely work, it is hard work. "


(posible po bang nabasa niyo o ng speech writer niyo some of the stories ng mga PEBA Nominees?)


Kaya nagsisikap tayong lumikha dito sa atin ng mga trabahong maganda ang
sahod, so that overseas work will just be a career choice, not the only option
for a hard-working Filipino.


(Yan po ang conclusion ng entry ng isang nominee from Qatar)


Meanwhile, we should make their sacrifices worthwhile. Dapat gumawa tayo
ng mas epektibong proteksyon at pagpapalawak ng halaga ng kanilang
pinagsikapang sweldo. That means stronger consumer protection for OFWs
investing in property and products back home.


Para sa kanila, pinapakilos natin ang Investors Protection Task Force.

Hindi ako nag-aatubiling bisitahin ang ating taong bayan at kanilang mga
host sa buong mundo – mula Hapon hanggang Brazil, mula Europa at Middle
East hanggang sa American Midwest, nakikinig sa kanilang mga problema at
pangangailangan, inaalam kung paano sila matulungan ng ating pamahalaan
– by working out better policies on migrant labor, or by saving lives and
restoring liberty.


Pagpunta ko sa Saudi, pinatawad ni Haring Abdullah ang pitong daang OFW
na nasa preso. Pinuno nila ang isang buong eroplano at umuwi kasama ko.


(There are still very many, Madam, di lang po sa kulungan. Some are suffering from injustices, some are confined in houses of hardhearted employers.)


Mula sa ating State Visit sa Espanya, it has become our biggest European
donor. At si Haring Juan Carlos ay nakikipag-usap sa ibang mga bansa para sa ating mga namomroblemang OFW. Ganoon di si Sheikh Khalifa, ang Prime Minister ng Bahrain. Pagpunta ko sa Kuwait, Emir Al-Sabah commuted death sentences.


We thank all our leaders, all world leaders who shown compassion
with our workers.


Our vigorous international engagement has helped bring in foreign investment. Net foreign direct investments multiplied 15 times during our administration.

Kasama ng ating mga Together with our OFWs, they more than doubled our foreign exchange reserves. Pinalakas ang ating piso at naiwasan ang lubhang pagtaas ng presyo. They upgraded our credit because while the reserves of our peers have shrunk this past year, ours reserves grew by $3 billion.

(I have one thing to confess. I voted for you the last election, and even asked the rest of my siblings to do the same. Since then, we are honestly disappointed. But we believe in being submissive to the rule of the land, and to those in authority, so I am still hoping you planted something good so my kid will see something good as well.

I am honestly hoping and praying that the one who will seat Malacanang after you is a good Filipino LEADER, if there is still one, out there.)

complete text here

©2009 THOUGHTSKOTO

Saturday, July 25, 2009

PURE BREED KIDS FOR ADOPTION (haha)

Ito ang advertisement, patawarin nawa ang kaluluwa nila, anong mga lahi to?


From: giegomaf@yahoo.com
Date: Monday, July 20, 2009
Category: Vehicles (kita mo kung saan nakapost? Sa vehicles section!)
Region: Dammam (dammam)
Dammam, Vehicles, male and female kids ready to go for adoptionDammam, Vehicles, male and female kids ready to go for adoption
Description: hello to any parent seeking to adopt a kid or kids i have these male and female kids
who are ready to go out for adopting to any loving and caring home who will spoil
them with love and care they are 5 months old i will be waiting to read from you asap

- Mr. Giego Maf

So dali dali akong tinawagan ni Mrs. Thoughtskoto, at binigay sakin ang link. Hala ka, oo nga, for adoption!
Parang si San-guko pa ng Dragon Ball Z yung boy,spiky ang hair.
Akala ni Mrs. Thoughtskoto, namatay ang parents, awang-awa at nag-aalala itong mabait ko na lovefate. Sabi ko, siya, email mo na kung anong
lahi nung mga bata, at paano ba ang processing ng adoption,
baka kung kanino pa mapunta yan, kawawa naman. Ito ang email ng wife ko.

Hi,

I saw your ad regarding the 5 months old children for adoption.

I want to know why they are being put for adoption? And what's their nationality?

We are a Filipino family living in Khobar, I have a 15 months old daughter too.

I'm a wife who stays at home and we're interested for adopting the kids.

They will be taken care of, and we hope to bring them up as our own child.

Our little girl is also very friendly and very affectionate to other children,

she will be happy to have these kids as her siblings.

hope to hear from you soon.

- Mrs. Thoughtskoto

Hala ka ulit, parang totoo nga, nagreply eh, pero nung mabasa ko ang email reply,

I chatted Mrs. Thoughtskoto na basahin niya ang email at

sumakit ang ulo at tiyan ko. Haha.

Ito ang reply ni Mr. Giego Maf

Hello,

Thank you for your interest in our kids.

We are delighted to confirm to you that we still have the kids

that we are carefully

looking for a loving home for any of them.

they are 5months old, of pure breed, of same color ,

with full bloodiness,

good temperament and personality.

We have noticed that some people excitingly adopt children

but cannot care for them.

As such we are reluctant to exchanging our kids for money

but will prefer to offer them for free (pamimigay daw?) into any loving home

who will accept the following conditions.

If you will accept after getting the child to permit us visit the them from

time to time while with you just to ensure and

see that you are spoiling them rotten with love.

(ano daw? ay oo nga naman, pag spoil na ang food, di ba rotten na yun?

ay ano ba?)

Secondly if you are far from us, then you must agree with us to send

her pictures/videos regularly as the kids grow up in your home, as well

as related information on Tina and Dan's well being and development.

If you accept these conditions with your hand on your heart,

then you are free to contact us again to let us know where precisely you

are located so that we can arrange for you to have these little angels.

i was wondering can you confirm to me the following?

(teka binasa ba nito ang email ni Mrs. Thoughtskoto)

How soon do you intend taking these my little angles?

What kind of accommodation can you provide for the kids?

are you familiar with children

Where are you located?

are you married ?

Do you have a phone number where i can reach you?

What is your home address?

Have you ever been convicted?

Have you attempted adopting children before?

Were you successful?

Are you going to use her fro breeding or some kind of games?

(anong akala nito sa mga anak niya, manok? palahian of pure breed

at pansabong? haha)

all these questions am asking because i will like to know

what you are up to and to know if at all you really need this kids.

I just hope i have found the right family for my little angels.

I will have to take recent shots of her and send them to you later

Best regards

Immanuel and Jessica

Anong advise ang maibibigay niyo sa amin?

We believe this is spam or modus operandi,

and kung ano man ang tunay na hangarin nila,

sorry na lang pero lumuluha na kami ni

Mrs. Thoughtskoto sa katatawa.

©2009 THOUGHTSKOTO

Tie a Yellow Ribbon for Cory Aquino



Barrio Siete started tying a yellow ribbon around the blogosphere in support for Cory and prayers for her recovery.

Cory Aquino Praying.

Courtesy of J. Galvez from Flickr.com



I was 10 years old when the EDSA revolution happened. I have come to know the woman that gives inspiration to Ninoy and inspired millions of Filipino's as well, and continue to be a beckon of light, strength, social justice, honesty, faith and motherhood.

Whatever our political persuassions are, wherever we are, we cannot deny the fact that

Cory Aquino

a plain housewife of a martyred hero hastily sent to the presidency by people thirsting for democracy - she learned so much then, but there is one thing that I have admired of her all throughout the years...

her

humility.

Please pray for her. Or tie a yellow ribbon in your blog too.
Whatever God's purpose for her, she will be remembered as an icon of the 1986 People Power, an icon of democracy.

©2009 THOUGHTSKOTO

Wednesday, July 22, 2009

Kakaibang Henerasyon ng mga Pinoy


Galing ito sa post ni Jee ng Wits Expression. Nabasa ko na ang Philstar at Inquirer post kahapon, pero di ko binasa ang mga comments duon. Nung mabasa ko ang news, I chatted kaagad si Rio, isang PEBA nominee na nakabase ngayon sa Kandahar, Afghanistan. Ang helicopter na lulan ng mga OFW ay papuntang Kandahar ayon sa kanya, at maraming nakakita na pagtake-off nito ay sumabog sa himpapawid, at di rin daw aabutin ng RPG. Mukhang aksidente talaga ang nangyari. At dati niya ng mga kasamahan at kakilala ang mga OFW na ito. Sabi niya, 16 ang Pinoy na nandun, 10 ang confirm na namatay, 3 ang nasa Ospital ng NATO Emergency Hospital, so may nawawalang tatlo pa. Ang pamilya Thoughtskoto, and miyembro ng PEBA at mga bumubuo ng KABLOGS ay lubos na nakikiramay sa mga pamilyang nawalan ng sandigan sa buhay. Naiisip ko ang mga naulilang bata, mga nanay at asawa na biglang nawalan ng pag-asa, at ikinabubuhay. Nakakalungkot. Nakakapanlumo. Nakakapanghinagpis.


Nakakatakot ang mga komento ng ibang mga Pinoy lalo na sa Philstar. Pagkatapos ng Tsokolate na issue, may mga Filipino pa rin na mukhang galit, or inggit sa mga OFW, or irresponsable lang talagang magbigay ng pahayag. Hindi ko na pahahabain pa. Nanawagan ako sa mga Pinoy na nasa Pilipinas na medyo makitid ang pang-unawa at pagkakaintindi sa buhay ng mga Pinoy sa abroad. Kaunting respeto lang po, lalo na sa mga pamilya ng mga namatay na OFW's. Hindi mga ganung komento ang kailangan nila.

Anong komento?



"Why should we consider these pinoys heroes? They didn't die for their country. They died because they want to feed their families...dahil responsibility at obligation nila iyan.

Why should we lower our flags for the deaths of these pinoys? NO Sir!...They're not supposed to be there in the first place. They opted to work there dahil malaki ang suweldo para may ipangtustos sila sa mga luho ng pamilya nila (cellphones, loads, lcd tvs, psp's, at kung anu-ano pa).

Don't blame the government at huwag ding sabihin na walang trabaho sa Pilipinas kaya naruruoon sila sa Afghanistan...maraming trabaho sa Pinas...gusto lang nila ng MALAKING SUWELDO.

Ngayon...kung sundalo ka at namatay ka pakikipaglaban dahil sa bayan mo...YES...I WILL SALUTE YOU!....but, kung namatay ka lang dahil gusto mong laging bago ang cellphone ng mga anak mo...hayaan ko na lang ang pamilya mo ang magdalamhati para sa iyo! "

Nakakalungkot ang mga ganitong komento. Marami na sila, dumadami pa sila, kakaibang henerasyon ng Pilipino. Marahil hindi na nila natutunan o naabutan sa school ang GMRC, or dahil bumababa na ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas, bumababa na rin ang values ng mga kabataan. Kaya ang PEBA ay determinadong gawing ebook at publish book ang mga entry ng mga nominees pati na ang mga contribution ng 2008 winners. Kung maraming sponsors at pera, ipamimigay namin sa mga library ng schools sa buong bansa ang mga kopya nito para mabasa ng mga batang Pinoy at maunawaan ang klase ng pamumuhay sa abroad. Gagawin naming ebook at ipapamimigay sa lahat ng gustong humingi ng kopya. Hindi lahat nakakabasa ng blog or internet, may mga maling kaalaman na kelangan i-correct. Kung kelangan ibenta kahit P10 kada libro sa National Bookstore at Powerbooks para maafford ng masa, okay ito. Nebz, sana nga makapulot ako ng 100 milyon na numerong panalo sa lotto at itatayo ko ng radio station at tv station dedicated para sa OFW. Kasya kaya? hehe. Ever, sana nga maToinks din itong si Bryle. At Azel, kamag-anak toh ng natalo sa Blog-tasan mo.

Merong gap na namumuo, at kelangan maintindihan ng sumisibol na henerasyon ang hirap at tunay na dahilan ng pangingibang-bayan kapalit ng maayos at maginhawang pamumuhay ng mga mahal sa buhay. Ito ang buhay Pinoy, and tanggap yan ng may 13 milyong Pinoy, kabilang na ang pamilyang ito.

If you want to be added sa Book na ipupublish ng PEBA, join us now. Kung previous winner ka or hindi ka kasali, post your entry, and we will try to add them sa compilation for editing and publishing.

©2009 THOUGHTSKOTO

Saturday, July 18, 2009

The Terrible Price of Gossip

Our greatest enemy, sometimes, is ourselves. We love ourselves, we are proud of who we are and what we have accomplish, but we are beset sometimes of the failings and mistakes that drags us down, that if left uncheck will lead to sometimes, broken hearts, broken dreams, broken lives.

Mediocrity.

I might be using strong words today, please forgive me. I would like to unleash something that we been carrying and is too heavy for me and my little family.

Today I declare, unequivocally, and without terms and condition to surrender against one very familiar enemy. One that destroyed many OFW's work, destroyed cherished and long friendships and worst, even destroyed lives. One that becomes a Filipino habit or mentality, at home or abroad, and I believe one of the reason why we are still down there, while other's are already up there.

Today I declare war against GOSSIP!

Nung kararating lang ni Mrs. Thoughtskoto dito sa Saudi, she was 22 that time. A young wife, and without much knowledge about the culture, both Saudi and the OFW's, care free lang kaming nagwawalk along the kanto, or sa mall.

Nakikita ko sa mga mata ng ilang kababayan natin ang tingin na may mga namumuong tanong.

"Legal kaya itong mag-asawa."

"San kaya sila nakabili ng papel para nagsasabing mag-asawa sila?"

"Maganda ang babae, san kayang ospital nagtratrabaho ito?"

"Ano kayang pinakain ng lalaki kay babae at nagkagusto ito sa kanya?"(lols!)

Minsan may hindi nakatiis.

"Ah kuya, saan nagtratrabaho ang misis mo?" "Saan kayo nagpakasal ng misis mo?" "Pare, san ka nakakuha ng papel?" (meaning fake documents of marriage)

Malugod ko namang sinasagot at may mapagkumbabang boses.

"Ah, hindi po siya pumapasok, nasa bahay lang po siya."

"Ay, pagkatapos ng kasal namin sa Pilipinas, kinuha ko na po siya dito."

"Hehe, kuya, ano pong papel?"

One time nasa mall kami, nakakatawa ang sitwasyon dun kasi ang mga tao, kapag sa kabilang side nagchecheck ang mutawa (Religious Police), ang mga tao ay andun naman sa kabilang dulo. Wala pa kaming kaalam-alam ni Mrs. Thoughtskoto na may mutawa pala, wala pa kaming baby nun at paholding-holding hands pa kaming tumitingin sa isang store ng mga watches.

Nabigla ako ng biglang nag-alpasan palayo samin ang mga tao. Nabigla na lang ako may tumabi na dalawang police, pinagitnaan kami ni Mrs. Thoughtskoto. Tapos may isang malaking Arabo, at mahabang bigote ang lumapit at tinapik ako sa balikat asking for my Iqama and papers. Kinabahan ako nun, kasi sa gitna ng mall, daan ang nakatingin sa amin sa malayuan, samantalang si Mrs. Thoughtskoto ay parang Miss Universe na nagwawave ng kanyang mga kamay, sabay lingon dito at duon para sa kanyang mga 'fans'. Hehe, joke lang.

Binigay ko ang aking Iqama or National ID, pati ang Nat'l ID ni Mrs. Thoughtskoto, at papers namin sa Marriage. Sinipat ng mutawa, nagthank you and nagsorry saying that they'll have to do this just for checking. I said, "No Problem at all. Thank you too!"

Umalis na sila habang sinusuyod ang mall, at ang mga tao ay umiiwas naman ng palayo sa kanila, habang dumami naman ang mga tao at fans ni Mrs. Thoughtskoto na nagsilapitan sa amin.

"Napahiya sila, kabayan." Sambit ng isang Pinoy. "Akala nila makakahuli na sila." Sagot naman ng isa. "Saan kayo sa atin?" Tanong pa ng isa. For a newly married couple, she's early 20's and I am late on my 20's kinda unsual here. Kaya kami cheneck kasi bibihira ang magkaroon ng family status na bata pa. To which I am humbly grateful.

We have been a victim of gossip, I have blog about that before. In fact, we asked one of our room occupants to leave our flat because of the issue of gossip. I have heard that the recent tragedy in Khobar where a Filipino murdered a fellow Pinay is because of gossip. Terrible must be that gossip that leads people to take lives.

I have heard countless of stories about gossips and its terrible price. It is okay to pass on information or to speak about someone if he/she is not around as long as it is uplifting and positive.

There are many brothers and sisters to GOSSIP.

FAULTFINDING

BACKBITING

MURMURING

ENVYING

COVETING

JEALOUSY

Pride is the mother of them all. I'll call them all the "Secret Combinations" of our time.


Recently, I received a call from a mother working in a hospital na kakilala namin.

Tsiswhiz: "Ken, may asawa ba si Hanah?"

Ken: "Ha, opo meron po nasa Iloilo."

TsisWhiz: "Kasi nakita ko siya kanina may kasamang lalaki dito sa mall.

Ken: "Ah, baka po brother niya o kasamahan sa simbahan. Kelan po ninyo nakita? Siya po ba talaga ang nakita niyo?"

TsisWhiz: Mga 7:00PM kanina. Oo siya talaga yun. Bakit siya nagdadate eh may asawa pala siya."

Ken: "Ate, kasama po namin si Hanah mga 6-7pm, nandito po siya sa bahay kanina pa.

TsisWhiz: tot...tot...tot... (cellphone off)

I encourage all, na if wala na po tayong masasabing mabuti or ikakabuti, maliban kung constructive criticism or positive commendation, wag na po tayong magsalita. There are things better left unspoken, and we have far more weakness and failings to attend to, including the Thoughtskoto's, than to mind the lives of others who might be far better than we are. Only God knows the intents and desires of our hearts. Only Him, and Him alone can tell who and what you or me really are.

Pagbabago, begins within us.

©2009 THOUGHTSKOTO

Wednesday, July 08, 2009

Anchovy Salad at Chicken-Manok


Tinanong ko si Mrs. Thoughtskoto one day habang pauwi ako galing ng work kung anong prepare niya na ulam, Anchovy Salad daw. Ang sarap di ba kasi sabi ko, wow, salad!


Pagdating ko ng bahay, ito ang salad na gawa niya.
Isang malutong na Tomato na hiniwa-hiwa, mga leaves ng Coriander, at crispy fried anchovies.
Sa simpleng salita,
KAMATIS at PRITONG DILIS!

Sa Pilipinas, ang dilis ulam ng mga mahihirap.

Sa abroad, ang dilis paboritong ulam ng mga may perang OFW.

(wala kaming pera, pinasalubong lang samin yan)


Bakit nga ba sa abroad pag dilis ang ulam mo, may pera ka?

6 Riyals ang halaga niyang nakahain na yan kung bibilhin mo dito.

Sa Pilipinas, sampung piso lang yan eh.

Ito naman ang paborito kong Chicken-Manok. Ang loob niyan may laman na lemon at mga garlic, tapos isasalang niya na sa oven ng isa't kalahating oras. Paglabas, tsaran-tanan-tanan!

Sarap niyan, lutong na lutong ang balat, kaya simot to the bones.

©2009 THOUGHTSKOTO

Tuesday, July 07, 2009

Live Internet Streaming of Michael Jackson Memorial Concert at Staples Center




CNN and FACEBOOK

REPLAY STREAM HERE

As it continue to unfold, the

CNN COVERAGE HERE.

The Thoughtskoto family watched the two hours memorial concert via CNN International where Usher, Mariah Carey, Jennifer Hudson and Lionel Richie as well as Stevie B. performs, and many others who spoke like Brooke Shields.

Two of the moving moments there for us is when Usher sang near the coffin and MJ's daughter, Paris spoke in the end.

Streaming Video by Ustream.TV


©2009 THOUGHTSKOTO

Monday, July 06, 2009

Walang Katapusang Pag-aaral

Natapos din, after so many months. Isa daw ako sa halos 4,000 na scientist, non-scientist, engineers, technicians, professionals at field workers sa halos 50 states at 40 countries sa buong mundo na graduate na sa course na yan, na may relation sa profession at line of career ko ngayon, inooffer ng US Environmental Protection Agency. Napakalaking bagay para sa akin na pinagtuunan ko ng pansin for the past 6 months para magkaroon ng time makapag-aral online sa Watershed Management Certificate, a program under EPA's OFFICE of WATER.

"People from throughout the US and several foreign countries have completed the certificate program. They include scientists and non-scientists, local, state and federal agency staff, community leaders, consultants, college students and teachers, active citizens, and others."

Ano nga ba ang EPA?

"EPA leads the UNITED STATES of AMERICA's environmental science, research, education and assessment efforts. The mission of the Environmental Protection Agency is to protect human health and the environment. Since 1970, EPA has been working for a cleaner, healthier environment for the American people."

Bakit ko ginagawa ito?

Gusto kong matuto, at maayos ang sistema ng plantang hinahawakan ko ang departamento ng Quality Assurance. Gusto ko ring maipagmalaki sa boss ko na hindi ordinaryong chemist at napupulot sa mga gilid-gilid ng kanto ang nagmamake sure ng quality ng water na benebenta niya. At higit sa lahat, gusto kong ipakita sa kanya na mukhang hindi worth ang effort na ginagawa ko sa compensation at benefits na binibigay niya. (syempre, bluff lang yan, ang totoo nun, gusto ko lang maincreasan, wahaha, sino bang ayaw)

I am still hoping one day, makapag-aral ako ng MBA, or masteral or maybe kahit another degree sa Oil and Refinery? Hmmmn...isip-isip.

I am an ardent supporter of education. I want to encourage all to get the best education you can, and make sure you are doing your best to learn a new skill, a new thing, a new concepts, a new idea. Education is a lifelong process. It doesn't end when we graduate in college. Reading a book, writing a blog, thumbing at the newspapers, or maybe learning how to play guitar...basta anything na natutunan, mas maganda kung documented.

Aral ng aral, walang katapusan. After all, pag nawala na tayo, ang madadala lang naman natin ay yung memory natin at kung anong nasa puso natin. Di ba pag mamatay na sa movie, nagflaflash back yung mga memories, kasi nagrerewind daw yung brain para magnamatay na tayo, we have the memories with us. hehe, Sabi ko lang yan, and hope it make sense.

©2009 THOUGHTSKOTO

Saturday, July 04, 2009

Tinamaan Ako

Bandang 6am pa lang ng umaga nakapila na ako sa International Philippine School of Al Khobar or IPSA para magrenew ng aking passport na mageexpire ngayong September. Limang taon na ako sa Saudi Arabia, ang tagal ng panahon magmula ng dumating ako dito, 28 years old pa lang ako.

Pang 211 ako sa mga nakapila, hindi pa kasali ang mga isang libo mahigit na nakapila sa labas. Sinasabing mga nasa 500,000 na OFW's ang nandito sa Eastern Province, ang oil capital ng Saudi Arabia. Along the pila, iba't-ibang kwento ng buhay ang napag-uusapan habang umuusad pagong pupuntang assessment, payment at encoding.

Ito yung pila para sa payment after maassess na okay na ang mga documents mo.

Meron isang kasabay ko na mali ang picture, hindi blue background, DH siya, at wala ng perang pampapicture ulit. Kinausap ko, at binigyan ng 25SR para pambayad sa kanyang picture sa isang room duon sa IPSA. Buti na lang sahod kahapon, kaya galante ako ngayon, hehehe.

Meron isang katabi ko sa upuan, 24 years old pa lang na babae, DH din siya, galing Basilan at ang sahod niya at 700SR or P8,400 pesos. Nalungkot ako sa sahod niya, masyadong mababa para mawalay sa pamilya pero kailangan niyang mapag-aral ang mga kapatid niya, at masaya naman daw siya sa amo niya, isang mutawa at mababait naman daw ang mga anak.

Ito naman ang mahabang pilahan sa loob ng IPSA Gym.

Ang isa ko pang katabi ay 26 years old na binatang lalaki, tig welder daw siya, nagweweld ng mga stainless sa isang malayong bayan dito sa Eastern Province. Dumating siya dito sa pilahan mga alas 2:00 ng madaling araw, mahaba na daw ang pila. Kung bakit nagkasabay kami sa pilahan kahit alas 6:00 na ako dumating gawa ng kasama ko sila Mrs. Thoughtskoto at Babytots kasi magpaparehistro kami sa Comelec para sa OFW voting at dahil may baby kami, pinapasok kami agad. (wais, hehe)

Natapos ako ng pagpaparenew ng passport at pagpaparehistro sa Comelec eksaktong alas 3:00 ng hapon. Sinundo ko sila Mrs. Thoughtskoto at Babytots sa katapat na bahay sa IPSA dahil may kaibigan kami dun at dun ko muna sila pinatambay.

Ito ang voter's registration Booth, kukuhanan ka ng litrato, kukunin ang left and right thumbmark, and digital signature.

Pero napagod ako, at nastress, kaya heto, sakit sa ulo, sipon, lagnat at ubo ang inabot ko. Tinamaan ako ng sakit. Hindi naman H1N1, sakit gawa ng init, alikabok, at pagod. At usual, alaga ako ng mabait kung minamahal kahit hinihila pa ako ng maliit na tsikiting para makipaglaro sa kanyang playhouse.

Ingat po kayo kahit saan man tayo, health is wealth ika nga nila. Nasa bahay lang ako now, kain ng fruits at masasarap na bake at cooking ni Lovefate ko.

Yung mga wala pang entry sa PEBA, sali na po tayo! Kung marami na pong boto ang iba, take note na wala yan sa padamihan ng boto, although merong popular award, 10% lang po iyun sa over-all na criteria. Sali na, habol ka!

©2009 THOUGHTSKOTO

Wednesday, July 01, 2009

A Filipina Murdered In Al Khobar, KSA


LATEST POST IN THE PEBA HOMESITE

AND THEY KEEP COMING...


A Filipina dependent na ang asawa ay nagtratrabaho at connected sa Aramco was stabbed and robbed and found dead last 29 of June, 2009. Leila daw ang pangalan ayun sa email na aking natanggap galing sa kaibigan. Pabakasyon daw ang mag-asawa sa Thursday, 02 July 2009 sa Pilipinas at nagpapalit ang babae ng Saudi Riyal to US Dollars. Natiktikan or natunugan seguro at nasundan, nakaabaya pa daw ang babae ng natagpuan sa kanilang bahay.

My post din si Ilonggo sa Disyerto about this here

Ang mag-asawa ay may dalawang anak na nadito din sa Saudi.

Tinawagan ko kaagad si Mrs. Thoughtskoto at pinadouble lock ang pintuan ng bahay namin. Although ang advantage lang namin, we live at the heart of Khobar, in a busy street on top of a big store and in between two big hospitals and a mall. Pero mas mabuti na yung safe kaysa magsorry tayo.

Life is really hard now a days, although hindi ko pa maconfirm kung sino or anong lahi ang salarin, but most probably mga katutubo lang naman ang may lakas ng loob, walang pinag-aralan at maitim na budhi ang may kakayahang gumawa ng mga ganito.

Extra ingat mga kababayan, saan mang sulok ng mundo. Kahit nga sa Pilipinas, ang tao pumapatay sa cellphone lang, how much more kung libo-libong pera lalo na oras ng padala or magpapadala.

Sana di tayo lagi pababayaan ni God, na sa lahat ng oras, lalo pa sa oras ng kagipitan, andiyan SIYA for us, to keep us safe, to protect us from any harm and danger, and keep us strong and healthy and inspired. This is the Thoughtskoto's prayers for all of us.

We extend our heartfelt prayer and sympathy to an OFW family out there.


LATEST POST IN THE PEBA HOMESITE

AND THEY KEEP COMING...


©2009 THOUGHTSKOTO