Carousel

Sponsored Links

Looking for House and Lot Within Tagaytay Area? CONTACT US!

Name

Email *

Message *

Showing posts with label ebook. Show all posts
Showing posts with label ebook. Show all posts

Wednesday, July 22, 2009

Kakaibang Henerasyon ng mga Pinoy


Galing ito sa post ni Jee ng Wits Expression. Nabasa ko na ang Philstar at Inquirer post kahapon, pero di ko binasa ang mga comments duon. Nung mabasa ko ang news, I chatted kaagad si Rio, isang PEBA nominee na nakabase ngayon sa Kandahar, Afghanistan. Ang helicopter na lulan ng mga OFW ay papuntang Kandahar ayon sa kanya, at maraming nakakita na pagtake-off nito ay sumabog sa himpapawid, at di rin daw aabutin ng RPG. Mukhang aksidente talaga ang nangyari. At dati niya ng mga kasamahan at kakilala ang mga OFW na ito. Sabi niya, 16 ang Pinoy na nandun, 10 ang confirm na namatay, 3 ang nasa Ospital ng NATO Emergency Hospital, so may nawawalang tatlo pa. Ang pamilya Thoughtskoto, and miyembro ng PEBA at mga bumubuo ng KABLOGS ay lubos na nakikiramay sa mga pamilyang nawalan ng sandigan sa buhay. Naiisip ko ang mga naulilang bata, mga nanay at asawa na biglang nawalan ng pag-asa, at ikinabubuhay. Nakakalungkot. Nakakapanlumo. Nakakapanghinagpis.


Nakakatakot ang mga komento ng ibang mga Pinoy lalo na sa Philstar. Pagkatapos ng Tsokolate na issue, may mga Filipino pa rin na mukhang galit, or inggit sa mga OFW, or irresponsable lang talagang magbigay ng pahayag. Hindi ko na pahahabain pa. Nanawagan ako sa mga Pinoy na nasa Pilipinas na medyo makitid ang pang-unawa at pagkakaintindi sa buhay ng mga Pinoy sa abroad. Kaunting respeto lang po, lalo na sa mga pamilya ng mga namatay na OFW's. Hindi mga ganung komento ang kailangan nila.

Anong komento?



"Why should we consider these pinoys heroes? They didn't die for their country. They died because they want to feed their families...dahil responsibility at obligation nila iyan.

Why should we lower our flags for the deaths of these pinoys? NO Sir!...They're not supposed to be there in the first place. They opted to work there dahil malaki ang suweldo para may ipangtustos sila sa mga luho ng pamilya nila (cellphones, loads, lcd tvs, psp's, at kung anu-ano pa).

Don't blame the government at huwag ding sabihin na walang trabaho sa Pilipinas kaya naruruoon sila sa Afghanistan...maraming trabaho sa Pinas...gusto lang nila ng MALAKING SUWELDO.

Ngayon...kung sundalo ka at namatay ka pakikipaglaban dahil sa bayan mo...YES...I WILL SALUTE YOU!....but, kung namatay ka lang dahil gusto mong laging bago ang cellphone ng mga anak mo...hayaan ko na lang ang pamilya mo ang magdalamhati para sa iyo! "

Nakakalungkot ang mga ganitong komento. Marami na sila, dumadami pa sila, kakaibang henerasyon ng Pilipino. Marahil hindi na nila natutunan o naabutan sa school ang GMRC, or dahil bumababa na ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas, bumababa na rin ang values ng mga kabataan. Kaya ang PEBA ay determinadong gawing ebook at publish book ang mga entry ng mga nominees pati na ang mga contribution ng 2008 winners. Kung maraming sponsors at pera, ipamimigay namin sa mga library ng schools sa buong bansa ang mga kopya nito para mabasa ng mga batang Pinoy at maunawaan ang klase ng pamumuhay sa abroad. Gagawin naming ebook at ipapamimigay sa lahat ng gustong humingi ng kopya. Hindi lahat nakakabasa ng blog or internet, may mga maling kaalaman na kelangan i-correct. Kung kelangan ibenta kahit P10 kada libro sa National Bookstore at Powerbooks para maafford ng masa, okay ito. Nebz, sana nga makapulot ako ng 100 milyon na numerong panalo sa lotto at itatayo ko ng radio station at tv station dedicated para sa OFW. Kasya kaya? hehe. Ever, sana nga maToinks din itong si Bryle. At Azel, kamag-anak toh ng natalo sa Blog-tasan mo.

Merong gap na namumuo, at kelangan maintindihan ng sumisibol na henerasyon ang hirap at tunay na dahilan ng pangingibang-bayan kapalit ng maayos at maginhawang pamumuhay ng mga mahal sa buhay. Ito ang buhay Pinoy, and tanggap yan ng may 13 milyong Pinoy, kabilang na ang pamilyang ito.

If you want to be added sa Book na ipupublish ng PEBA, join us now. Kung previous winner ka or hindi ka kasali, post your entry, and we will try to add them sa compilation for editing and publishing.

©2009 THOUGHTSKOTO

Monday, June 08, 2009

The Price of Leadership

The past few days, I was reading an Ebook sent to me by a friend. An American friend gave me, 9 years ago this book entitled STANDING FOR SOMETHING by Gordon B. Hinckley. I've read it several times, pang 5th times na itong Ebook ngayon kasi naiwan sa kapatid ko sa Pilipinas ang hard-bound book. Nagsilbing inspirasyon ko ito sa buhay, maliban sa 7 Habits of Highly Effective People at mga Books ni Og Mandino, isa ito sa mga inspirational book na gustong gusto ko.

Applicable ito sa atin lalo na yung mga nakipaglaban sa EDSA(pangilang EDSA na ba ito, lols) at yung mga nakikipaglaban sa Constitutional Assembly now. Applicable din ito sa mga kingkongresman na pumirma at nagrailroad ng petition sa Kamara.

Promise maganda ito, kung dudugo man ang ilong niyo dahil English ito, please paduguin niyo na lang muna o pahiran ng tissue. hehe

Ito yung mga Excerpts...

"What we desperately need today on all fronts - in our homes and communities, in schoolrooms and boardrooms, and certainly throughout society at large - are leaders,men and women who are willing to stand for something. We need people who are honest; who are willing to stand up for decency, truth, integrity, morality, and law and order; who respond to their consciences even when it is unpopular to do so - perhaps especially when it is unpopular to do so."

"The problem with most of us is that we are afraid to stand up for what we believe, to be witnesses for what is true and right. We want to do the right thing, but we are troubled by fears. So we sit back, and the world drifts about us, and society increasingly adopts attitudes and standards of behavior that most of us do not approve of."

"In leadership, in standing for principle, there is loneliness. But men and women of integrity must live with their convictions. Unless they do so, they are miserable - dreadfully miserable."

"Tremendous is our opportunity to reach beyond the hoped-for goal of wealth and worldly success to build and strengthen others, to relieve suffering, to aid in making the world a better place, to be as a light. Tremendous also is our potential for leading out and standing up, in every arena, of our lives, for the virtues that will make our individual lives, our families, and our society strong and vibrant."

"No nation can rise above the strength of its homes or the virtue of its people. The time has come for good people everywhere to demonstrate that they stand for something - something that is virtuous and clean and worthwhile."

In a way, nagpapasalamat ako dun sa mamang yun, kung sino man siya. Dumami ang entry sa PEBA, dumami ang naging magkakilala, dumami ang naging magkaibigan, dumami ang nagkaisip na magsulat ng entry to defend hindi lang ang pagiging O-F-W nila, kundi ang pagiging Filipino.

Gusto mo ang Ebook , dito

©2009 THOUGHTSKOTO