MANILA, Philippines — EPEKTIBO na sa Setyembre 30 ang mobile number portability matapos inilunsad ng mga major telecommunications providers ng bansa ang kanilang joint venture na Telecommunications Connectivity Inc o TCI.
Isa itong paghahanda sa nakatakdang mobile number portable sa iba't-ibang network simula Setyembre 30.
Sa ilalim ng mobile number portability, maaaring lumipat ng service providers ang mga telco subscribers na hindi nagpapalit ng kanilang mobile numbers.
Ito ay ayon sa representante ng tatlong major telco players sa kanilang joint press conference.
Ads
Ang TCI na joint venture ng DITO Telecommunity, Globe Telecom at PLDT Inc's Smart Communication, ang mangangasiwa sa mobile number portability.
"It is a sure win for the Filipino people... sa Mobile Portability Act, may forever," ang naging pahayag ni TCI general manager Melanie Manuel.
Naisakatuparan ang mobile number portability sa pamamagitan ng RA 11202 o An Act Requiring Mobile Service Providers to Provide Nationwide Mobile Number Portability to Subscribers.
Ayon naman kay Mario Tamayo, TCI president at senior vice president ng PLDT at Smart, naghihikayat ito ng kompetisyon sa tatlong telcos.
"We hope to usher in a new era of innovation and competition for the benefit of the Filipino people," ang naging pahayag ni Brian Patrick Lim, miyembro ng TCI management committee, at vice president ng Globe Telecom.
"Essentially, what it does is it encourages competition and it gives consumers the freedom to choose a provider with the best services," ayon naman kay TCI treasurer at chief administrative officer ng DITO Telecommunity na si Adel Tamano.
Nasa 120 million naman ang investment ng tatlong telcos sa TCI.
Ads
Sponsored Links
Ayon sa TCI, narito ang 10 bagay na dapat mong malaman ukol sa mobile portability:
1. Libre sa mga users ang paglilipat ng services providers o porting out and porting in.
2. Aabot lang ng 48-hours ang paglilipat ng telcos na may halos apat na oras na downtime bago maging epektibo.
3. Available ang serbisyong ito sa prepaid at postpaid subscribers sa kondisyon na natapos na ang lock-in period para sa mga postpaid users at na-settle o nabayaran na ang lahat na mga pananagutan.
4. Walang limit ang pag-switch ng network mula sa isa papunta sa isa sa alinmang mga telco providers.
5. Kahit walang limit, kinakailangan namang matapos ng isang subscriber ang 60-day period bago ito muling maka-request ng panibagong transfer.
6. By default, hindi masasabi ng consumers kung anong telco provider ang ginagamit ng kabilang partido.
7. Magsisimula ang switching process sa pamamagitan ng text message bago pa man i-pick-up ang bagong sim card. Ito ay subject pa umano sa improvements.
8. Kinakailangan ng isang user ng active na SIM at ang mag-rerequest ay siyang asignee sa mobile number na ipo-port.
9. Dapat walang court prohibition ang isang subscriber o user.
10. Dapat wala ding transfer of ownership ang isang user.
Inaasahan naman na nasa 1 million subscribers ang maka-a-avail ng nabanggit na serbisyo sa initial phase.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment