HINDI maikakaila na malaki ang gastos kung bibila ka ng lupa sa isang subdivision o bibili ng brand new unit para sa iyong dream home. May mga property investors at home buyers na naghahanap ng property na ma-aacquire mula sa mga foreclosed properties ng bangko o ng mga financial instututions.
Pero ano nga ba ang mga foreclosed properties?
Nangyayari ang foreclosures kung nabigo ang may-ari ng property na bayaran ang loan amortization nito sa lender. Nangyayari din ito kung hindi nakakapagbayad ang borrower ng real property tax na tinatawag naman bilang acquired assets.
Dahil sa mga hindi nabayarang utang, hinahatak ng bangko ang property at ibebenta upang maibsan ang financial loss. Madalas, mga bangko o government institutions ang mga lenders na ito.
Madalas, mura ang mga foreclosed properties kung ihahambing sa average market value. Kung naghahanap ka ng property, narito ang iilan mula sa MetroBank.
Para sa kumpletong detalye ng mga foreclosed properties mula sa MetroBank, maaring tumungo lamang sa link na ito — https://web.metrobank.com.ph/assets_for_sale.asp#
Ads
Ads
Sponsored Links
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment