MANILA, Philippines — KINUMPERMA ngayon ng Philippine Health Insurance Corp. o Philhealth na pinalawak nito ang outpatient dialysis coverage hanggang 144 sessions mula sa kasalukuyang 90 session kada taon.
Sa inilabas na PhilHealth Circular No. 2021-0009, na agad epektibo mula noong inilabas noong Hulyo 2, nilinaw ng ahensiya na para lamang sa outpatient hemodialysis ang dagdag na coverage o mula sa ika-91 hanggang ika-144 na session.
Para maka-avail nito, importanteng rehistrado sa PhilHealth Dialysis Database ang pasyente.
Dahil dito, maaaring maka-avail ang isang pasyente ng total coverage na hanggang P374,400 ngayong taon para sa kanilang pagpapagamot.
Ads
Nilinaw naman ng Philhealth na maaaring mag-file ng refund sa mismong Philhealth office ang mga pasyenteng naka-ubos na ng kanilang 90 session at kasalukuyang nagbabayad ng kanilang pagpapa-dialysis sa ngayon bago pa man ipinatupad ang nabanggit na extension.
Maaari namang i-avail ng lahat na chronic kidney disease Stage 5 patient ang maximum na 144 sessions nito para sa taong 2021 base sa utos ng kanilang mga doktor.
Nilinaw naman ng Philhealth, na ang nasabing extension ay maaari ding mapakinabangan ng mga qualified dependents ng Philhealth.
Maliban sa hemodialysis, nagbibigay din ang Philhealth ng financial support na nagkakahalaga ng P270,000 kada taon sa mga pasyenteng gumagamit ng peritoneal dialysis sa halip na hemodialysis.
Nagbibigay din ang Philhealth ng package na nagkakahalaga ng P600,000 sa mga renal patients na kwalipikado sa Z Benefits para sa Kidney Transplantation.
Ads
Sponsored Links
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment