MANILA, Philippines — APROBADO na ng House of Representative sa final reading ang panukalang batas na magbibigay ng libreng taunang medical check-up sa mga Filipinos.
Sa kanilang session, 245 ang pumabor, walang tumutol at wala ding abstention sa House Bill No. 9072 o “Free Annual Medical Check-up Act.”
Sa ilalim ng panukalang batas, lahat na mga Filipino, ayon sa pagiging miyembro ng mga ito sa Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth bilang mandato ng “Universal Health Caren Law,” ay makakatanggap ng nasabing benipisyo sa ilalim ng Philippine Health Insurance Program.
Ads
Sakaling maging batas, maging karapat-dapat ang mga miyembro sa libreng medical check-up na kinabibilangan ng basic diagnostic at laboratory test kagaya na lamang ng complete blood count, urinalysis, stool analysis, chest x-ray, at complete physical exam.
Ibabase naman sa pondo ng Philhealth ang posibilidad ng pagpapawalak ng iba pang serbisyo sa mga laboratory at diagnostic test.
“To promote health, identity risks and ensure early diagnosis, PhilHealth shall establish a system that allows access to a free annual medical check-up and ensure that Filipinos shall be accorded the quality health services that they deserve,”
Ads
Sponsored Links
Ayon sa primary author ng panukala na si Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor, malaki ang tsansang magkaroon ng heart disease ang mga taong may mataas na blood cholesterol.
Isa umano ang sakit sa puso sa mga nangungunang dahilan ng pagkamatay sa Pilipinas.
Nilalayon din ng panukalang batas na itaguyod ang karapatan sa kalusugan ng bawat mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng librenng taunang medical check-up sa alinmang government hospital at institution.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment