MANILA, Philippines — LUMAGDA na sa isang Memorandum of Agreement o MOA ang Land Transportation Office o LTO at Technical Education and Skills Development Authority o TESDA para sa partnership ng dalawang ahensiya sa pagpapalakas ng kaalaman ng mga drivers sa buong bansa.
Napapaloob sa nabanggit na MOA ang iisang standard sa mga driving schools at hindi magastos na training courses sa mga drivers upang mapataas pa ang kanilang competency sa pagmamaneho.
"We have partnered with TESDA because we want to tap their expertise to ensure the quality of driver’s training being given by driving schools, the LTO and TESDA," ang naging pahayag ni LTO Assistant Secretary Edgar C. Galvante.
Ads
Sinabi pa ng LTO chief na dahil dito, mag-aalok ng TESDA ng mas marami at libreng driving courses sa publiko.
"Sa partnership na ito, mas marami na ang ma-ooffer ng gobyerno na libreng driving courses para sa mga interesadong mag-avail ng driver’s training. Ito po ang sagot ng ating mga pamahalaan sa hiling ng publiko para sa dekalidad at murang training program para sa mga drivers," dagdag pa ni Galvante.
Ayon naman kay TESDA Director General Isidro Lapeña na bibigyan ng kapangyarihan ng nabanggit na MOA ang TESDA at mga training centers nito na mag-alok ng Theoretical Driving Course at Practical Driving Course na kahalintulad ng mga kinukuha sa mga LTO Driver’s Education Centers.
Nilinaw nito na katumbas din ng inaalok na theoretical at practical driving course ng LTO ang TESDA Driving National Certificates courses.
"Sa ating data from PSA, isa sa mga pangangailangan sa labor market ay mga qualified drivers. As we transition to the new normal, kailangan ng mga drivers, ito ang constant na pangangailangan ng mga industries. And, we have regional offices who can reach out to those in need of the training. Libre po ito,' pahayag ni Secretary Lapeña.
Ads
Sponsored Links
Sa pamamagitan umano ng libreng theoretical at practical driving courses na iaalok ng TESDA, magkakaroon ng National Certification o NC ang mga makakatapos sa kursong driving na maaaring i-presenta sa LTO sa pagkuha ng driver's license.
“Sa partnership na ito, mas marami na ang ma-o-offer ng gobyerno na libreng driving courses para sa mga interesadong mag-avail ng driver’s training. Ito po ang sagot ng ating mga pamahalaan sa hiling ng publiko para sa dekalidad at murang training program para sa mga drivers.”
Sa pamamagitan din ng nabanggit na MOA, magkakaroon ng mas maraming option ang publiko sa pag-apply ng drive's license na hindi na magbabayad pa para sa practical at theoretical driving courses sa mga private driving schools o institutions.
Matatandaan na sa ilalim ng Memorandum Circular 2019-2176 na ipinatupad ng LTO, requirement na sa mga kukuha ng drive's license na sumailalim sa 15-hour na theoritical driving course sa ilalim ng certified instructor.
Ang nasabing kurso ay hinati sa tatlo at sakop nito ang lahat, mula sa traffic regulations hanggang sa LTO mandated special laws.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment