Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Monday, June 07, 2021

Paano Maging Voluntary Member at Magkano ang Contribution sa SSS, Pag-IBIG at PhilHealth?





DAHIL sa coronavirus disease o Covid-19, marami ang nawalan ng trabaho at nagkaroon ng iba't-ibang pagkakitaan, may mga naging full-time freelancer, may nag-abroad at nag-trabaho bilang Overseas Filipino Workers o OFW at marami ang nag-simula ng online business na talaga namang kumikita sa panahon ngayon.

Dahil wala ka ng employer, responsibilidad mo na ngayon ang pagbabayad ng iyong Pag-IBIG, PhilHealth at SSS contribution na dati ay ginagawa ng kompanya mo para sa iyo.
Mula sa pagiging employed, voluntary contribution na ang gagawin ng mga taong nahiwalay sa kanilang trabaho.

Laging tandaan na importante pa rin na ipagpatuloy ang pagbabayad sa Pag-IBIG, SSS, at Philhealth bilang volunary member para tuloy-tuloy din ang pag-avail ng mga benepisyo gaya ng personal loan o housing loan, sickness, maternity, retirement benefits at iba pa.

Ads


Narito ang mga bagay na dapat mong gawin kung pinaplano mong ipagpatuloy ang iyong voluntary contribution sa Pag-IBIG, PhilHealth at SSS.

Bago ka magsimulang mag-hulog ng voluntary contribution, kailangan mo munang i-update ang iyong membership sa Pag-IBIG, PhilHealth, at SSS, mula sa employed papuntang self-employed o OFW.

Para magawa ito, kailangan mong pumunta sa mga branches ng nabanggit na mga government agencies at mag-fill up ng form. Kailangan mo ring mag-presenta ng mga supporting documents.

Paano baguhin ang Pag-IBIG Membership Information?
  • Mag-download at mag-fill up ng Pag-IBIG Member’s Data Form (MDF).
  • Sa ilalim ng Under Membership Category, markahan ang angkop na status, OFW o self-employed
  • I-sumite ang natapos ng MFD form kasama ang mga supporting documents sa pinaka-malapit na Pag-IBIG branch
  • Kumuha ng Payment Order Form at magbayad sa Cash Division ng iyong Pag-IBIG contribution

Ano ang mga requirements para baguhin ang Pag-IBIG membership papuntang self-employed:
  • 2 valid IDs
  • Latest income tax return
  • Employee Statement of Accumulated Value
  • Business Permit or Mayor’s Permit
  • DTI or SEC registration under your name
Ano ang mga requirements para baguhin ang Pag-IBIG membership papuntang OFW:
  • Two 1×1 ID photos
  • Anumang valid ID kaya ng passport
  • Latest valid Contract of Employment na POEA stamp
  • Special Power of Attorney kung iba ang magsusumite ng iyong mga dokumento

Ads

Paano naman i-update ang iyong PhilHealth Member Data Record?
  • I-download ang PhilHealth Member Registration Form (PMRF)
  • Sa kanang itaas na bahagi ng PMRF, lagyan ng check-mark ang For Updating
  • Punan ang form. Sa ilalim ng Membership Category and Informal Economy, piliin lamang ang nararapat na sagot.
– For OFWs, i-check ang Migrant Worker and Land Based o Sea Based.
– For freelancers, i-check ang Self-Earning Individual at ilagay ang iyong estimated monthly income.
  • Isumite ang natapos ng PMRF sa pinaka-malapit na PhilHealth branch. Sa mga OFWs naman, maari itong i-email sa ofp@philhealth.gov.ph.
  • Hintayin ang printed copy o email ng iyong updated PhilHealth Member Data Record o MDR.
Ano ang mga Philhealth requirement sa pagbabago ng membership papuntang OFW?

Ang mga OFWs ay maaaring mag-presenta ng alinman sa mga sumusunod na dokumento para sa updating ng kanilang membership sa voluntary contributions:
  • Overseas Employment Certificate (OEC)
  • Employment Contract
  • Working visa/re-entry form
  • Company ID issued by an overseas employer
  • Cash remittance receipt for money sent from abroad (at least two months before)
  • Valid ID or certificate issued in the country of employment

Sponsored Links



Paano naman baguhin ang iyong SSS Membership Type?

Para sa Self-Employed SSS Members:
  • I-download at  punan ang dalawang kopya ng Member’s Data Change Request form (SSS Form E-4)
  • Piliin ang Change of Membership Type at To Self Employed. Sa ilalim ng nabanggit na field, ilagay ang nature ng iyong trabaho at buwanang kita.
  • Isumite ang napunan na form kasama na ang photocopy ng iyong Unified Multi-Purpose ID (UMID) card. I-presenta din ang iyong orihinal na UMID card.

Para sa mga OFWs:
  • I-download at punan ang tatlong kopya ng Contributions Payment Return (SSS Form RS-5)
  • Sa ilalim ng Type of Payor, lagyan ng check-mark sunod sa Overseas Filipino Worker.
  • I sumite ang napunan na form sa alinmang SSS branch kasama ang SSS contribution payment para sa applicable month o quarter. Ang SSS membership status mo ay magbabago sa OFW sakaling ma-post na ang iyong bayad.

Magkano ang voluntary contribution?

Gawing bahagi na ng iyong monthly budget ang iyong contribution sa Pag-IBIG, PhilHealth at SSS upang hindi mo ito makaligtaan.

Magkano ang Pag-IBIG Voluntary Contribution Rates?

Ang pinaka-mababang monthly savings o contribution para sa lahat na Pag-IBIG members kasama na ang mga freelancers at OFWs ay P200. Maaari mo itong dagdagan upang mas malaki ang makukuhang Pag-IBIG benefits.

Magkano ang PhilHealth Voluntary Rates?
  • Voluntary members: P300 kada buwan o P3,600 kada taon
  • Land-based OFWs: Hindi bababa sa P4,488 bawat taon, na maaaring bayaran ng advance para sa loob ng dalawa hanggang limang taon
  • Seafarers: Parehas sa mga employed PhilHealth members ang salary-based premium contribution rate ng mga seaman. Sa mga kumikita ng P40,000 at higit pa, nasa P1,100 ang magiging monthly contributions.
Magkano ang SSS voluntary contribution rates?

Self-employed ka man o OFW, ang SSS contribution rate mo ay 11% ng iyong monthly salary credit, na naka-base sa monthly income na ideneklara mo nang in-update mo ang iyong SSS membership records.

Sa mga OFWs, na ang minimum monthly salary credit ay P8,000, ang minimum SSS contribution ay P960. Sa mga OFWs naman na kumikitan ng P19, 750 o mas higit pa, maaari silang magbayad ng maximum contribution na P2,400.


©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: