MANILA, Philippines — ISINAMA na ng Pag-IBIG Fund ang digital processing sa mga loans nito na kinabibilangan ng Calamity Loan sa gitna ng banta ng coronavirus disease 2019 o Covid-19.
Marso 17 nang isinailalim ni Pangulong Duterte sa state of calamity ang bansa base sa Proclamation 929 na inilabas nito. Inaasahang tatagal nang anim na buwan ang state of calamity maliban na lamang kung tatapusin ito ng mas maaga o palalawigin ng pangulo.
Dahil marami ang nawalan ng trabaho at mga humintong negosyo, maraming mga Pinoy ngayon ang nangangailangan ng financial assistance.
Ads
Sa kanilang Facebook page, sinabi ng ahensiya na mayroon silang Pag-IBIG Fund Calamity Loan Program na naglalayong magbigay ng agarang tulong-pinansiyal sa mga apektadong miyembro sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad.
Narito ang updated loan application process na inilabas ng Pag-IBIG Fund kung paano makapag-apply ng Calamity Loan sa gitna ng banta ng Covid-19.
Sino ang kwalipikadong mag-apply ng Pag-IBIG Fund Calamity Loan?
Ayon sa website ng Pag-IBIG, dapat may kontribusyon ang miyembro na nakatira sa lugar na isinailalim sa state of calamity.
Dapat may kontribusyon ito na hindi bababa sa 24 na buwan at sapat na proof of income para maging kwalipikado.
Kung may kasalukuyang Pag-IBIG Fund Housing Loan, MPL at o Calamity Loan, importanteng updated ang iyong pagbabayad para maging kwalipikado.
Ads
Sponsored Links
Paano naman mag-apply ng Pag-Ibig Fund Calamity Loan digitally?
Ayon sa updated guide na inilabas sa kanilang Facebook page, dapat punan ng aplikante ang Calamity Loan Form.
Hindi na kailangan pirma sa mga mag-aapply digitally bilang alternatibong proseso sa mga taong walang access sa printers.
Sa mga may printer naman, kailangan pa ring pirmahan ang form, i-scan o kunan ng picture ang napunan na application forms at iba pang requirements.
Sa mga nagpi-fill-out ng form digitally, siguruhing mayroong Adobe Acrobat Reader upang magawa mo ito digitally.
Kung tapos nang napunan ang form, i-save ito bilang PDF at i-send sa Human Resources (HR) department ng inyong kompanya, authorized company representative o Fund Coordinator, kasama ang isang valid ID at picture ng harap at likod ng inyong Loyalty Card Plus, o Landbank, UCPB o DBP cash card.
Ang inyong company HR personnel o sinomang incharge ang siyang magpapadala sa pamamagitan ng email ng application form kasama ang iba pang mga requirements sa Pag-IBIG Fund email address na naka-assign sa inyong lugar.
Ano naman ang mga requirements para sa Calamity Loan application?
• Completely filled-out application form
• Filled-out Employer Confirmation of STL Application with your name
• 1 valid ID
• Front and back images of your Loyalty Card Plus, or Landbank, UCPB or DBP cash card.
Ipapa-alam naman ng Pag-IBIG Fund sa mga first time borrowers na walang Loyalty Card Plus, Landbank o DBP Cashcard kung paano nila matatanggap ang kanilang loan proceeds.
Magkano ang maaaring ma-utang?
Ayon sa Pag-IBIG Fund, ang mga kwalipikadong aplikante ay maaaring maka-utang nang hanggang sa "80% of their total Pag-IBIG Regular Savings."
"It consists of their monthly contributions, their employer’s contributions, and accumulated dividends earned."
Hanggang kailangan maaaring umutang ang mga qualified applicants?
Ayon sa Pag-IBIG ang mga kwalipikadong miyembro ay maaaring makapag-apply ng loan "within a period of 90 days from the declaration of a state of calamity."
Gaano naman ka tagal ang processing period ng application pagkatapos naisumite ang mga mga dokumento?
Ayon kay Pag-IBIG vice president Kalin Franco-Garcia, target nilang mairelease ang calamity loan proceeds sa loob ng tatlo hanggang pitong araw mula nang matanggap ang application.
"This early, we apologize to our members as our usual processing time takes less than two days. However, in this pandemic that we are currently facing, we would like to assure our members that Pag-IBIG Fund is doing everything it can to release loans as fast as possible,"
Paano babayaran ang loan at magkano ang interest rate?
Ayon sa Pag-IBIG website, "the loan is payable within 24 months and comes with the initial payment due on the 3rd month after the loan release."
Paano ko malalaman na aprobado na ang aking loan?
Ayon sa Pag-IBIG, makakatanggap ng text messages ang mga miyembro na nagkukumperma ng loan approval at naihulog na ito sa Loyalty Card Plus, LandBank o DBP Cashcard.
Saan ko maaaring i-email ang mga requirements?
Here's the list of email addresses assigned based on your office address.
Handa na ba ang Pag-IBIG na tumanggap ng mga aplikasyon lalo na't isinailalim naman sa state of calamity ang buong bansa?
Ayon kay Kalin, tinatanggap nila ang mga Calamity Loan application mula sa mga miyembro sa mga sumusunod na lugar:
a. National Capital Region
b. Buong Luzon
c. Mga lugar na isinailalim sa Enhanced Community Quarantine o ECQ kung saan naapektuhan ang mga pangkabuhayan
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment