Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Wednesday, April 14, 2021

ALAMIN: Mga SSS Transactions na Maaaring Idaan sa SSS Dropbox System!




MANILA, Philippines — PATULOY na hinihiling ngayon ng Social Security System o SSS sa kanilang mga miyembro, mga employers at publiko na makipag-transaction sa kanilang mga brances sa pamamagitan ng drop box system.

Ito'y dahil nasa ilalim pa rin ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) hanggang Abril 30 ang National Capital Region o NCR at mga karatig-lalawigan.

Dahil dito, hinihiling ng SSS sa mga miyembro, employers at pensioners na gamitin ang online at mobile platforms sa kanilang mga SSS transactions sa pamamagitan ng My.SSS Portal sa SSS website na www.sss.gov.ph, SSS Mobile App, at Text-SSS sa 2600.


Mga SSS transaction na maaaring gawin sa My.SSS at SSS Mobile App!
Ads


Dahil sa tumataas na kaso ng Covid-19, ipina-alam din ng SSS sa publiko na pansamantalang tatanggap ng transaksiyon ang kanilang mga branches sa NCR at mga karatig lugar sa pamamagitan ng "no-contact drop box system" mula alas — 9 ng umaga hanggang alas — 2:30 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.

Ngunit nilinaw ng SSS na ang drop box system ay para lamang sa mga SSS transactions na hindi available online. Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:
  • Registration at membership transaction kagaya ng Member o Employer Data Change Request
  • Request para sa Employer Certificate of Registration
  • Pag-sumite ng Employment Report para sa initial, rehired o separated employee
  • Submission ng Authorized Company Representative (ACR) card o L501.
Ads

Sponsored Links



Maaari ding gamitin ng mga miyembro at claimants ang drop boxes para sa benefit claim applications gaya ng mga sumusunod:
  • ACOP compliance
  • Filing ng Employees Compensation, Disability o Death
  • Filing ng maternity benefit reimbursement para sa mga employed member
  • Sickness and maternity claims for self-employed, voluntary, OFW and separated members
  • Funeral claims para sa claimants na walang UMID Card
Maliban dito, maaari ding gamitin ng mga SSS members ang drop boxes sa iba pang request gaya ng mga sumusunod:
  • Verification ng SS number
  • Manual verification o consolidation ng mga contributions
  • Deletion, or correction of entry sa employment history
  • Cancellation ng multiple SS number
  • Cancellation o replacement of check
  • Correction, refund, posting at adjustment ng contribution o loan payments.
Pinasiguro naman ng SSS na patuloy ang kanilang alternative work arrangement para sa mga empleyado upang masiguro na tuloy-tuloy ang serbisyo at malimitahan ang risgo ng publiko at ng kanilang mga empleyado sa Covid-19.


©2020 THOUGHTSKOTO

1 comment:

Brett said...

Hi nice reading your ppost