MANILA, Philippines - ISA ang Saudi Arabia sa mga bansang pinupuntahan ng mga Filipino na gusto mag-trabaho sa abroad dahil sa iba't-ibang oportunidad na maaring pasukan dito.
Ngunit sa ngayon, parami na ng parami ang mga trabaho sa Saudi Arabia na hindi na maaaring pasukan ng mga Filipino maging ng ibang mga expatriate workers dahil sa Saudization.
Kaugnay nito, inanunsyo ng Ministry of Human Resources and Social Development ng Saudi Arabia na ipapatupad na rin nila ang Saudization sa mga accounting profession simula Hunyo ngayong taon at sakop nito ang nasa 19 na accounting profession.
Ads
Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:
- Manager of financial affairs and accounting
- Manager of account and budget
- Manager of financial reports department
- Manager of zakat and taxes department
- Manager of internal audit department
- Manager of general audit department
- Head of internal audit program
- Financial Controller
- Internal Auditor
- Senior Financial Auditor
- General Accountant
- Cost Accountant
- Auditor
- General accounts technician
- Auditing technicians
- Cost account technician
- Financial audit supervisor
- Cost Clerk
- Finance Clek
Kaugnay nito, ipapatupad din ngayon taon ang Saudization sa mga trabahong nasa closed commercial complexes o malls na may layuning maka-gawa ng 51,000 jobs para sa mga Saudi nationals.
Kabilang sa mga nabanggit na trabaho sa mga malls ay ang mga sumusunod:
- Trabaho sa mall management offices
- Sales outlet ng mga restaurants at cafes
- Mga trabaho sa major central supply market
Ads
Sponsored Links
Noong mga nakaraang taon, una nang ipinatupad ng Saudi Arabia ang Saudization sa mga sumusunod na trabaho:
Light-vehicle driver, order taker, safety and security officer, food service employee, telephone operator, data-entry clerk, administrative clerk, secretary, general services supervisor, room service supervisor, maintenance supervisor, sales and marketing supervisor, safety and security supervisor, tourism programs supervisor, front office supervisor, supervisor of telephone operators, overseer, director of security and safety, acting director, maintenance manager, room service manager, customer service manager, administrative manager, sales and marketing representative, director of tourism programs, director of the front office at sector of staff relations.
Itinituring bilang pinaka-bagong nationalization scheme ang Saudization kung saan ang kompanya at negosyo sa private sector ay inaatasanhg kumuha ng mga trabahanteng Saudi nationals.
Matatandaan na noon, mga expatriate workers ang karamihan sa mga nag-tatrabaho sa private sector ng Saudi Arabia. Malaki naman ang epekto ng Saudization sa mga expat workers mula sa India, Pakistan, Pilipinas, Lebanon at Egypt.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment