Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Friday, April 23, 2021

Filipino Caregivers sa Canada, Maaari Nang Mag-apply ng Permanent Residency





MANILA, Philippines — SIMULA Mayo 6 maaari nang mag-apply ng permanent residency ang mga Filipino caregivers at iba pang essential workers sa Canada na may temporary status.

Magiging daan umano ito para mga Filipino na mabibigyan ng permanent residency na makapag-file ng sponsorship upang madala sa Canada ang kanilang mga kamag-anak o pamilya.

“The announcement… to accelerate processing for caregivers with an application in process recognizes that many caregivers working in Canada are waiting to be reunited with their loved ones while their applications are being processed,” ang naging pahayag ng Canadian Embassy sa Pilipinas sa pamamagitan ng Twitter account nito.


Ads


Sa pahayag ng Canadian government, mahigit sa 90,000 temporary workers at international graduates ang maaaring mag-sumite ng application sa Immigration, Refugees and Citizenship Canada (IRCC) sa ilalim g 3 pathways.

Tatanggap umano ng 20,000 applications ang IIRC para sa temporary workers sa 40 na mga health care occupants; 30,000 applications para sa temporary workers sa 95 na iba pang essential jobs at 40,000 applications para sa international students a gumraduate mula sa Canadian institutions.

Eligible sa programa ang mga essentials workers kung may hindi bababa sa isang taon na work experience ang mga ito sa Canada sa health care profession o sa iba pang inaprobahang essential occupation.

Samantala dapat namang natapos ng mga international graduates ang kanilang Canadian post-secondary program sa nakaraang apat na taon para maging eligible sa programa.


Ads

Sponsored Links



Itinakda sa Nobyembre 5 ang deadline ng application o hanggang sa maubos ang inilaang slots.

Ayon sa Canadian government, bahagi ng 2021 Immigration Plan ng bansa ang programa na may layuning magbigay ng 401,000 na mga bagong permanent residents upang masagot ang "labor shortages and add growth to our workforce."

Sinabi naman ng Canadian Embassy sa Manila na layunin ng programa na mapabilis ang pag-proseso ng permanenent residency application upang makapag-file ng sponsorship ang mga workers para sa kanilang eligible families na makapunta ng Canada.

"Our message to them is simple: your status may be temporary, but your contributions are lasting—and we want you to stay," ang naging pahayag ni Marco Mendicino, Canadian Minister of Immigration, Refugees and Citizenship.

"The pandemic has shone a bright light on the incredible contributions of newcomers. These new policies will help those with a temporary status to plan their future in Canada, play a key role in our economic recovery and help us build back better."

Dagdag pa ng Canadian government na mas malaking sweldo ang naghihintay sa mga immigrants, isang taon matapos maging permanent resident ng bansa.


©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: