MANILA, Philippines — SA mga expatriate workers na nagtatrabaho sa Saudi Arabia at na-stranded o hindi naka-uwi sa kani-kanilang mga bansa dahil sa coronavirus disease o Covid-19, ipina-aalam ngayon ng Saudi Arabia na pinalawig hanggang Hulyo 31 ang visa ng mga expatriate workers na stranded sa nabanggit na bansa.
Ayon sa Saudi Press Agency o SPA, automatic na ire-renew ng Saudi Arabia ang validity ng mga residence permits o Iqama, exit and re-entry visas ng mga expats na na-stranded sa nabanggit na bansa hanggang Hulyo 31 ngayong taon.
Sinabi pa ng SPA na sinimulan na ng General Directorate of Passports ang pag-renew ng nabanggit na mga visa na libre o walang anumang babayaran ang sinomang visa holders.
Ads
Ngunit nilinaw ng ahensiya na para lamang sa mga expatriates mula sa 20 bansa ang nabanggit na residence visa extentions. Pebrero 2 nitong taon nang maglabas ng anunsyo ang Saudi Arabia kung saan pansamantalang ipinagbawal nito ang pagpasok ng mga citizens o mga tao mula sa 20 mga bansa dahil sa tumataas na kaso ng Covid-19.
Kinabibilangan ito ng mga sumusunod;
- UAE
- Germany
- USA
- UK
- South Africa
- France
- Egypt
- Lebanon
- India
- Pakistan
- Argentina
- Brazil
- Indonesia
- Ireland
- Italy
- Japan
- Portugal
- Sweden
- Swiss Confederation
- Turkey
Hindi naman kasali sa listahan ang Pilipinas.
Maliban dito, extended din hanggang Hulyo 31 ang validity ng mga visit visas ng mga bisita mula sa nabanggit na mga bansa na na-stranded sa Saudi Arabia.
Ads
The General Directorate of Passports begins to extend the validity of Iqama for expatriates who are outside the Kingdom and extend the validity of visit, exit and re-entry visas electronically without fees or charges until 31/7/2021 in the countries from which entry is suspended. pic.twitter.com/gmpjDpWbkC
— SPAENG (@Spa_Eng) June 8, 2021
Sponsored Links
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment