Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Friday, June 04, 2021

4 na bagay kung saan HINDI mo dapat ilagay ang iyong emergency fund



MANILA, Philippines — DAHIL sa pandemya napagtantu ng karamihan na napaka-importante ang pagkakaroon ng emergency fund upang may magamit sa mga hindi inaasahang pangyayari.

Kung may sapat na emergency fund, magkakaroon ka ng peace of mind at malaya ka ring gawin ang mga bagay na gusto mo.

Pero ano nga ba ang emergency fund at bakit importante ito?

Mas magandang nakalagay sa savings account ang emergency fund na maaaring magamit sa mga hindi inaasahang pangyayari. Ang emergency fund ay isang bank accout na may perang nakalaan bilang pambayad sa mga malalaki at hindi inaasahang gastusin gaya ng mga sumusunod:
  • Hindi inaasahang medical expenses
  • Home appliance repair o replacement
  • Pagpapa-ayos ng sasakyan
  • Biglaang pagkawala ng trabaho o unemployment

Ads


Bakit kailangan ng isang tao ang emergency fund?

Napaka-importante ang pagkakaroon ng emergency fund upang may magamit ka sa panahon ng pangangailangan na hindi umaasa sa credit cards, mga loans na may mataas na interes o mangutang sa ibang tao.

Mas lalong mahalaga ang pagkakaroon ng emergency fund kung mayroon kang utang dahil makatutulong ito upang maiwasan mo ang manghiram pa sa iba.

Magkano ba ang dapat i-save bilang emergency fund?

Magsimula sa maliit, subukang magtabi ng kunti muli sa iyong sahod o kinikita buwan-buwan. Kung gumagana ang iyong paraan, palakihin ito hanggang sa kalahating taong na halaga ng iyong mga gastusin.

Ang tamang amount ng emergency fund ay base sa iyong financial circumstances, pero ang "rule of thumb", dapat kaya nitong sagutin ang tatlo hanggang sa apat na buwang living expenses mo.

Mas kailangan mo ng malaki kung ikaw ay isang freelance worker para kung mawalan ka ng trabaho sa mahaba-habang panahon, may pera kang magamit pambili ng mga pangangailangan habang naghahanap ka ng bagong trabaho.

Ads

Sponsored Links



Saan dapat ilagay ang emergency fund?

Maituturing na easy access ang emergency fund na nasa savings account na may mataas na interest rate. Dahil maaaring mangyari anumang oras ang emergency, importante ang mabilis na access sa iyong emergency fund.

Magandang lugar din para sa iyong emergency fund ang high-yield savings account at mas ligtas ito. Magkakaroon ng interes ang iyong pera at mabilis mo itong makukuha kung kinakailangan sa pamamagitan ng withdrawal o funds transfer.

Ngayong alam mo na ang kahalagahan ng pagkakaroon ng emergency fund, importante din na alam mo kung saan ito hindi dapat ilagay.

Ayon sa MoneyMax, narito ang mga suggestions kung saan hindi mo dapat ilagay ang iyong emergency fund.

1. Sa bahay — Safe ba ang emergency fund sa bahay? Hindi. Makaluma na ang pagtatabi ng pera sa bahay o ang paglalagay nito sa mga alkansiya. Kahit masasabing easy access ang pera mo sa bahay, delikado naman ito dahil maari itong manakaw, ma-misplace, mabasa ng ulan o baha, aksidenteng masunog o kainin ng daga.

2. Stock market — Kahit mataas ang posibilidad na lalaki ang pera mo sa stock market, hindi ito ideal place para palaguin ang emergency fund. Anumang oras maaaring mag-crash ang stock market at posibleng mawala ang pera mo. Kung sarado ang trading wala ka ring access sa pera mo. Hindi madali ang withdrawal dahil may mga stock market na tumatagal ang ng ilang araw bago pumasok sa account mo ang perang winidraw.

3. Life insurance — Importante ang pagkakaroon ng life insurance. Pero hindi advisable na gamitin mo ang emergency fund sa pagkuha ng life insurance. Kahit covered ka ng insurance sakaling ikaw ay magkasakit o maaksidente, hindi lang ito ang mga emergencies na dapat mong paghandaan.

May mga posibilidad na masira ang iyong sasakyan o bagyuhin ang bahay mo na kailangan mong ding ipa-ayos.

4. Paluwagan — Hindi naman masama ang legitimate na paluwagan, pero hindi mo dapat isugal ang emergency fund mo dito. Kahit may tiwala ka sa mga miyembro ng paluwagan, may tsansa pa rin na may mga miyembrong mahihirapan magbayad on time.
Hindi lamang mauuwi sa utang ang emergency fund mo, madadamay pa ang relasyon mo sa iyong mga kaibigan at kamag-anak.

Maliban pa rito, hindi din maganda na ilagay sa mga long-term investment fund ang iyong emergency fund. Dapat nasa isang acount ito na hiwalay sa bank account na madalas mong ginagamit para hindi ka matuksong paki-alaman.

©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: