MANILA, Philippines — HINDI maikakaila ang kaliwa't kanang reklamo ng maraming Filipino sa pamumuno ng mga nasa pwesto at maaari lamang palitan sa pamamagitan ng eleksiyon. Parang kailan lang, eleksiyon na naman sa susunod na taong 2022.
Ang pagboto ay kapangyarihan at karapatan ng mga mamamayan na pumili ng mga lider na kasama nilang haharap sa mga hamon na ito.
Ang tanong rehistrado kana ba para bomoto ng lider na napupusuan mong mamuno para sa bansa? Kung hindi pa, narito ang mga hakbang sa proseso ng voters' registration sa Commission on Election o Comelec.
Ads
Sino ang kwalipikadong bumoto?
Simple lamang ang mga qualifications para maka-boto sa darating na halalan at ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod;
- at least 18 anyos bago ang araw ng halalan
- residente ng Pilipinas sa loob ng 1 taon
- residente sa lugar kung saan mo nais bumoto 6 buwan bago ang araw ng eleksyon
Anu-anong valid ID ang maaaring dalhin at tinatanggap sa pagpa-rehistro? Importante ang pagkakaroon ng valid ID bilang patunay na maaari na kayong magpa-rehistro. Kung walang ID, maaari ding mag-presenta ng birth certificate.
Samantala, narito ang mga IDs na tinatanggap ng Comelec:
- Employee ID
- Postal ID
- PWD ID
- School/University ID
- Senior Citizen ID
- Driver’s license
- NBI clearance
- Passport
- SSS/GSIS ID
- IBP/PRC ID
Ads
Ano ang mga kailangang dalhin sa voters' registration?
Para makapag-parehistro kailangan mong pumunta sa city o municipal Comelec office sa inyong lugar upang makuhaan ng fingerprint, picture, at pirma.
Maaari din ang online appointment o walk-in ang magpaparehistro at kailangan lamang dalhin ang mga sumusunod:
- 3 copies ng Application Form
- 1 Valid ID at photocopy nito
- Sariling ballpen
- Original at photocopy ng birth certificate kung ikaw ay below 18 years old
- Maaari ring makuha ang Application Form sa inyong Comelec office kung walang kakayahang mag-print.
Sponsored Links
Paano naman magpa-rehistro para maka-boto?
STEP 1: Sagutan ang application form
Pumunta lamang sa irehistro.comelec.gov.ph. para makapagfill-out ng forms. Maaari ring makuha ang application form sa inyong local Comelec office kung walang kakayahang mag-print.
STEP 2: I-submit ang voter registration form at magpakuha ng biometrics.
Nakadepende sa local na opisina ng Comelec ang proseso ng voters’ registration sa inyong lugar. Isumite ang inyong application form at iba pang mga requirements.
Matapos ang verification, kukuhanan kayo ng mga local na opisyal ng inyong larawan, biometrics at signature.
STEP 3: Kunin ang acknowledgment receipt. Pruweba ito na nakapag submit ka na ng iyong application.
Paano naman magpa-rehistro gamit ang Mobile Application o App ng Comelec?
Para mapalawak ang voters' registration, may mobile app na rin ang Comelec upang mapabilis ang proseso ng pagpa-rehistro.
Narito ang mga hakbang para gamitin ito:
- I-download ang Mobile Registration Form App sa bit.ly/MobileFormApp
- Kahit hindi gumagamit ng internet, i-press ang "get started" at piliin ang uri ng application gaya ng "new registration," "transfer," "reactivation," "change of name," o "correction of entries"
- Punan ang form at i-generate ang QR code
Bukod sa QR code magdala pa rin ng valid government ID at ipasa ito sa local na Comelec office at kukuhanan pa rin kayo ng larawan, biometrics at signature pagkatapos ay bibigyan ng acknowledgment receipt.
Matapos nito ay rehistrado ka na para sa darating na halalan.
Sa mga nais magpa-rehistro, bukas ang mga Comelec offices sa buong bansa simula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Babala naman ng Comelec na huwag hintayin ang deadline sa pagpa-rehistro upang maiwasan ang pagsisikipan.
Ang voters registration ng Comelec ay tatagal hanggang Setyembre 30, 2021.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment