Carousel

Sponsored Links

Looking for House and Lot Within Tagaytay Area? CONTACT US!

Name

Email *

Message *

Showing posts with label #COVID19PH. Show all posts
Showing posts with label #COVID19PH. Show all posts

Monday, August 17, 2020

ALAMIN: Bagong Strain ng Coronavirus na Nakita sa Bansa, Mas Nakahahawa Nga Ba?

Isang bagong strain ng coronavirus ang nakita kamakailan sa Pilipinas at pinaniniwalaang mas nakahahawa ito kaysa sa unang klase ng virus na nakapasok sa bansa. 

Ads

Ayon sa unang SARS-CoV-2 bulletin na inilabas kamakailan ng Philippine Genome Center (PGC), ang presensya ng D614G o ng “G” variant--na itinuturing na “globally dominant form of SARS-CoV-2”--ay nakita kamakailan sa isang small sample ng positive cases mula sa Quezon City.

“Together with the observation that G614 is now the dominant viral state, the authors claim that the said mutation can increase the viral rate of transmission,” saad ng PGC.
Ads

Sponsored Links


Wika ng infectious diseases expert na si Dr. Edsel Salvana, ang pagtaas ng bilang ng apektado ng virus noong nakaraang Hulyo ay maaaring bunsod na rin kahit papaano ng G variant; bagama't hindi pa ito namamataan sa anumang sample na nasa bansa.

“The D614G mutation makes the virus more infectious....It can spread faster and overwhelm our healthcare system if we don't double our control efforts and so it can lead to a higher number of overall deaths,” aniya.

Naobserbahan din kamakailan ng mga researcher sa Scripps Research, United States na ang G variant ang dahilan ng "increased number of spikes that characterize SARS-CoV-2".

Gayunman, masyado pa raw maaga para sabihin na mas madaling nakahahawa ang bagong strain na ito.

“However, there is still no definitive evidence showing that carriers of the G614 variant are actually more transmissible… and the mutation does not appear to substantially affect clinical outcomes as well,” paliwanag ng grupo ng eksperto. “Nevertheless, considering the presently wide geographic spread of G614, continuous monitoring of the said mutation… must be done in order to better understand the evolutionary trajectory of SARS-CoV-2 to inform containment, diagnostic, and therapeutic strategies."

Monday, August 10, 2020

SOLUSYON SA WAKAS? DFA, Positibo sa Alok ng Russia na Mag-supply ng Coronavirus Vaccines sa Pilipinas

Matapos ianunsyo ang kanilang "safe" at "effective" antidote, inialok ng Russia sa Pilipinas ang COVID-19 vaccine nito--at positibo naman ang tugon ng nahuli sa mungkahing ito. 

Ads



Sa isang press briefing kamakailan, sinabi ni Russian Ambassador Igor Khovaev na layunin nilang magsagawa ng clinical trials at magtayo ng vaccine production hub sa Pilipinas kung aaprubahan ito ng gobyerno.

"We are ready to combine our efforts, we are ready to make the necessary investments with our Filipino partners and we are ready to share our technologies simply because we want to build a robust partnership between our two nations," ani Khovaev.

Pagpapatuloy niya, hindi sila nangangako, kung 'di nagbibigay ng mungkahi base sa kung ano ang alam nila at kung ano na ang kanilang nagawa. 

Ads

Sponsored Links
Wika ng opisyal, sa kasalukuyan ay maganda ang itinatakbo ng series of trials na isinasagawa ng grupo ng volunteers sa Russia.

"We don't make promises. We make suggestions based on what we already know and what we have done," aniya. "We already have the vaccine so all necessary bureaucratic procedures in order to get an official administrative approval might be completed until mid-August. The vaccine is effective and safe."

Positibo naman ang tugon ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa nasabing proposal.

“The DFA conveys its appreciation for Russia’s willingness to assist the Philippines in its fight against COVID-19, as well as its offer to supply the SARS-COV-2 vaccine developed by N.F. Gamaleya of the Ministry of Health of the Russian Federation,” saad nito sa isang statement.

Narito ang mga dapat mong malaman tungkol sa bakuna na idine-develop ngayon ng Russia:
©2020 THOUGHTSKOTO

Thursday, August 06, 2020

SOLUSYON SA COVID? Avigan Tablets Mula sa Japan Dumating na sa Pilipinas

Bilang bahagi ng emergency grant aid nito sa mga bansang malaki ang problemang kinahaharap ngayon bunsod ng pandemya, nagpadala ang Japan ng Avigan tablets para sa 100 COVID-19 patients sa Pilipinas.
Ads

Ayon statement mula sa  Japanese Embassy sa Manila, nakarating na sa Department of Health (DOH) ang Japan-made anti-flu drug na Avigan; kamakailan lamang ay nakapukaw ng interes ng maraming bansa dahil sa potensyal nito na pumigil ng viral replication, kahit pa ang bisa nito kontra sa COVID-19 ay kasalukuyan pang tinitingnan.

“The Government of Japan delivered Avigan tablets for 100 patients to the Philippine Department of Health on August 6, 2020 as part of its emergency grant aid to countries severely affected by COVID-19,” saad ng embahada.
 
Ads

Sponsored Links
“Japan-made anti-flu drug Avigan has drawn interest from many countries for its potential to prevent viral replication, even as its effectiveness against the novel coronavirus is yet to be established," pagpapatuloy nito.

Avigan: Clinical Research

Bilang tugon sa mga request ng mula sa international community, nakipag-ugnayan ang Japan sa iba't ibang bansa--kabilang na ang Pilipinas--upang mas mapalawak pa ang pananaliksik nito na may kinalaman sa paggamit ng Avigan bilang lunas sa mga nakahahawang sakit.
“In response to the requests received from the international community, Japan has formed close cooperation with several countries, including the Philippines, to expand clinical research on Avigan as treatment for this infectious disease,” saad ng statement.

“Each recipient government has acknowledged of Avigan’s proper usage and prescription in view of its known adverse side effects,” dagdag pa nito.

Umaasa raw ang Japan na makatutulong ang pakikipag-isa nito sa Pilipinas sa layuning makatuklas ng paraan upang mapahinto na ang COVID-19 pandemic.

“Japan hopes that this ongoing cooperation with the Philippines would further contribute to the advancement of clinical research to contain the COVID-19 pandemic,” wika nito.


Sunday, June 28, 2020

Kailan o Ilang Araw Masasabing Hindi na Nakakahawa ang Isang Taong NagkaCOVID-19?

Ilang araw ba ang bibilangin para ang isang taong naging positibo sa COVID-19 ay masasabing hindi na nakakahawa?
Ayon sa World Health Organization, ang Pilipinas ang may 'fastest-growing number of new COVID-19 cases' sa higit 20 bansa at teritoryo sa Western Pacific Region.

Ngayong wala pang gamot o vaccine sa COVID-19, mahalaga ang epektibong contact tracing. Ito ang naging strategy ng Vietnam, Taiwan, at New Zealand kaya napigilan nila ang pagkalat ng sakit. Paano nga ba ginagawa ang contact tracing dito sa Pilipinas? Kumusta ang mga proseso? Alamin natin sa video na ito!
Ads

 Hindi na raw po nakakahawa ang mga pasyenteng nagkaCOVID-19 at sampung (10) araw ng walang sintomas kaya ang sabi ng Department of Health, hindi na sila kailangang itest ulit.  Base raw ito sa mga bagong scientific evidence. Panoorin ang video report.
Ads


Sponsored Links

Samantala, pinag-aaralang bawasan ang additional quarantine days ng COVID-19 patient na discharge na sa hospital ayon sa Department of Health. Sabi ni DOH Spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire, lumabas kasi sa pag-aaral ng mga eksperto na hindi na nakakahawa ang taong may COVID-19 sa ikasampung araw niyang maysakit.

Iyan daw ang dahilan sa pagbabago ng kanilang protocol na hindi na kailangag itetest ang pasyente bago idischarge sa hospital o quarantine facility. Kung kinakailangang irekomenda ng mga eksperto ang additional quarantine days ng pasyente pagkalabas ng hospital ay posibleng babawasan ito ng hanggang sa 7 araw mula sa 14 days. Nilinaw naman ng DOH na nanatiling 14 days ang quarantine period sa mga probable at suspected COVID-19 cases.


Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa COVID-19

Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi malalang sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay makararanas ng malubhang sakit, lalo na sa mga matatanda at mga may dati nang karamdaman. Narito ang ilang mga simpleng hakbang na maaari mong gawin upang maprotektahan ang kalusugan mo at ng iba.

Ang mga payong ito ay maaaring sundin ng lahat, ngunit napakahalaga ng mga ito kung ikaw ay nakatira sa lugar na may COVID-19.
1. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamayUgaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay gamit ang hand sanitizer na may alkohol o hugasan gamit ang sabon at tubig.

Bakit? Lagi nating ginagamit ang ating mga kamay upang hawakan ang mga bagay na maaaring kontaminado. Maaaring hindi natin namamalayan na maghawak natin ng ating mukha, nailipat na ang virus sa mata, ilong at bibig at nahawahan na tayo. Namamatay ang mga virus na maaaring nasa iyong kontaminadong kamay, kasama na ang bagong coronavirus, sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o paggamit ng hand sanitizer na may alkohol.

2. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibigMadalas nating hinahawakan ang ating kamay nang hindi namamalayan. Maging mapagmatyag tungkol dito, at iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig.

Bakit? Maraming hinahawakan ang mga kamay at maaari itong makakuha ng mga virus. Kapag kontaminado na ang kamay, naililipat ang virus sa mata, ilong at bibig at maaaring pumasok sa katawan at magdulot ng sakit.

3. Takpan ang iyong ubo at bahingSiguraduhing ikaw, at ang mga tao sa paligid mo, at sumusunod sa tamang respiratory hygiene. Ibig sabihin nito ay ang pagtakip ng bibig at ilong gamit ang loob ng siko o tisyu kapag uubo o babahing. Agad na itapon ang gamit na tisyu sa basurahang may takip at maghugas ng kamay.

Bakit? Kung ang isang tao ay uubo o babahing, tumatalsik ang maliit na droplet mula sa ilong at bibig na maaaring may virus. Sa pagtakip ng iyong ubo o bahing, naiiiwasan ang pagkalat ng mga virus at mikrobyo sa iba. Sa paggamit ng loob ng siko o tisyu – at hindi iyong kamay – sa pag-ubo o pagbahing, naiiwasan ang paglipat ng kontaminadong droplet sa iyong kamay. Dahil dito, napipigilan ang paglipat ng virus sa tao o bagay.
4. Iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may lagnat o uboIwasan ang matataong lugar, lalo na kung and iyong edad ay 60 pataas o may dati nang karamdaman gaya ng altapresyon, diyabetis, sakit sa puso at baga o kanser. Panatilihin ang hindi bababa sa 1 metrong pagitan mula sa iyo at sa kung sinumang may lagnat o ubo.

Bakit? Pangunahing kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng droplet na lumabas mula sa bibig o ilong kapag umubo o bumahing ang isang tao. Sa pag-iwas sa mga matataong lugar, nilalayo mo ang iyong sarili (ng hindi bababa sa 1 metro) mula sa mga taong maaaring may COVID-19 o sinumang may iba pang may sakit.

5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit

Manatili sa bahay kung ikaw ay may nararamdamang sakit, kahit sinat at ubo lang.

Bakit? Sa pagpanatili sa loob ng bahay at hindi pagpunta sa trabaho o iba pang lugar, gagaling ka ng mas mabilis at maiiwasan ang pagkalat ng sakit sa ibang tao.
6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta agad – ngunit tawagan mo muna ang health facilityKung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta ng maaga – kung kakayanin, tumawag muna sa ospital o health center para masabihan ka kung saan ka pupunta.

Bakit? Makatutulong ito upang masiguro na tama ang payong mabibigay sayo, ikaw ay maituro sa tamang health facility, at maiwasan mong makahawa sa iba.

7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad

Alamin ang pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19 mula sa mapagkakatiwalaang artoridad. Siguraduhing ang impormasyon ay mula sa maaasahang mga tagapagsalita – ang Department of Health, World Health Organization (WHO), o iyong lokal na health worker. Dapat ay alam ng lahat ang sintomas – sa karamihan ay nagsisimula ang COVID-19 sa lagnat at tuyong ubo.



Bakit? Ang lokal at pambansang awtoridad ang may alam tungkol sa pinakabagong impormasyon kung kumakalat na ba ang COVID-19 sa iyong lugar. Sila ang mas nakakaalam kung anong tamang payo na dapat ibigay sa iyong lugar, upang maprotektahan ng mga tao ang kanilang sarili.


Base sa WHO, wala pang kumpiramadong oras kung gaano nagtatagal o nagsu-survive ang virus ng COVID-19 sa mga bagay o kagamitan. Subalit maaaring tulad ito ng ibang coronaviruses. Ipinapakita sap ag-aaral na ang coronaviruses ay maaaring mag-survive sa mga bagay o kagamitan sa loob ng maiksing oras hanggang sa ilang mga araw depende sa iba’t ibang kondisyon (hal. Uri ng kagamitan, temperature, at humidity sa kapaligiran).
Ito ay naipapasa ng tao-sa-tao sa pamamagitan ng pagsagap ng mga malilit na talsik ng laway mula sa pagsasalita, pagbahing, o pag-ubo ng isang taong may COVID-19. Ito ay karaniwang nangyayari sa mga taong may malapitang pakikisalamuha sa may sakit – tulad ng mga kapamilya at healthcare workers kaya mariing pinapayo na panatilihin ang isang metrong layo sa mga taong may sintomas tulad ng pag-ubo at pagbahing.
©2020 THOUGHTSKOTO

Tuesday, May 12, 2020

Ang Mga Nasa Ilalim ng ECQ na Lamang ang Makakatanggap ng Pangalawang Ayuda ng DSWD SAP

Madadagdagan pa ng 5Milyon ang mabibigyan ng ayuda na SAP ng DSWD, ngunit ang mabibigyan na lang ng pangalawang trance o bugso na perang P5K to P8K ay ang mga nasa areas na nasa nadeklarang ECQ na lamang ngayong Mayo.
PANOORIN: Ano na nga estado ng Social Amelioration Program (SAP) at ang paghahanda sa second tranche?

Batay sa pinaka-latest na datos, umaabot na sa PhP92.1 bilyon ang naipamahagi sa 16.3 milyong benepisyaryo ng SAP. Mayroon ng 1,035 na Loal Government Units na nakapagtapos na ng pamamahagi ng programa, at 140 rito ay nakapagsumite na ng kumpletong liquidation report.

Bilang paghahanda sa second tranche, hinihintay na ng ahensya ang Executive Order o written directive mula sa Office of the President kung saan nakasaad ang mga panununtunan sa second tranche ng SAP.
Ads

Samantala, madadagdagan pa ng 5Milyon ang mabibigyan ng ayuda na SAP, ngunit ang mabibigyan na lamang ng pangalawang trance ay ang mga nasa ECQ na lamang ngayong Mayo.


Sponsored Links

Ayun kay Presidential Spokesperson Harry Roque: "Naaprubahan na po hindi lang 18 million ang mabibigyan ng SAP sa first tranche, nadagdagan na po ng limang milyon,"

Ibig sabihin nasa 23M na mga mahihirap at mabababa ang kitang pamilya ang makakatanggap ng unang ayuda ng gobyerno sa pamamagitan ng DSWD SAP, o Social Amelioration Package, kung saan P5,000 to P8,000 ang matatanggap ng bawat pamilya depende sa rate ng sahod kada rehiyon.

Samantala, nilinaw naman ni Secretary Roque na ang makakatanggap na lamang ng pangalawang ayuda ay limitado na lamang sa mga areas kung saan nakadeklara ang Enhanced Community Quarantine dahil sa kakaunting pondo na inaprubahan ng Kongreso.

"Dahil limitado lamang po ang pondong inaprubahan ng kongreso, yung mabibigyan lamang sa second tranche ay iyon lamang mga nananatili sa ECQ na idineklara noong pangalawang buwan ng ating Pangulo," ayun pa kay Roque.


Ayun pa kay DSWD Secretary Rolando Bautista na kukuhanin nila ang additional na listahan sa mga sinumite ng mga LGU at nasa waitlist para madagdagan ng 5Milyong mga mahihirap pa ang makakatanggap ng ayuda.

"Nagpasa po ang ating lokal na pamahalaan ng waitlisted na kwalipikadong pamilya na hindi nabigyan ng social amelioration sa kanilang lugar. Ito po ang gagawing basis para sa karagdagang limang milyong pamilya," ani ni Bautista.



©2020 THOUGHTSKOTO

Friday, May 01, 2020

Batas: Ito ang Gagawin Kapag Pinilit o Pinalayas ka Dahil sa Bayad sa Upa/Renta

Patong patong ang mga bills sa ilaw at tubig, internet at bayaran sa renta dahil sa halos 2 buwang walang trabaho ang mga tao. Ang isang pamilyang nangungupahan, tinanggalan na ng bubong at pintuan ang nirerentahang bahay dahil sa galit na landlady dahil 2 months na hindi nakakabayad.
Isa sa mga kinakaharap na suliranin ng mga kababayan nating Pilipino ngayon ay kung paano makakabayad ng upa sa mga may ari ng bahay. Karamihan sa ating mga kababayan ay nangungupahan lamang lalong lalo na ang mga kababayan nating nakatira sa Metro Manila. Dahil sa ipinatupad na Enhanced Community Quarantine ngayon maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho. 
Ayun pa kay Pangulong Duterte: "Marami na pong report sa akin na yung mga taong ngayon na tumitira sa upahan na mga bahay, they are being pressured to pay. Alam mo, lahat tayo nawalaan ng income so I'd like to ask the owners na kung maaari to suspend yung sa bahay. Huwag mo muna singilin kasi wala talaga. And whatever na ang nasa kamay ng mga tao ngayon, they are saving it for the rainy days to come."

Ads


Sponsored Links



Isa sa mga tugon ng ating gobyerno sa suliraning ito ay ang paglabas nila ng batas na “Bayanihan Act of 11469” nakapaloob sa batas na ito ang mahigpit na ipinagbabawal ang paniningil ng renta ng mga may ari ng bahay.

Paano makakabayad ang ating mga kababayan ?
Ayun sa mga kinauukulan ay maaaring bayaran ng "installment" ang mga utang na hindi nabayaran sa may ari ng bahay sa loob ng anim na buwan. Mayroon din silang tinatawag na "30 days grace period" kung saan ay binibigyan ng palugit na magbayad ng kanilang rental fees sa loob ng 30 days pag katapos ng ECQ.

Ayun pa kay DTI Usec Ruth Castelo: "Meron po tayong Memorandum Circular No. 20-12. This is a concession para matulungan ang mga kababayan natin not only for those in business but also for residential tenancy, yung mga bahay po nila na inuupahan, alam naman natin maraming mga hindi nakapagtrabaho during the ECQ, or the commercial establishments, yung mga umuupa po ng commercial spaces nila, for Micro Small and Medium Enterprises, ito po yung ginawa ng DTI; meron po silang grace period na 30 days, ibig sabihin within 30 days po from the time na matapos yung ECQ, pag nalift na po ang ECQ, hindi pa po sila pwedeng singilin. Pag siningil na po sila pwede po nilang idivide into 6 installment yung mga rental na nagaccumulate during the ECQ period. 

 PAANO KUNG HINDI PUMAYAG ANG MAY ARI NG BAHAY ?

Maaaring ireklamo sa DTI ang mga may ari ng paupahan na pilit paring naniningil sa gitna ng Enhanced Community Quaratine . Maaring sundan ang proseso  na ito:
  1. Kompletong Pangalan, address at numero ng iyong telepono
  2.  Kompletong Pangalan, address at numero ng telepono ng may ari ng bahay
  3. Kompletong address ng paupahan
  4. Due date ng Renta
  5. Tala ng iyong reklamo,pangyayari o kahit anong ebidensya na maaaring gamitin.
Ayon pa sa DTI Usec Ruth Castelo: Kung merong mga gustong maningil o magevict sa kanila, DTI Fair Trade enforcements bureau po ang incharge dito, ireport lang po sa amin sa consumercare@dti.gov.ph or sa consumer hotline # 1384, DTI will take immediate action para hindi sila maevict, hindi sila singilin o bigyan natin ng mas mahabang concession para sa kanila.

©2020 THOUGHTSKOTO

Wednesday, April 29, 2020

Sa 2.3M na Nawalan ng Trabaho 650K Lang ang Makakatanggap ng DOLE Cash Assistance

Isa ka rin ba sa nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19? Mahigit sa 2 milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil sa community quarantine o lockdown, at 1.6 milyon ang nag-apply para sa COVID19 Adjustment Measures Program o CAMP ng DOLE pero dahil kinulang sa pondo ay hininto na ang pangtanggap ng application noong April 16 at pamimigay ng ayuda sa manggagawang Pilipino.
Ads

Sa pinakahuling report ng DOLE, as of April 16, 2020 nasa 345, 865 na ang nakatanggap ng cash assistance mula P5,000 hanggang P8,000 depende kung saang lokasyon ang mga Pilipino. 
Ads


Sponsored Links


Pero may inaprubahang dagdag pondo na 1.5Bilyong pondo para sa DOLE kaya posibleng madagdagan ang mabigyan nila ng cash assistance. Ayun pa kay ASec Dominique Tutay ng DOLE, "Hope maidownload na po natin sa ating mga Regional Offices para magstart na ulit ng payment para sa another 300K workers, suma total po kung isasama natin lahat ng P1.5B na yan, ang macocover po natin is around 650K workers under the CAMP Program so ibig sabihin po meron pa ring 1Milyon na hindi maseserve ng Dept of Labor and Employment. May facility po ang DOF for small business wage subsidy that they can start applying."

ALAMIN ang TUNGKOL sa DOF, SSS, at BIR na namimigay ng P5,000 to P8,000 para sa mga trabahante dito.

Pakiusap naman ng ibang trabahante kung hindi sila makakatanggap ng ayuda galing sa gobyerno, pabalikin na lang sila sa trabaho. 
Samantala, ang DOLE naghahanda ng recovery program para sa unti-unting pagbabalik sa trabaho ng mga manggagawa kapag inalis n ang quarantine. Pero uunahin ang mga mahahalagang industriya kaya may iilan na matatagalang makakabalik sa normal. 

Bibigyan ng P5K to P8K ng DOF, BIR at SSS ang mga Empleyado ng Small Businesses!

Samantala, sabi ni Pangulong Duterte: I-report kung hindi nakatanggap ng ayuda
Hinikayat ni Pres. Rodrigo Duterte ang publiko na i-report sa radyo o sa local government units kung hindi pa nila natatanggap ang ayuda mula sa national government para sa COVID-19.






SEE ALSO:

UPDATED: 1,764 Listahan ng mga Kumpanya sa NCR na May P5000 Mula sa DOLE

More Details Here: THOUGHTSKOTO https://www.jbsolis.com/2020/04/NCR-DOLE-CAMP-GRANTS-P5000.html


UPDATED: LISTAHAN NG KUMPANYA SA CALABARZON PARA SA P5,000 AYUDA
Ito pong listahan ay nasa 1400+ companies galing sa website ng DOLE Region 4A. Kung kayo po ay nasa laptop, o desktop, etype ang CTRL+F sa Windows at ilagay ang pangalan ng inyong kumpanya para madaling makita.

More Details Here: THOUGHTSKOTO https://www.jbsolis.com/2020/04/dole-camp-calabarzon.html


Listahan ng mga Kumpanya: LUZON, VISAYAS, MINDANAO Makakatanggap ng P5000 Galing sa DOLE

More Details Here: THOUGHTSKOTO https://www.jbsolis.com/2020/04/list-Company-DOLE-P5K.html



Para sa mga workers na ayaw magprocess ng employer o ayaw makipagcooperate ng employer para mabigyan ng ayuda ang mga trabahante na apektado ng enhanced community quarantine dahil sa banta ng COVID-19, dumeretso na sa pinakamalapit na DOLE dalhin ang mga kasamahan na nawalan ng trabaho, magdala ng mga ID, at dokumento, payslip o salary slip, at ang DOLE na ang magprocess ng inyong Cash Assistance na P5,000.

More Details Here: THOUGHTSKOTO https://www.jbsolis.com/2020/04/dole-P5000-cash-assistance.html



©2020 THOUGHTSKOTO

Friday, April 17, 2020

SBWS ng SSS, BIR at DOF, P5K to P8K sa mga Empleyado ng Small Businesses Nagsimula na!

Narito ang detalye kung ano ang Small Business Wage Subsidy (SBWS) kasama na kung papaano iclaim ang pera sa remittance center.
Image may contain: 1 person, text that says 'Small Business Wage Subsidy Program Anthony Gaw Owner, Golden Touch Touch Imaging Specialist " Nais naming magpasalamat sa tulong ng pamahalaan. Sa dalawang buwan na lockdown, imposibleng mabuhay ang mga tauhan namin ng walang support. Salamat at natulungan nyo ang sambayanang manggagawa at, higit higit sa lahat, tiwala ng taongbayan sa gobyerno. Mabuhay kayo!'
Image may contain: 1 person, text that says 'Small Business Wage Subsidy Program Mary Villar Office Assistant, Exalta Auto Parts and Services Corporation " Ngayon po kasi gipit kami, lahat po ng tao namin mekaniko, padre de pamilya, kaya kailangang kailangan nila ito. Malaking bagay [ang wage sa kanila.'

ANO BA ANG SMALL BUSINESS WAGE SUBSIDY (SBWS) PROGRAM? 
Ang SBWS ay programa ng gobyerno na magbibigay ng ayuda sa 3.4 milyong empleyado ng 1.5 milyong small businesses nationwide na apektado ng quarantine. Ang kabuuang halaga ng ayuda ay 51 billion pesos

Ads

Ads


Sponsored Links


PARA SAAN BA ITONG SBWS PROGRAM?
✅ Bigyan ng ayuda ang mga kwalipikadong empleyado ng small businesses (na karamihan ay middle class) na hindi nakakapagtrabaho at nasuswelduhan dulot ng quarantine.

✅ Tulungan ang mga small businesses na kapos sa pera na mapanatili ang kanilang mga empleyado.

Bahagi ang SBWS ng mas malawak na programa para sa small businesses:

1️⃣ Small Business Wage Subsidy (SBWS)
2️⃣ Guarantee sa mga utang ng small businesses
3️⃣ Mas mahabang net operating loss carryover na limang taon


MAGKANO ANG MATATANGGAP NG SBWS BENEFICIARIES?

Makakatanggap ng dalawang tranches ng wage subsidy o ayuda mula 5,000 hanggang 8,000 pesos (depende sa rehiyon kung saan nagtatrabaho) ang bawat eligible o kwalipikadong empleyado sa loob ng dalawang buwan.

Ang mga empleyadong nakatanggap ng ayuda mula sa DOLE CAMP ay maaari ring tumanggap ng ayuda sa SBWS pero sila ay eligible lamang para sa first tranche ng SBWS (mula May 1 hanggang 15, 2020).

 

PAANO MATATANGGAP NG EMPLEYADO ANG AYUDA?

Maaaring i-claim ang wage subsidy sa mga sumusunod na paraan:

1. Withdrawal sa ATM sa pamamagitan ng SSS UMID card ng miyembro
2. Withdrawal mula sa bank account na registered sa My.SSS ng empleyado
3. Employee Union Bank Quick Card
4. PayMaya account ng empleyado
5. Cash-pick-up arrangement sa pamamagitan ng money remittance transfer companies


ANO ANG MGA SMALL BUSINESSES NA MAAARING MAG-APPLY?

 Small businesses, o lahat ng hindi kasama sa listahan ng BIR Large Taxpayers Service (LTS).
 Small businesses na napilitang magsara pansamantala o magsuspinde ng trabaho dahil sa quarantine (ECQ) o pinayagang mag-operate ng skeleton force.
 Lahat ng apektadong small businesses ay tutulungan, ngunit ang pangunang makakatanggap ng tulong na ito ay ang mga sumusunod sa patakaran ng SSS at BIR.

PAALALA: Ang aplikasyon ay gagawin ng small business employers para sa kanilang mga empleyado sa pamamagitan ng My.SSS account.

SINO ANG MGA EMPLEYADONG MAAARING I-APPLY NG KANILANG MGA EMPLOYER?

 Nagtatrabaho sa isang eligible small business
 Aktibong empleyado ng nasabing small business hanggang March 1, 2020 ngunit hindi nakatanggap ng sweldo ng dalawang linggo o higit pa, dahil sa pansamantalang pagsara ng negosyo
 Kahit anong contract status (e.g.,. regular, probationary, regular seasonal, project-based, fixed-term)
 Sertipikado ng employer na pasok sa criteria na nabanggit

PAALALA: Ang mga empleyadong nakatanggap ng ayuda mula sa DOLE CAMP ay maaari ring tumanggap ng ayuda sa SBWS pero sila ay eligible lamang para sa first tranche ng SBWS (mula May 1 hanggang 15, 2020).

SINO NAMAN ANG MGA HINDI KWALIPIKADO?
 Mga empleyadong nakakapag-work from home o bahagi ng skeleton force ng kanilang kompanya
 Mga empleyadong naka-leave, nakakatanggap man ng sweldo o hindi, sa kabuuan ng panahon ng ECQ
 Mga empleyadong nakakatanggap na ng SSS unemployment benefits dulot ng COVID
 Mga empleyadong may unsettled o in-process SSS final claims (e.g., funeral, retirement, death, at total disability)



ANO ANG MGA KUNDISYON PARA SA SBWS PROGRAM?


Sponsored Links


Hindi maaaring tanggalin sa trabaho ang empleyadong nakatanggap ng wage subsidy.
Ang empleyado ay hindi maaaring magresign sa loob ng ECQ period.

Ito ay susuriin sa monitoring at evaluation stage ng programa. Ang hindi pagsunod sa mga kondisyong ito ay magreresulta sa pagrefund ng employer ng wage subsidy amount sa gobyerno.

ANO ANG SCHEDULE NG PAG-APPLY PARA SA PROGRAMA AT PAGKUHA NG WAGE SUBSIDY?

Ang application period ay mula April 16-30, 2020.

Ang distribution period ng wage subsidy para sa first tranche ay May 1-15, samantalang May 16-31 naman para sa second tranche. Ang schedule ng second tranche payout ay maaaring magbago depende sa schedule ng ECQ.

No photo description available.

PAANO MALALAMAN KUNG KASAMA ANG EMPLOYER SA PRE-QUALIFIED LIST NG SBWS?

STEP 1: Gamit ang inyong web browser, pumunta sa BIR website (www.bir.gov.ph). Siguraduhin na meron kayong stable internet connection.

STEP 2: I-click ang SBWS icon na matatagpuan sa BIR homepage.

Maaari ring pumunta diretso sa https://www.bir.gov.ph/images/sbws/index.php.



PAANO MALALAMAN KUNG KASAMA ANG EMPLOYER SA PRE-QUALIFIED LIST NG SBWS?

STEP 3: I-enter ang inyong 9-digit TIN sa Search field. Siguraduhin na ang TIN ay valid at pagma-may-ari ninyo.

Nirerekomenda ng BIR na i-check ninyo ang inyongCertificate of Registration para siguradong tama ang mailagay na impormasyon.

Pagkatapos ilagay ang TIN ng employer, i-click ang “Search”.



PAANO MALALAMAN KUNG KASAMA ANG EMPLOYER SA PRE-QUALIFIED LIST NG SBWS?

Sponsored Links


KUNG IKAW AY KWALIPIKADO, maglalabas ng green prompt ang system. Kapag ikaw ay isang corporation, ang lalabas na detalye ay ang iyong registered name at passcode.



Kapag ikaw ay isang sole proprietorship, ang lalabas na detalye ay ang iyong registered name (name of owner), business name, at passcode.



Kopyahin ang passcode.
Image may contain: text

PAANO MALALAMAN KUNG KASAMA ANG EMPLOYER SA PRE-QUALIFIED LIST NG SBWS?

Kung ikaw ay hindi kwalipikado o mali ang TIN na nailagay, maglalabas ng red prompt ang system.
Kung may katanungan tungkol sa eligibility criteria, maaaring magpadala ng email sa SBWS_BIRquery@bir.gov.ph na may kasamang impormasyon: TIN, company name, RDO code, at inyong mensahe.


PAANO MALALAMAN KUNG KASAMA ANG EMPLOYER SA PRE-QUALIFIED LIST NG SBWS?

STEP 4: Tandaan o isulat ang ‘Passcode’ dahil kailangan ito sa pag-apply para sa SBWS.

Pagkatapos makuha ang passcode ay pumunta na sa www.sss.gov.ph para maglog-in sa inyong My.SSS account.


PAANO MAKAKAPAG-APPLY ANG ELIGIBLE EMPLOYERS PARA SA SBWS PROGRAM SA MY.SSS PORTAL?

 Dapat mag-apply ang mga eligible employers para sa SBWS program sa SSS website gamit ang kanilang My.SSS accounts.
 Tatanggap ang SSS ng mga applications mula April 16 - 30, 2020.


PAANO MAKAKAPAG-APPLY ANG ELIGIBLE EMPLOYERS PARA SA SBWS PROGRAM SA MY.SSS PORTAL?
Sponsored Links



STEP 1: Pagkatapos i-check sa BIR SBWS portal kung eligible ba ang inyong small business, pumunta sa SSS website (www.sss.gov.ph) at mag-log in sa inyong My.SSS account upang simulan ang application process.

Siguraduhin na stable ang inyong internet connection.


PAANO MAKAKAPAG-APPLY ANG ELIGIBLE EMPLOYERS PARA SA SBWS PROGRAM SA MY.SSS PORTAL?

STEP 2: Pagka-log in sa inyong My.SSS account, i-click ang “Small Business Wage Subsidy” na tab.


PAANO MAKAKAPAG-APPLY ANG ELIGIBLE EMPLOYERS PARA SA SBWS PROGRAM SA MY.SSS PORTAL?

STEP 3: I-copy ang passcode na nakuha mula sa BIR search system at i-paste ito sa My.SSS SBWS portal. Pagkatapos, i-type ang Taxpayer Identification Number (TIN) ng employer.

I-click ang “Proceed” button pagkatapos para makapasok sa application portal.



PAANO MAKAKAPAG-APPLY ANG ELIGIBLE EMPLOYERS PARA SA SBWS PROGRAM SA MY.SSS PORTAL?

STEP 4: Pagkapasok sa system, makikita ninyo ang inyong listahan ng employees.

Dapat piliin ng employer ang mga eligible employees sa pamamagitan ng pag-click ng box sa kaliwa. Paki-click din sa kanan kung ang empleyado ay CAMP beneficiary.


PAANO MAKAKAPAG-APPLY ANG ELIGIBLE EMPLOYERS PARA SA SBWS PROGRAM SA MY.SSS PORTAL?

STEP 5: Kung wala ang employee sa listahan ng SSS, ibig sabihin ay hindi siya registered sa My.SSS o kulang ng impormasyon ang kaniyang My.SSS account.

Pagkatapos i-select ang mga eligible employees, kailangan i-type ng employer ang TIN ng bawat isa sa kanila.


PAANO MAKAKAPAG-APPLY ANG ELIGIBLE EMPLOYERS PARA SA SBWS PROGRAM SA MY.SSS PORTAL?
Sponsored Links



STEP 6: Kailangan ng employer sumang-ayon sa Employer’s Undertaking ng SBWS:

 Lahat ng impormasyon na nasa application ay totoo, tama, at kumpleto.
 Lahat ng employees ay binigyang-alam ng uri ng application at nasabihan ang mga qualified at ipinaliwanag naman ang dahilan ng pag-disqualify doon sa mga hindi.
 Lahat ng qualified employees ay alam ang layunin ng pagbahagi ng kanilang personal at/o sensitive personal information sa SSS, DOF, at BIR, at nagbigay ng full consent tungo rito.


PAANO MAKAKAPAG-APPLY ANG ELIGIBLE EMPLOYERS PARA SA SBWS PROGRAM SA MY.SSS PORTAL?

STEP 7: Tandaang kailangang magsumite ang employer ng Certification Attesting to the Work and Pay Status of Employee sa SBWSCertifications@sss.gov.ph pagkatapos ng application.

I-click ang “Employer Certification Template” para ma-download ang template na gagamitin pagkatapos ng application.

Kung sang-ayon sa Employer’s Undertaking at na-download na ang “Employer Certification Template,” i-click ang “I Agree”.


PAANO MAKAKAPAG-APPLY ANG ELIGIBLE EMPLOYERS PARA SA SBWS PROGRAM SA MY.SSS PORTAL?

STEP 8: Iche-check at iva-validate ng SSS automated system ang mga sumusunod:

 Ang employee ay walang pending o natanggap na kahit anong SSS unemployment benefit dahil sa COVID-19
 Ang employee ay hindi isang DOLE CAMP beneficiary
 Ang employee ay walang settled o in-process na SSS final claims (funeral, retirement, death, and total disability).


PAANO MAKAKAPAG-APPLY ANG ELIGIBLE EMPLOYERS PARA SA SBWS PROGRAM SA MY.SSS PORTAL?
Sponsored Links



STEP 9: Ipapakita ng SSS sa employer ang mga qualified at disqualified employees, at kung ano ang dahilan ng kanilang confirmation o denial.


PAANO MAKAKAPAG-APPLY ANG ELIGIBLE EMPLOYERS PARA SA SBWS PROGRAM SA MY.SSS PORTAL?

STEP 10: Makakatanggap ng email notification mula sa SSS ang mga eligible employees na ang kanilang employer ay kinumpirma ang kanilang qualification para sa SBWS Program. Ang employee beneficiaries ay bibigyan ng detalye kung kailan dapat ma-credit ang subsidy sa kanilang mga bank accounts o kung available na ba ito para sa disbursement through remittance agents.

Maaaring i-disburse ng SSS ang wage subsidy sa pamamagitan ng mga sumusunod na payment channels:
🔹 SSS UMID card enrolled as ATM;
🔹 PESOnet participating banks;
Union Bank Quick Card;
🔹 Electronic wallets such as PayMaya; or
🔹 Cash pick-up through remittance partner agents.


PAANO MAKAKAPAG-APPLY ANG ELIGIBLE EMPLOYERS PARA SA SBWS PROGRAM SA MY.SSS PORTAL?

Ipapaalam ng SSS sa employer ang kanilang mga qualified employees na for confirmation pa dahil kulang ang kanilang credentials, tulad ng:

 Kung ang employee ay hindi rehistrado sa My.SSS
 Kung ang employee ay walang bank account
 Kung ang employee ay walang registered bank account sa kaniyang My.SSS account

Para sa mga unsuccessful credits dahil sa invalid bank accounts, makakatanggap ng notification mula sa SSS ang mga employees na baguhin ang kanilang bank accounts sa loob ng limang (5) araw sa Bank Enrollment Module ng My.SSS facility. Bibigyan din ng notice ang employer para i-advise ang kanilang employee na i-enroll ang kanilang tamang bank o payment accounts.


PAANO MAKAKAPAG-APPLY ANG ELIGIBLE EMPLOYERS PARA SA SBWS PROGRAM SA MY.SSS PORTAL?

Maaari rin ma-disqualify ang employee kung may existing Unemployment Benefit Claim o isang settled/in-process na final benefit claim (e.g., death, funeral, total disability, or retirement).

Image may contain: textPAANO MAKAKAPAG-APPLY ANG ELIGIBLE EMPLOYERS PARA SA SBWS PROGRAM SA MY.SSS PORTAL?

Sponsored Links



Ipapaalam ng SSS sa employer ang mga successfully confirmed employees sa SBWS Module. Bibigyan din ng notice ang qualified employee.

Image may contain: text
ANONG MGA CONTACT DETAILS PARA SA MGA KATANUNGAN?

PARA SA MGA KATANUNGAN TUNGKOL SA PRE-QUALIFICATION:

Maaaring magpadala ng email sa BIR at SBWS_BIRquery@bir.gov.ph.
Siguraduhing nakalakip sa email ang mga sumusunod:
🔹 TIN
🔹 Registered Name or Business Name
🔹 Revenue District Office (RDO) kung saan nakarehistro
🔹 Inyong Mensahe

PARA SA IBA PANG KATANUNGAN, MAARING I-CONTACT ANG SSS SA:

Call Center: 1455
Toll Free: 1-800-10-2255777
Email: SBWSQueries@sss.gov.ph
Facebook: fb.com/SSSPh
Website: www.sss.gov.ph

No photo description available.

Para sa buong detalye bisitahin ang source: SMALL BUSINESS WAGE SUBSIDY (SBWS)

PAANO ICLAIM ANG PERANG TATANGGAPIN GALING SA SBWS?



©2020 THOUGHTSKOTO