Carousel

Sponsored Links

Looking for House and Lot Within Tagaytay Area? CONTACT US!

Name

Email *

Message *

Showing posts with label Enhance Community Quarantine. Show all posts
Showing posts with label Enhance Community Quarantine. Show all posts

Tuesday, May 12, 2020

Paliwanag sa Tagalog: Ano ang Pwede at Hindi sa Modified Enhanced at General Community Quarantine

Narito ang paliwanag o pagsasalin sa Tagalog para mas maintindihan natin kung ano ang pwede at hindi pwede sa Modified Enhanced at General Community Quarantine ngayong nagbago na ang categorya ng halos karamihan na mga lungsod at probinsya sa Pilipinas. 
Ads




Simula May 16, isasailalim ni Pangulong Duterte sa modified enhanced community quarantine ang mga sumusunod na lugar:
- Metro Manila
- Laguna
- Cebu City


Isasailalim naman sa general community quarantine simula sa Mayo 16 ang mga sumusunod na lugar:

- Region II
- Region III
- Region IV-A - except Laguna
- CAR o Cordillera Administrative Region
- Region VII - except Cebu City
- Region IX
- Region XI
- Region XIII

Aalisin na ang GCQ o ECQ sa mga rehiyong ito:
- Region I
- Region IV-B
- Region V
- Region VI
- Region VIII
- Region X
- Region XII
- BARMM
Ads

Sponsored Links

Narito ang paliwanag ni Secretary Harry Roque sa
mga sumusunod:
No photo description available.
Enhanced Community Quarantine:

  1. Walang lalabas ng bahay kahit ano pa man ang edad o kondisyon ng katawan o health status.
  2. Walang economic activity o pagtitinda ng kung anuman maliban kung ito ay utility services, pagkain, tubig at ibang essential na mga sektor. 
  3. Walang pampublikong sasakyan na pwedeng bumiyahe.
  4. Wala pisikal na papasok sa paaralan.
Modified Enhanced Community Quarantine:
  1. Limitadong galaw ng tao para bumili o kumuha ng mga essential services at foods at pumasok sa trabaho.
  2. Ang dahan-dahang pagbubukas ng ekonomiya ng mga piling manufacturing at processing plants na hahayaang magbukas o mag-operate ng may hindi sumusobra sa 50% na kapasidad.
  3. Limitadong pag-uumpisa ng transportation services para sa mga supply ng essential good at services. 
  4. Limitadong pagsisimula ng transportasyon para sa na papasok sa trabaho at para sa mga essential na serbisyo. 
  5. Hindi pa rin pinapayagan ang klase sa kahit alinmang antas.
General Community Quarantine: 

1. Limitadong galaw pero ang gobyerno at halos karamihan ng mga industriya ay papayagan ng mag-operate ng hanggang sa 75% porsyento maliban sa amusement at lahat ng mga madamihang pag-titipon-tipon.
2. Limitadong serbisyo ng transportasyon na may social distancing.
3. Flexible learning ay pinapayagan pero walang harap-harapang pagkikita at pag-aaral.


The following are ALLOWED in GCQ areas: 
Other manufacturing activities:
  Beverages
  Cement and steel
  Electrical machinery
  Wood products, furniture
  Non-metallic products
  Textile/wearing apparels
  Tobacco products
  Paper and paper products
  Rubber and plastic products
  Coke and refined petroleum products
  Other non-metallic mineral products
  Computer, electronic and optical products
  Electrical equipment 
  Machinery and equipment
  Motor vehicles, trailers, and semi-trailers
  Other transport equipment
Malls and commercial centers (including hardware stores, clothing and accessories and non-leisure stores)
Barbershops, salons, spas and other personal care industries (with strict health standards)
Wholesale and retail trade and repair of motor vehicles and motorcycles
Construction and Build, Build, Build
Forestry and logging
Publishing activities
• Motion picture, video and television program production, sound recording and music publishing activities
Advertising and market research 
Real estate activities (except buying and selling)
Office administrative, office support and other business activities
Legal and accounting
Insurance, reinsurance, and pension funding except compulsory social security
Architecture and engineering activities, technical testing analysis
Scientific and research development
Other professional, scientific and technical activities
Social work activities without accommodation
Government office - frontline offices

Ang mga businesses at serbisyong ito ay hindi pinapayagan na magsimula kahit pa sasailalim na ng General Community Quarantine

1. Gyms, fitness studios, and sports facilities
2. Entertainment-related mass gatherings such as:
Theaters
Cinemas
Large concerts
Festivals
Carnivals
Conventions
Shows
Pubs and bars
3. Business-related mass gatherings such as:
Trade shows
Conferences
Conventions
Workshops
Retreats
4. Politically-related mass gatherings such as:
Election rallies
Polling centers
Parades
Speeches/addresses
5. Sports-related mass gatherings such as:
Trainings
Games
Tournaments
Championships
6. Religious mass gatherings
7. Going to libraries, archives, museums, and other cultural activities
8. Gambling and betting activities
9. Activities of travel agencies, tour operators, reservation services
10. Activities of membership organizations

©2020 THOUGHTSKOTO

Friday, May 01, 2020

Batas: Ito ang Gagawin Kapag Pinilit o Pinalayas ka Dahil sa Bayad sa Upa/Renta

Patong patong ang mga bills sa ilaw at tubig, internet at bayaran sa renta dahil sa halos 2 buwang walang trabaho ang mga tao. Ang isang pamilyang nangungupahan, tinanggalan na ng bubong at pintuan ang nirerentahang bahay dahil sa galit na landlady dahil 2 months na hindi nakakabayad.
Isa sa mga kinakaharap na suliranin ng mga kababayan nating Pilipino ngayon ay kung paano makakabayad ng upa sa mga may ari ng bahay. Karamihan sa ating mga kababayan ay nangungupahan lamang lalong lalo na ang mga kababayan nating nakatira sa Metro Manila. Dahil sa ipinatupad na Enhanced Community Quarantine ngayon maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho. 
Ayun pa kay Pangulong Duterte: "Marami na pong report sa akin na yung mga taong ngayon na tumitira sa upahan na mga bahay, they are being pressured to pay. Alam mo, lahat tayo nawalaan ng income so I'd like to ask the owners na kung maaari to suspend yung sa bahay. Huwag mo muna singilin kasi wala talaga. And whatever na ang nasa kamay ng mga tao ngayon, they are saving it for the rainy days to come."

Ads


Sponsored Links



Isa sa mga tugon ng ating gobyerno sa suliraning ito ay ang paglabas nila ng batas na “Bayanihan Act of 11469” nakapaloob sa batas na ito ang mahigpit na ipinagbabawal ang paniningil ng renta ng mga may ari ng bahay.

Paano makakabayad ang ating mga kababayan ?
Ayun sa mga kinauukulan ay maaaring bayaran ng "installment" ang mga utang na hindi nabayaran sa may ari ng bahay sa loob ng anim na buwan. Mayroon din silang tinatawag na "30 days grace period" kung saan ay binibigyan ng palugit na magbayad ng kanilang rental fees sa loob ng 30 days pag katapos ng ECQ.

Ayun pa kay DTI Usec Ruth Castelo: "Meron po tayong Memorandum Circular No. 20-12. This is a concession para matulungan ang mga kababayan natin not only for those in business but also for residential tenancy, yung mga bahay po nila na inuupahan, alam naman natin maraming mga hindi nakapagtrabaho during the ECQ, or the commercial establishments, yung mga umuupa po ng commercial spaces nila, for Micro Small and Medium Enterprises, ito po yung ginawa ng DTI; meron po silang grace period na 30 days, ibig sabihin within 30 days po from the time na matapos yung ECQ, pag nalift na po ang ECQ, hindi pa po sila pwedeng singilin. Pag siningil na po sila pwede po nilang idivide into 6 installment yung mga rental na nagaccumulate during the ECQ period. 

 PAANO KUNG HINDI PUMAYAG ANG MAY ARI NG BAHAY ?

Maaaring ireklamo sa DTI ang mga may ari ng paupahan na pilit paring naniningil sa gitna ng Enhanced Community Quaratine . Maaring sundan ang proseso  na ito:
  1. Kompletong Pangalan, address at numero ng iyong telepono
  2.  Kompletong Pangalan, address at numero ng telepono ng may ari ng bahay
  3. Kompletong address ng paupahan
  4. Due date ng Renta
  5. Tala ng iyong reklamo,pangyayari o kahit anong ebidensya na maaaring gamitin.
Ayon pa sa DTI Usec Ruth Castelo: Kung merong mga gustong maningil o magevict sa kanila, DTI Fair Trade enforcements bureau po ang incharge dito, ireport lang po sa amin sa consumercare@dti.gov.ph or sa consumer hotline # 1384, DTI will take immediate action para hindi sila maevict, hindi sila singilin o bigyan natin ng mas mahabang concession para sa kanila.

©2020 THOUGHTSKOTO