Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Tuesday, May 12, 2020

Ang Mga Nasa Ilalim ng ECQ na Lamang ang Makakatanggap ng Pangalawang Ayuda ng DSWD SAP

Madadagdagan pa ng 5Milyon ang mabibigyan ng ayuda na SAP ng DSWD, ngunit ang mabibigyan na lang ng pangalawang trance o bugso na perang P5K to P8K ay ang mga nasa areas na nasa nadeklarang ECQ na lamang ngayong Mayo.
PANOORIN: Ano na nga estado ng Social Amelioration Program (SAP) at ang paghahanda sa second tranche?

Batay sa pinaka-latest na datos, umaabot na sa PhP92.1 bilyon ang naipamahagi sa 16.3 milyong benepisyaryo ng SAP. Mayroon ng 1,035 na Loal Government Units na nakapagtapos na ng pamamahagi ng programa, at 140 rito ay nakapagsumite na ng kumpletong liquidation report.

Bilang paghahanda sa second tranche, hinihintay na ng ahensya ang Executive Order o written directive mula sa Office of the President kung saan nakasaad ang mga panununtunan sa second tranche ng SAP.
Ads

Samantala, madadagdagan pa ng 5Milyon ang mabibigyan ng ayuda na SAP, ngunit ang mabibigyan na lamang ng pangalawang trance ay ang mga nasa ECQ na lamang ngayong Mayo.


Sponsored Links

Ayun kay Presidential Spokesperson Harry Roque: "Naaprubahan na po hindi lang 18 million ang mabibigyan ng SAP sa first tranche, nadagdagan na po ng limang milyon,"

Ibig sabihin nasa 23M na mga mahihirap at mabababa ang kitang pamilya ang makakatanggap ng unang ayuda ng gobyerno sa pamamagitan ng DSWD SAP, o Social Amelioration Package, kung saan P5,000 to P8,000 ang matatanggap ng bawat pamilya depende sa rate ng sahod kada rehiyon.

Samantala, nilinaw naman ni Secretary Roque na ang makakatanggap na lamang ng pangalawang ayuda ay limitado na lamang sa mga areas kung saan nakadeklara ang Enhanced Community Quarantine dahil sa kakaunting pondo na inaprubahan ng Kongreso.

"Dahil limitado lamang po ang pondong inaprubahan ng kongreso, yung mabibigyan lamang sa second tranche ay iyon lamang mga nananatili sa ECQ na idineklara noong pangalawang buwan ng ating Pangulo," ayun pa kay Roque.


Ayun pa kay DSWD Secretary Rolando Bautista na kukuhanin nila ang additional na listahan sa mga sinumite ng mga LGU at nasa waitlist para madagdagan ng 5Milyong mga mahihirap pa ang makakatanggap ng ayuda.

"Nagpasa po ang ating lokal na pamahalaan ng waitlisted na kwalipikadong pamilya na hindi nabigyan ng social amelioration sa kanilang lugar. Ito po ang gagawing basis para sa karagdagang limang milyong pamilya," ani ni Bautista.



©2020 THOUGHTSKOTO

2 comments:

Unknown said...

Sir pno po un may po nlista lng po kmi pra rw po s bhay klinga at wla po kmi ntngap n form mula s dswd solo prent po ako dto po yn sa E Rodriguez sr.

Unknown said...

Dmi po mga d nkktngap n qualified nmn po sir mga no work no pay wla nmn po clng update about po sa listhan ng bhay klinga at kpg nktngap rw po kmi ng 4k mula sa mayor d n rw po kmi ksli sa dswd from E Rodriguez cubao quezon city sn nmn po bgyn nyo kmi ng ayuda nanguphan lng po kmi at extra lng po akos cnteen n wrk kopo.at isa po ako s mga solo prent