Isa ka ba sa mga nai-stress na sa bahay dahil hindi makalabas ngayong may lockdown? Nakararanas ka na rin ba ng COVID anxiety at nangangamba araw-araw sa maaaring idulot ng pandemic?
Bakit hindi mo subukang libangin ang iyong sarili habang nahahasa ang isipan at nag-iipon ng mga bagong kaalaman na maaari mong magamit kapag bumalik na sa normal ang lahat? Hindi iyan imposible kahit nasa bahay ka lang! Kilalanin ang 28-year-old na si Paula Mendoza na nakatapos na ng 20 courses online.
COMPLETED 20 ONLINE IVY LEAGUE AND GLOBAL UNIVERSITY COURSES!- PAULA
Ads
Super duper tinodo ko na pagiging productive this quarantine season kaya nagpakalango na lang ako sa pag-aaral. Laking advantage sa career growth and development!
Encouraging everyone kasi super nakakaadik mag gain ng new knowledge and skills. Andami mo talagang matututunang effective strategies and techniques - panlaban sa adulting period at para handa sa better opportunities. Higit sa lahat, dagdag credentials din syempre.
Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ni Mendoza, ang blogger sa likod ng Balikbayang Liwaliw, kung paano niya ginagawang makabuluhan ang kanyang pananatili sa tahanan ngayong may isasagawang community quarantine laban sa banta ng COVID-19.
Kabilang daw sa mga ito ang pagkuha ng mga online course mula sa mga hindi basta-bastang unibersidad sa iba't ibang bansa; katulad ng University of Pennsylvania, University of Washington, The State University of New York, at marami pang iba.
SALAMAT SA KABAYO NG NANAY KO!
⚜️UNIVERSITY OF PENNSYLVANIA
- Achieving Personal and Professional Success
⚜️UNIVERSITY OF COLORADO
- Social Media Advertising
⚜️UNIVERSITY OF WASHINGTON
- Dynamic Public Speaking
⚜️THE STATE UNIVERSITY OF NEW YORK
- Strategic Self Marketing and Personal Branding
⚜️UNIVERSITY OF CALIFORNIA
- Work Smarter, Not Harder: Time Management for Personal & Professional Productivity
- Effective Problem Solving and Decision Making
- Initiating and Planning Projects
⚜️RUTGERS UNIVERSITY OF NEW JERSEY
- Strategic Sourcing
⚜️HEC PARIS
- Building Your Leadership Skills
⚜️MCMASTER UNIVERSITY
- Finance For Everyone: Value
⚜️MACQUARIE UNIVERSITY
- Marketing analytics: Know your customers
- Strategic management: Be competitive
⚜️UNIVERSITY OF MARYLAND
- Developing Innovative Ideas for New Companies: The First Step in Entrepreneurship
⚜️NORTHWESTERN UNIVERSITY
- Leadership Through Social Influence
- Content Strategy for Professionals: Engaging Audiences
- Connecting with Sales Prospects
⚜️IE BUSINESS SCHOOL
- Brand Identity and Strategy
- From Brand to Image: Creating High Impact Campaigns That Tell Brand Stories
⚜️NATIONAL UNIVERSITY OF SINGAPORE
- Strengthening Your Widening Network
⚜️TECHNION - ISRAEL INSTITUTE OF TECHNOLOGY
- Cracking the Creativity Code: Discovering Ideas
Ads
Sponsored Links
"COMPLETED 20 ONLINE IVY LEAGUE AND GLOBAL UNIVERSITY COURSES!" masayang pagbabahagi niya sa kanyang post.
"Super duper tinodo ko na ang pagiging productive this quarantine season kaya nagpakalango na lang ako sa pag-aaral. Laking advantage nito sa career growth and development!" pagpapatuloy niya.
Hinimok din ni Mendoza ang kanyang mga kapwa Pilipino na mag-aral ng mga libreng online courses habang marami pang panahon para gawin ang mga ito. Aniya, "Encouraging everyone kasi super nakakaadik mag-gain ng new knowledge and skills. Ang dami mo talagang matututunang effective strategies and techniques--panlaban sa adulting period at para handa sa better opportunities. Higit sa lahat, dagdag credentials din, siyempre."
Sa mga nais kumuha rin ng free courses online, narito ang website na naging daan para makakuha si Mendoza ng mga karagdagang kaalaman:
Ikaw, bakit hindi mo rin subukan? Malay mo, nasa isa sa mga online courses na ito ang suwerte mo? Malay mo, narito ang kaalamang magagamit mo sa hinaharap para umasenso?
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment