Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Sunday, May 31, 2020

Qualified ka ba sa 2nd Tranche ng SAP? Panoorin!

Sinu-sino nga ba ang qualified sa 2nd tranche ng Social Amelioration Program o SAP ng DSWD at paano ang paraan ng pamamahagi nito?
Ads


Narito ang pahayag ng DSWD na may kinalaman sa 2nd tranche ng pamamahagi ng Social Amelioration Program o cash subsidy para sa mga mahihirap na pamilya. Sa panayam kay DSWD Usec Rene Glen Paje sa UNTV

Ang mga walang smartphones naman ay itutuloy ang pamimigay sa mga big venues kagaya ng mga isinagawa noong una. Sa mga may kapansanan at mga senior citizens naman ay tutungo at sasadyain sa kanilang tahanan.

Namention din dito ang 5Milyon na mga waitlisted na kung saan ang mga kwalipikadong mahihirap noong unang tranche ay hindi nabigyan ng ayuda. Sila ang mga kwalipikado ngunit hindi nabigyan at nagpatala o nagfill-up ng form at validated na makakatanggap ng ayuda. Yung mga nagreklamo rin na dapat makakatanggap ay makakasama sa mga priority.

Sa pahayag ni Usec Paje, binigyang diin niya ang paggamit ng electronic o digital payment systems kung saan ang mga registered at validated na mga beneficiaries ay maaring tumanggap ng kanilang benefits mula sa mga digital payment system. Ito ay ihuhulog ng DSWD sa mga bangko at sila ang bahalang magdodownload sa mga digital payment systems.
Alamin at magrehistro sa RELIEF AGAD dito.
Namention ang Relief Agad na app kung saan doon ipapadala ang mga benepisyo.

Sponsored Links



Sa tanong kung sino ang priority, ang mga waitlisted ba na 5milyon ay posibleng maunang makatanggap ng mga ayuda ay sinabi ng kalihim na posibleng mauuna sila, pero ipapadaan pa sa IATF ang proseso kung sila ba ay mabibigyan ng dobleng ayuda dahil hindi sila nakatanggap noong unang tranche. 


SAAN MAGPAPALISTA PARA SA 2nd TRANCHE?
Kailangang kumpletuhan muna lahat at sabay sabay na ipapadala sa mga beneficiaries dahil yan ang nakalagay sa memorandum order ngunit sinisikap ng DSWD na mas mapabilis pa ang pamamahagi ng 2nd transche. 

Sa tanong kung kailan na magsisimula ang pamimigay ng 2nd tranche, sinabi pa ni Usec Paje na nakadepende sa kung gaano kabilis maisagawa ang mga liquidations at mga report at listahan ng validated beneficiaries ang mga LGUs.  Meron ng mga pwedeng magsimula ng pamimigay ng 2nd tranche ngunit dahil sa avalidations ay natatagalan dahil siniseguro na hindi madodoble ang benepisyong natanggap o matatanggap galing sa ibang ahensya ng pamahalaan kagaya ng DOLE, DSWD. LTFRB at SSS at iba pa.


Ang validation ay ginagawa kung saan ang ibang miyembro ng pamilya na nakatanggap na ng ibang benepisyo sa ibang ahensya ng gobyerno ay posibleng hindi na makatanggap muli dahil iniiwasan ang duplication ng pamimigay. 

SINO ANG SEGURADONG MAKATANGGAP sa 2nd TRANCHE ng SAP?

Ito po ang malinaw sa ngayon. Ang makakatanggap ng 2nd tranche ay ang mga nakawaitlisted o mahihirap na mga kwalipikadong dapat na makatanggap noong unang tranche pero hindi nakatanggap, at ang mga mahihirap na nakatanggap ng SAP noong 1st tranche pero wala natanggap na ibang benepisyo mula sa ibang ahensya ng gobyerno. 


©2020 THOUGHTSKOTO

7 comments:

Unknown said...

Sana poh makatanggap poh ako ulit kaC buntis poh ako at hanggang ngayon Wala pa poh trabaho sa construction Ang asawa ko.at hanggang ngayon poh andon pa sa site Ang asawa ko d poh makauwi.ngayong July poh ako manganganak.salamat poh in advance

Rosalie Reyes said...

Aqo po d nklista first at second nagawa po Q ng basahan wla po nagpnta dto s lugar nmin
Rosalina Reyes
Barangay SampalocIV Sitio Pansol
Dasmariñas Cavite
09481306222

Anonymous said...

Meron pa kaya sa batangas?

Anonymous said...

Ako po si Maria Agnes DC. Robielos ay hindi nakatanggap noong first tranche sa dahilan na hindi daw ako qualified dahil sa kasama daw kami sa bahay ng mother ko ngunit ang totoo sa tindahang maliit ng mother ko kme nakatira kami ay nkabukod may sarili kaming kusina at namumuhay kaming mag iina. Tatlo po ang anak ko isang college isang mag high sch. at isang mag gr. 3..tanging pagtitinda ng samalamig at kakanin ang ikinabubuhay nmin ako po ay byuda. Nakatira po kami dito P. Burgos St San Agustin City of Malolos Bulacan. Umaasa po ako na kami ay matutulungan . May po ay nag abang n kami sa Brgy. subalit ang sinasagot ng mother leader ay wala silang alam, sa dswd nman po ang sagot sa akin wala na raw form at tapos ng palistahan.

Unknown said...

Sana po mkasama rin kmi dito po s paliparan3 excess lot po ng mabuhay city ng dasmarinas cavite

Flor said...

Totoo po bng hindi ksali s ayuda ng gobyerno ang my pensyon s asawang namatay kht ung pensyon n un eh pang bili lng ng gamot n maintenance.

Anonymous said...

DITO SA MABUHAY CITY PHASE 2 BO.MAMATID CABUYAO SIR.WALANG NAG IIKOT NA MGA LGU..KAYA KAMI HINDI NAKAPAGLISTA O NABIGYAN NG FORM SIMULA NONG UNANG BIGAY HANGGANG NGAYON...MGA TAMAD ANG LGU DITO.