Carousel

Sponsored Links

Looking for House and Lot Within Tagaytay Area? CONTACT US!

Name

Email *

Message *

Showing posts with label Hiring OFWs. Show all posts
Showing posts with label Hiring OFWs. Show all posts

Friday, November 05, 2021

Saudi, nakatakdang magbayad ng $4.6B sa mga OFWs na di nasahuran at napauwi simula 2015




MANILA, PHILIPPINES — NAKATAKDANG magbayad ng $4.6 billion ang Saudi Arabia bilang back wages at end-of-contract fees sa mga overseas Filipino workers o OFWs na napauli ng bansa matapos hindi nabayaran ng kanilang sahod.

Paliwanag ni Department of Labor and Employment of DOLE Secretary Silvestre Bello III, para sa mga OFWs na hindi nakatanggap ng sahod at end of service fees simula pa noong 2015 ang nasabing bayad.

“President Duterte directed me to repatriate all of them, probably about 10,000 to 11,000 of them. We brought them home…but before we did that, we authorized a lawyer to pursue their claims against their employees,” pahayag ni Bello.


Ads


Ayon sa opisyal, nanalo sa kaso ang nabanggit na mga OFWs ngunit hindi pa rin sila nabayaran ng tama.

“Because of this, no less than President Duterte sent a personal letter to his highness King Salman of the kingdom, twice. Unfortunately, there was no positive response. Now we thought, I thought that [it’s] high time that our workers should be given justice by paying their claims, their valid claims.”

“So with that I came up with a proposal to the board of the (Philippine Overseas Employment Administration) of considering a deployment ban in the kingdom of Saudi Arabia until they settle this account,” 

“Probably this triggered some reaction from them,” paliwanag ni Bello.


Ads

Sponsored Links



Sa pahayag na inilathala ng DOLE sa website nito noong Linggo, sinabi ni Bello na nakipagkita ito sa kanyang Saudi counterpart na si Ahmed al-Rajhi bago pa man ang Abu Dhabi Dialogue.

Dito umano nag-apela si al-Rajhi na alisin na ang suspension sa Arab mega recruitment agencies na siyang responsable sa pagpapadala ng mga OFWs sa Saudi Arabia na hindi nasahuran at nabigyan ng kaukulang benipisyo.

“And in that meeting he assured me that when he will be coming on January 2022, he will come up, he’ll probably come up with a positive result,” dagdag pa ni Bello.

Sinabi pa ni Bello na hiniling nito kay al Rajhi na mabayaran ang claims ngayong Disyembre.
“And the minister graciously acceded to my request. So hopefully by, on or before December there will be some positive result,” pagtatapos ni Bello.

Sa ngayon, nasa isang milyon pa umano ang bilang ng mga OFWs na nagtatrabaho sa Saudi Arabia.

Samantala, kinumperma ng Overseas Filipino Workers Welfare Administration o OWWA na pinag-aaralan na ang pagbibigay ng unpaid salaries sa mga OFWs sa Saudi Arabia.


©2020 THOUGHTSKOTO

Friday, October 01, 2021

Deployment ban sa Saudi, muling pinag-aaralan dahil sa kaso ng maltreatment





MANILA, Philippines — MULING pinag-aaralan ngayon ng gobyerno ng Pilipinas ang pagpapatupad ng suspension sa deployment ng mga overseas Filipio workers o OFWs sa Saudi Arabia dahil sa panibagong insidente ng pangmamaltrato.

Ayon kay Department of Labor and Employment o DOLE Secretary Silvestre Bello III, nagkaroon ng proposal para sa deployment ban dahil sa kaso ng isang retied Saudi general na inakusahan ng pagmamaltrato sa isang Filipino domestic helpers.

Sinabi ni Bello na sa ngayon, hinihintay nila ang rekomendasyon ng ni Philippine Overseas Employment Administration administrator Bernard Olalia kung magpapatupad ng deployment ban o hindi.

"Bilang safeguard sa ating mga OFWs, pinag-aaralan ko na huwag muna tayong mag-deploy hangga't hindi sila nagpapakita, lalong-lalo na ang pamahalaan ng KSA, na handa nilang proteksiyonan ang mga OFWs," pahayag ni Bello.


Ads


Sa ulat na natanggap ng DOLE, may 16 na mga OFWs na nagtatrabaho sa nabanggit na retired military na nakilalang si Ayed Thawah Al Jealid. Ang nasabing mga OFWs ay nagrereklamo ng physical abuse at hindi nabayarang sweldo simula 2019.

Noong Mayo, ipina-alam sa Philippine Overseas Labor Office o POLO na nag-isyu ng exit visa ang employer para kay Annaliza Parayno, isa sa mga OFW na nagtatrabaho sa retired general. Ipina-alam din sa kanila na itu-turn-over si Parayno sa POLO sa buwan ng Hunyo.

Ngunit hindi umano nadala sa POLO ang OFW na si Parayno gaya ng napagkasunduan.

Noong Hulyo naman, humingi na ng tulong ang POLO sa Human Rights Commission, Ministry of Interior and the Ministry of Human Resources and Social Development upang mapilit ang retired general na maturn-over sa POLO ang mga OFWs.


Ads

Sponsored Links



Ngunit buwan ng Agosto na umano nito itinurn-over sa POLO ang limang OFWs sa iba't-ibang petsa at napauwi sa Pilipinas ang mga ito noong Setyembre.

Dagdag pa ni Bello na sa ngayon, patuloy ang pakikipag-negosasyon ng Pilipinas sa nabanggit na heneral upang makuha ang dalawang OFWs.

Matatandaan na noong Mayo, nagpatupad ng deployment ban ang DOLE sa Saudi Arabia dahil sa mga report na nire-require ng mga employers o foreign recruitment agencies ang mga OFWs bayaran ang kanilang Covid-19 health and safety protocols.



©2020 THOUGHTSKOTO

Monday, August 09, 2021

Saudization sa mga malls sa Saudi Arabia, epektibo na; 1-M OFWs, posibleng mawalan ng trabaho





MANILA, Philippines — SIMULA na ang implementasyo ng total Saudization sa mga commercial comlexes o mga malls sa buong Saudi Arabia.

Sunod ito sa anunsyo ng gobyerno na ipatupad ng 100 percent ang Saudization sa lahat na mga trabaho sa malls, maging ang mga trabaho sa ilalim ng mall management offices.

Ipinatupad ang Saudization simula noong Agosto 4 kung saan inilaan na ang lahat na mga trabaho sa malls sa mga Saudi nationals.


Ads


Bahagi ito ng desisyon ni Minister of Human Resources and Social Development Ahmed Al-Rajhi noong Abril na lumikha ng 51,000 na trabaho para sa mga Saudis sa employment market.

Ipapatupad naman sa 50% ang Saudization sa mga cafes habang 40% naman sa mga restaurants. Exempted naman sa Saudization ang mga nasa hypermarkets at supermarkets.
Hundred percent naman na hindi kasali sa Saudization ang mga trabaho na kinabibilangan ng mga sumusunod;
  • Cleaning work
  • Loading and unloading
  • Maintenance ng mga recreational facilities
  • Maintenance ng mga barbershops
Ads

Sponsored Links



Nababahala naman ang grupong Migrante sa posibilidad na aabot sa isang milyong Overseas Filipino Workers o OFWs ang mawawalan ng trabaho sa mga restaurants, malls at iba pang lugar sa Saudi na isinailalim na sa Saudization.

Nananawagan naman ang grupo sa gobyerno na gumawa ng kaukulang hakbang at bigyan ng desenteng trabaho ang mga OFWs na maapektuhan ng Saudization.

Maliban sa mga trabaho sa malls, isinailalim na rin sa Saudization ang mga trabaho sa finance at insurance sectors. Una rito, nasa 91,000 na trabaho sa nasabing sektor ay okupado ng mga non-Saudis.


©2020 THOUGHTSKOTO

Wednesday, March 10, 2021

DOLE, humihingi ng P9.8 billion na pondo para sa mga OFWs



MANILA, Philippines — DAGDAG na P9.8 billion na pondo ang hinihingi ngayon ng Department of Labor and Employment o DOLE bilang pondo sa ginagawang repatriation ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, inaasahan nilang mauubos na sa Abril o Mayo ang P6.2 billion na 2021 budget na napupunta umano sa hotel, transportation, at food exepenses ng mga napauwing Overseas Filipino Workers o OFWs.

Sinabi ni Cacdac na sumulat na si DOLE Secretary Silvestre Bello III kay Budget Secretary Wendel Avisado bilang paunang hakbang upang makatanggap ng karagdagang pondo mula sa national government.



Ads


Kinumperma ng opisyal na para sa natitirang mga buwan ng taon ang P9.8 billion.

“That’s for the remainder of the year, so P9.8 billion. That is subject to the condition that the same conditions prevail,” pahayag ni Cacdac.

Sinabi ng OWWA chief na isa sa mga dahilan ng mabilis sa pagka-ubos ng pondo ay ang pinalawig na hotel quarantine period sa mga umuuwing OFWs mula pito hanggang siyam na araw mula sa dating isa hanggang tatlong araw lamang.

Ads

Sponsored Links



Noong nakaraang taon, nakatanggap din ang DOLE-OWWA ng dagdag na P5 billion bilang dagdag sa OFW repatriation fund nito.

Sa ngayon, nasa 10,000 pa umano ang bilang ng mga napauwing OFWs na nananatili sa 140 na mga hotel na ginawang quarantine facilities.

Maliban dito, nasa 80,000 hanggang 100,000 OFWs pa ang nakatakdang umuwi sa bansa sa harap ng coronavirus pandemic.

Ngunit nilinaw ni Cacdac na ang nabanggit na bilang ay naka-depende pa rin sa partisipasyon ng mga OFWs sa vaccination program ng ibang bansa.

©2020 THOUGHTSKOTO

Saturday, January 09, 2021

Japan at Israel, Tuloy ang Hiring ng mga Filipino Caregivers sa kabila ng Covid-19 Pandemic!





MANILA, Philippines — TULOY-TULOY ang hiring ng mga Filipino caregivers ng bansang Japan at Israel sa kabila ng mga panibagong travel restrictions dahil sa bagong Covid-19 variant.

Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernardo Olalia, itutuloy ng Israel ang pagkuha ng 500 Pinoy caregivers.

"Matutuloy na ito kasi kinonfirm na ng bansang Israel... Mataas ang bilang ng kanilang shortage pagdating sa health care workers, lalong-lalo na sa caregivers kasi aging population din ang Israel," bahagi ng pahayag ni Olalia.

Paliwanag ni Olalia, government-to-government ang hiring sa Israel kaya walang placement fee at sa POEA lamang maaaring mag-apply.

Nasa US$1,500 o higit P70,000 ang sahod.


Narito ang proseso sa pag-apply:

1. Pumunta sa www.poea.gov.ph
2. I-click ang Online Services
3. I-click ang Manpower Registry
4. Mag-register
5. Hanapin ang job opening para sa instructions at requirements

Ads


Narito naman ang mga qualification para sa mga nais maging caregiver sa Israel:
  • Filipino Citizen
  • Nakatapos hanggang high school, o graduate ng physical therapy o nursing, o may National Certificate II mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)
  • Hindi bababa sa 23 ang edad, 4"11 ang height, at 45 kilos ang timbang
  • NBI clearance
  • Unang beses magtrabaho sa Israel at walang kamag-anak doon

Samantala, nilinaw naman ng POEA na hindi kasama ang caregivers sa 5,000 qouta para sa deployment ng mga health care workers na magsisimula ngayong 2021.

Labing-apat na propesyon lang ang kasama rito:
  • Doktor
  • Nurse
  • Microbiologist
  • Molecular biologist
  • Medical technologist
  • Clinical analyst
  • Respiratory therapist
  • Pharmacist
  • Laboratory technician
  • X-ray / radiologic technician
  • Nursing assistant
  • Operator of medical equipment
  • Supervisor of health services and personal care
  • Repairman of medical-hospital equipment

Ads


Sponsored Links



Samantala, inihayag naman ng isang recruitment agency na maraming caregivers ang ang kinakailangan ngayon ng Japan.

Ito'y sa kabila ng deklarasyon ng stata of emergency sa Tokyo, Japan dahil sa tumataas na kaso ng Covid-19 at pagpapatupad ng ban sa pagpasok ng mga foreign nationals sa bansa.
Ayon kay Cesar Averia, president at CEO ng EDI-Staffbuilders International, libo-libong mga caregivers ang kailangan sa Japan sa mga susunod na taon.

They were given a chance to go to Japan until midnight of January 3. So we were able to meet that deadline for our 15 guys, so nandu'n na sila... and thousands and thousands are needed in Japan for the next, for the next 10 years, so it’s an opportunity that we have to take," pahayag ni Cesar Averia, president at CEO ng EDI-Staffbuilders International.

Kinumperma din nito na tuloy pa rin ang deployment nila ng 300 caregiver sa Abril at 500 sa Disyembre.

Qualifications para sa caregiver sa Japan
  • Graduate ng nursing/physical therapy/occupational therapy
  • Undergraduate pero may TESDA NCII certificate
  • 6 months job experience
"First 2 months muna is actually online. After that, then they go on the school so that they can do the actual, the technical training... After that, they have to pass 2 exams... Most of them have financial problems so they cannot really stop working. And in order to learn language you have to concentrate and learn it and be dedicated to it. So all we need is their commitment," dagdag na pahayag ni Averia.

Paliwanag nito, walang gastusin ang aplikante dahil sagot ito lahat ng employer at pag nakapasa, US$1,300 o mahigit P60,000 kada buwan ang take home pay. Madalas, sagot din umano ng employer ang accomodation, food, at transporation expenses ng mga caregiver sa Japan.


Ayon naman kay Averia, bukod sa Japan ay nagde-deploy din sila ng mga caregivers sa Finland, nurses sa Germany at mga hospitality staff sa Saudi Arabia.

Sa mga interesado, online ang application kaya para masimulan, bisitahin ang wesbite na edistaffbuilders.com.

Pabor naman ang POEA na umpisahan na ng mga aplikante ang kanilang application sa Japan at Israel dahil pansamantala lamang ang mga travel restrictions.

Nag-apela naman si Olalia sa mga nurses na huwag mag-apply bilang caregiver dahil marami umanong mga trabahong naghihintay sa mga nurses.

"Marami pong opening as full fledged nurse at mataas po ang suweldo," pahayag ni Olalia.


©2020 THOUGHTSKOTO