Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Thursday, October 14, 2021

OFWs na uuwing 'Pinas mula sa Green Countries, 'di na kailangang mag-quarantine: Updated list ng mga Green Countries, Alamin!





MANILA, Philippines — MALAPIT na ang Pasko ngunit maraming Overseas Filipino Workers o OFWs ang nag-aalangang umuwi sa Pilipinas dahil sa mga restrictions na ipinatutupad dahil sa Covid-19 pandemic kagaya na lamang ng mga quarantine na tiyak magpapa-ikli sa araw ng kanilang bakasyon sa Pilipinas.

Ngunit good news sa mga OFWs at overseas Filipinos na nagbabalak umuwi ngayong Disyembre. Ito'y dahil nagpalabas na ng abiso ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA sa mga Pilipinong nagtatrabaho o naninirahan sa ibang bansa at nagbabalak na umuwi sa Pilipinas para magbakasyon na hintayin muna ang bagong listahan ng mga bansang napabilang sa "green lane".

“Itong magbabakasyon ng Pasko, meron lang konting kwidaw kasi nirerepaso 'yung list. Talagang kailangan lang subaybayan 'yung list. They can book themselves but 'yun lang, meron lang thing that you need to look out for,” ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac.


Ads



Paliwanag ni Cacdac na magpupulong pa ang Inter-Agency Task Force kasama ang mga eksperto ng Department of Health para sa ilalabas na bagong listahan ng mga bansa sa ilalim ng green list.

Una nang inaprubahan ng pandemic task force ang mas maikling quarantine period sa mga Filipino na na-fully vaccinated na laban sa Covid-19 at nagbabalak na umuwi ng Pilipinas.
“Pagka nanggaling sa green list 'yung nanunumbalik na OFWs ay dalawa ang option niya,” sabi ni Cacdac.

Una umano ay dapat makapagpakita ng negatibong PCR test na ginawa sa loob ng 72 hours bago umalis ng origin country. Ikalawang opsiyon ay ang PCR test paglapag sa bansa. 
“Pero kailangan munang ma-quarantine upon arrival, PCR test, and 'pag negative, pwede nang i-release,” paliwanag pa nito.

Sakali umanong mailabas ang resulta ng PCR test sa loob ng 12, 24 o 48 oras at ito ay negative, mare-release kaagad sa quarantine ang OFW.

Ads

Sponsored Links


BASAHIN: Deployment ban sa Saudi, muling pinag-aaralan dahil sa kaso ng maltreatment

Para naman sa mga OFW na hindi bakunado o hindi pa kumpleto ang COVID-19 vaccine, kailangan silang dalhin sa hotel quarantine facility at isailalim sa PCR test sa ika-limang araw ng quarantine. Agad naman silang makakaalis sa quarantine kung lumabas na negative ang PCR test result nila.

“This vastly differs from the current system prior to this which is 10 days quarantine,” sabi niya.
Paliwanag ni Cacdac na ang gastos sa pagkain, hotel quarantine at transport ng mga OFW ay sasagutin ng gobyerno.

“Basta’t OFW, Pilipino, nagtatrabaho sa ibang bansa whether documented or undocumented, 'yung temporary contract work na tinatawag, 'yun po ay kwalipikado sa ating programa,” sabi ni Cacdac.


Maging ang mga OFW na galing mula sa mga bansang nasa ilalim ng yellow list ay pasok din sa maiksing quarantine period.

“Pagka fully vaccinated from the yellow list, upon arrival dadalhin sa hotel quarantine facility and on the fifth day, swab. 'Pag negative, labas. 'Pag not fully vaccinated, pagdating sa Pilipinas dadalhin sa hotel quarantine and on the 7th day, swab,” sabi niya.

Pero nilinaw niya na paglabas ng hotel quarantine facility, ang mga fully vaccinated at unvaccinated OFWs mula sa yellow list ay kailangan pa ring tapusin ang kanilang home quarantine.

“Pag fully vaccinated, up to 10th day ang quarantine. Doon sa unvaccinated yellow list, 7th day swab ng hotel quarantine, pag-uwi up to the 14th day ang quarantine,” sabi niya.


Samantala, narito ang listahan ng mga bansang nasa Green List. 





©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: