MANILA, Philippines — ISA ang Unified Multi-Purpose ID o UMID sa mga valid government IDs na tinatanggap sa kahit anong transaksiyon sa Pilipinas, pribado man o pampubliko.
Dahil dito, minabuti ng Social Security System o SSS na muling buksan ang UMID Card application sa kabila ng kinakaharap na Covid-19 pandemic.
Ngunit hindi lahat maaaring pumunta ng SSS para kumuha ng UMID Card sa halip may mga bagong guidelines na dapat sundin sa ilalim ng "new normal" settings.
Una. Importanteng sundin ng mga miyembro ang pinatutupad na mga health and safety protocols kung pupunta sa alinmang branches ng SSS. Nire-require din ang miyembro na magdala ng isang primary ID at kung wala nito, dalawang secondary IDs para sa pag-apply ng UMID Card.
Pangalawa. Upang malimitahan ang oras sa mga SSS branches, hinihikayat ang mga miyembro na i-download, i-print at tapusin ang UMID application form na walang erasures o alterations.
Maaaring i-download ang mga form dito: https://bit.ly/UMIDForm
Ads
Ang mga miyembro ay maaaring mag-file ng kanilang UMID Card application dala ang mga accomplished UMID application forms sa alinamang SSS branches sa dalawang paraan.
- Branch walk-in —Maaaring pumunta sa alinmang SSS branch na malapit sa inyong lugar ngunit dapat sundin ang mandatory Branch Number Coding System para sa over-the counter transaction.
Kabilang sa mga nagpapatupad ng mandatory number coding system ay ang lahat na mga SSS branches sa National Capital Region o NCR, kasama na ang SSS Baguio, SSS Dagupan, SSS Bacoor, at SSS Biñan sa Luzon; SSS Bacolod at SSS Iloilo sa Central Visayas; at SSS Cagayan de Oro at SSS Davao sa Mindanao.
- Online appointment system — Posible din ang pag-apply ng UMID Card sa pamamagitan ng pagpapa-appointment sa My.SSS at napiling SSS branch ng miyembro.
Ads
Sponsored Links
Sino ang maaaring mag-apply ng UMID Card?
- Mga SSS members na may kahit isang posted contribution.
- Mga miyembrong may UMID Card na nawala o mga miyembrong nangangailangan ng change of name, correction of personal details at iba pa. May bayad na P200 ang prosesong ito na maaaring gawin sa alinmang SSS branches ayon sa appointment.
Samantala, kahit nagbukas na ang UMID Card application ng SSS, humihingi naman ng paumanhin ang ahensiya ngayon pa lamang sa posibilidad na matatagalan ang releasing ng nabanggit na mga IDs.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment