Carousel

Sponsored Links

Looking for House and Lot Within Tagaytay Area? CONTACT US!

Name

Email *

Message *

Showing posts with label UMID Card application. Show all posts
Showing posts with label UMID Card application. Show all posts

Tuesday, October 19, 2021

Bagong Guidelines sa UMID Card Application, Inilabas ng SSS




MANILA, Philippines — ISA ang Unified Multi-Purpose ID o UMID sa mga valid government IDs na tinatanggap sa kahit anong transaksiyon sa Pilipinas, pribado man o pampubliko.
Dahil dito, minabuti ng Social Security System o SSS na muling buksan ang UMID Card application sa kabila ng kinakaharap na Covid-19 pandemic.

Ngunit hindi lahat maaaring pumunta ng SSS para kumuha ng UMID Card sa halip may mga bagong guidelines na dapat sundin sa ilalim ng "new normal" settings.

Una. Importanteng sundin ng mga miyembro ang pinatutupad na mga health and safety protocols kung pupunta sa alinmang branches ng SSS. Nire-require din ang miyembro na magdala ng isang primary ID at kung wala nito, dalawang secondary IDs para sa pag-apply ng UMID Card.

Pangalawa. Upang malimitahan ang oras sa mga SSS branches, hinihikayat ang mga miyembro na i-download, i-print at tapusin ang UMID application form na walang erasures o alterations.

Maaaring i-download ang mga form dito: https://bit.ly/UMIDForm
Ads


Ang mga miyembro ay maaaring mag-file ng kanilang UMID Card application dala ang mga accomplished UMID application forms sa alinamang SSS branches sa dalawang paraan. 
  • Branch walk-in —Maaaring pumunta sa alinmang SSS branch na malapit sa inyong lugar ngunit dapat sundin ang mandatory Branch Number Coding System para sa over-the counter transaction.
Kabilang sa mga nagpapatupad ng mandatory number coding system ay ang lahat na mga SSS branches sa National Capital Region o NCR, kasama na ang SSS Baguio, SSS Dagupan, SSS Bacoor, at SSS Biñan sa Luzon; SSS Bacolod at SSS Iloilo sa Central Visayas; at SSS Cagayan de Oro at SSS Davao sa Mindanao.
  • Online appointment system — Posible din ang pag-apply ng UMID Card sa pamamagitan ng pagpapa-appointment sa My.SSS at napiling SSS branch ng miyembro.
Ads

Sponsored Links



Sino ang maaaring mag-apply ng UMID Card?
  • Mga SSS members na may kahit isang posted contribution.

  • Mga miyembrong may UMID Card na nawala o mga miyembrong nangangailangan ng change of name, correction of personal details at iba pa. May bayad na P200 ang prosesong ito na maaaring gawin sa alinmang SSS branches ayon sa appointment.
Samantala, kahit nagbukas na ang UMID Card application ng SSS, humihingi naman ng paumanhin ang ahensiya ngayon pa lamang sa posibilidad na matatagalan ang releasing ng nabanggit na mga IDs.
©2020 THOUGHTSKOTO

Saturday, October 02, 2021

Application para sa UMID ID Cards, Muling Binuksan ng SSS




MANILA, Philippines — MATAPOS nahinto ng ilang buwan dahil sa coronavirus disease o Covid-19 pandemic, inanunsyo na ng Social Security System o SSS ang muling pagbabalik ng Unified Multi-Purpose Identification o UMID Card Application service ng ahensiya.

Base ito sa SSS Resolution No. 475-s2021 na may petsang Setyembre 24, 2021 kung saan nakasaad ang muling pagbabalik ng nabanggit na serbisyo simula Setyembre 27 nitong taon.


Ngunit pinasiguro ng SSS na ipapatupad ito kasabay ng mas istriktong health at safety protocols laban sa Covid-19 ayon sa mga sumusunod na guidelines.

Una, ang mga miyembro ay maaaring mag-apply para sa UMID ID sa pamamagitan ng mga sumusunod:
  • Sa SSS branches alinsunod sa kasalukuyang mga policies at procedures sa pagtanggap ng anumang uri ng branch transactions.

  • Online sa pamamagitan ng My.SSS account kung saan maaaring magpa-appointment para sa biometric data capture sa napiling SSS branch.
Ads


Nilinaw naman ng SSS na hindi na kailangang mag fill-up ng UMID Card application form ang mga miyembrong nag-apply online ng SS number simula Disyembre 20, 2020 sa halip kailangan lamang ng mga ito na magpa-schedule ng appoinment para sa biometric data capture sa pamamagitan ng Appointment System sa My.SSS.

Ngunit maaari pa ring piliin ng miyembro na mag-file ng manual UMID card application sa alinmang SSS Branches o Service & Foreign Offices.


Ano ang mga requirements na dapat dalhin ng isang miyembro sa pag-apply nito ng UMID ID Card?
  • Isang properly accomplished UMID application form. Inaanyayahan naman ng SSS ang mga miyembro na idownload ang form mula sa SSS website at tapusin bago pumunta sa SSS Branch upang malimitahan ang oras.

  • Isang primary ID, ngunit kung wala nito, dalawang secondary valid IDs.

Ads

Sponsored Links

Paalala ng SSS sa mga miyembro na sumunod pa rin sa mga health protocols na pinatutupad upang maiwasan ang pagkalat at hawaan ng Covid-19.

Dagdag pa ng SSS na posibleng magkaroon ng delays sa production at availability ng mga UMID Cards at ipapaalam ng mga ito sa mga UMID applicants kung handa na ang kanilang cards upang ma pick-up.




©2020 THOUGHTSKOTO

Monday, May 10, 2021

SSS, May Paalala sa mga Pensioners at Miyembro Upang 'Di Maloko!




MANILA, Philippines — MULING pina-alalahanan ngayon ng Social Security System o SSS ang kanilang mga miyembro at pensioners na mag-ingat sa mga manloloko, offline man o online.

Ito'y matapos naiulat sa Camarines Sur ang entrapment operation ng mga kapulisan laban sa taong nagpapakilalang abogado at empleyado ng SSS. Nanghihingi umano ito ng pera sa 18 biktima kapalit ng pag-proseso nito ng kanilang mga Unified Multi-Purpose Identification (UMID) card application at ATM cards. Maliban dito, nag-aalok din ang suspek ng trabaho na maging encoders ng ahensiya.

Nilinaw ngayon ng SSS na suspendido pa ang UMID card application dahil sa coronavirus disease o Covid-19 pandemic. Ayon sa SSS, maglalabas sila ng abiso kung kailan ito babalik.


Ads


Naka-post din umano sa Civil Service Commission o CSC website, sa mga pangunahing newspapers sa SSS official website at social media accounts ang mga announcement ng ahensiya at lahat na vacant plantilla positions.

Ayon sa SSS, inisyuhan ng warrant of arrest ang suspek dahil sa paglabag nito sa Article 315 of the Revised Penal Code.

Kaugnay nito, nagbabala din ang SSS sa mga online fixers o mga taong nag-aalok ng SSS services kagaya na lamang ng paggawa ng SSS online account, pag-file ng loan, pag-check ng contribution at iba pa na may kapalit na bayad.

Ayon sa ahensiya, isang paglabag ito sa Republic Act No. 11032. Babala ng SSS, iwasang makipag-transaksiyon online sa mga hindi lehitimong SSS representatives.



Ads

Sponsored Links



Ito'y dahil maaaring malagay sa kompromiso ang iyong SS number at ma-biktima ka ng phishing o fraud. Paalala ng SSS, huwag na huwag ibibigay ang inyong personal data sa mga hindi otorisadong tao dahil maaaring magamit ang account mo sa hindi otorisadong pag-file ng loan sa ilalim ng iyong account.

Pinag-iingat din ng SSS ang mga pensioners sa mga scammers. Ayon sa ahensiya, hindi totoo na may ipinamimigay na COVID 19 Cash Allowance ang SSS sa mga pensioners nito.

Kapag nakatanggap umano ng ganitong text message, huwag ibigay ang inyong SS number o anumang personal na impormasyon upang ma-protektahan ang inyong mga benepisyo.

Paalala ng SSS sa mga members at pensioners, huwag basta maniwala sa mga text o Facebook messages na nanghihingi ng personal at SSS data.


©2020 THOUGHTSKOTO