Carousel

Sponsored Links

Looking for House and Lot Within Tagaytay Area? CONTACT US!

Name

Email *

Message *

Showing posts with label My SSS Online. Show all posts
Showing posts with label My SSS Online. Show all posts

Saturday, October 02, 2021

Application para sa UMID ID Cards, Muling Binuksan ng SSS




MANILA, Philippines — MATAPOS nahinto ng ilang buwan dahil sa coronavirus disease o Covid-19 pandemic, inanunsyo na ng Social Security System o SSS ang muling pagbabalik ng Unified Multi-Purpose Identification o UMID Card Application service ng ahensiya.

Base ito sa SSS Resolution No. 475-s2021 na may petsang Setyembre 24, 2021 kung saan nakasaad ang muling pagbabalik ng nabanggit na serbisyo simula Setyembre 27 nitong taon.


Ngunit pinasiguro ng SSS na ipapatupad ito kasabay ng mas istriktong health at safety protocols laban sa Covid-19 ayon sa mga sumusunod na guidelines.

Una, ang mga miyembro ay maaaring mag-apply para sa UMID ID sa pamamagitan ng mga sumusunod:
  • Sa SSS branches alinsunod sa kasalukuyang mga policies at procedures sa pagtanggap ng anumang uri ng branch transactions.

  • Online sa pamamagitan ng My.SSS account kung saan maaaring magpa-appointment para sa biometric data capture sa napiling SSS branch.
Ads


Nilinaw naman ng SSS na hindi na kailangang mag fill-up ng UMID Card application form ang mga miyembrong nag-apply online ng SS number simula Disyembre 20, 2020 sa halip kailangan lamang ng mga ito na magpa-schedule ng appoinment para sa biometric data capture sa pamamagitan ng Appointment System sa My.SSS.

Ngunit maaari pa ring piliin ng miyembro na mag-file ng manual UMID card application sa alinmang SSS Branches o Service & Foreign Offices.


Ano ang mga requirements na dapat dalhin ng isang miyembro sa pag-apply nito ng UMID ID Card?
  • Isang properly accomplished UMID application form. Inaanyayahan naman ng SSS ang mga miyembro na idownload ang form mula sa SSS website at tapusin bago pumunta sa SSS Branch upang malimitahan ang oras.

  • Isang primary ID, ngunit kung wala nito, dalawang secondary valid IDs.

Ads

Sponsored Links

Paalala ng SSS sa mga miyembro na sumunod pa rin sa mga health protocols na pinatutupad upang maiwasan ang pagkalat at hawaan ng Covid-19.

Dagdag pa ng SSS na posibleng magkaroon ng delays sa production at availability ng mga UMID Cards at ipapaalam ng mga ito sa mga UMID applicants kung handa na ang kanilang cards upang ma pick-up.




©2020 THOUGHTSKOTO

Tuesday, March 09, 2021

SSS sa mga Miyembro: Siguruhing Tama ang Account Information sa Online Enrollment




MANILA, Philippines — UPANG maiwasan ang problema sa disbursement ng loan o anumang benepisyo, hinihikayat ngayon ng Social Security System o SSS ang mga miyembro nito at mga sakop na employers na siguruhin ang tama at active na disbursement account para sa online enrollment sa Disbursement Account Enrollment Module (DAEM) sa pamamagitan ng My.SSS portal.

Ayon kay SSS President at CEO Aurora C. Ignacio na mababasura lamang ang disbursement account enrollment application ng miyembro kung hindi tama ang inilagay na account number o hindi wasto ang inapload na proof of account.

 “We urge our members and covered employers to triple-check the information they have entered before submission to the SSS to avoid inconveniences in their disbursement account enrollment,” ang naging pahayag ni Ignacio.


Ads


Sa pagparehistro, sinabi ng SSS na dapat siguruhin ang mga sumusunod:

  • Ang bank account ay kabilang sa Philippine Electronic Fund Transfer System and Operations Network (PESONet) participating bank.

  • Ang pangalan ng miyembro o business name ng employer na naka-rehistro sa SSS ay pareho sa bank account na in-enroll.

  • Dapat din na siguruhin na ang inilagay ay bank account number at hindi ATM card number.

  • Sa mga cash cards na inisyu ng mga banko, dapat siguruhin na pinapahintulutan ng banko ang paggamit nito para sa SSS disbursement.

  • Siguraduhin din na sunod-sunod ang pagkalagay ng account number, walang space at walang non-numeric characters.

  • Para naman sa e-wallets at Remittance Transfer Companies (RTCs)/Cash Payout Outlets (CPOs), ang mga mobile numbers ay dapat na nakasulat sa format na 09171234567 or 09181234567, walang space o non-numeric characters.
Ads

Bilang dagdag na verification process upang maiwasan ang panloloko sa enrollment ng disbursement account at upang ma-validate ang ownership ng enrollee, kinakailangan ng mga miyembro o ng employers na mag-upload ng proof of account sa pamamagitan ng DAEM.

Kabilang sa mga tinatanggap na proof of accounts ay ang photo o scanned copy ng mga sumusunod:
  • Passbook
  • ATM Card
  • Validated Deposit Slip
  • Bank Certificate/Statement
  • Foreign Remittance Receipt
  • Screenshot ng online o mobile banking account
  • Mobile app account para sa e-wallets
Ngunit dapat na siguruhin ng mga miyembro na ang mga photos o scanned documents ay mababasa at colored.


Ayon sa SSS, hindi naman kinakailangan ang proofs of accounts sa mga sumusunod:
  • Unified Multi-Purpose Identification card enrolled as an ATM (UMID-ATM)
  • Bank accounts migrated from the Sickness and Maternity Benefits Payment thru the Bank (SMBPB) Module
  • DBP Cash Padala thru M Lhuillier, an RTC/CPO

Sponsored Links


Benefit and Loan Disbursement Channels

Ipinaliwanag naman ng SSS sa mga miyembro at sakop na employers na iba-iba ang disbursment channels ng bawat benepisyo at loans.

Sa ngayon, ang Retirement, Disability, Unemployment, Sickness at Maternity Benefits ng mga individual members gayundin ang Funeral at Death Benefits ng mga beneficiaries na miyembro din ng SSS ay ibinibigay sa pamamagitan ng UMID-ATMs, Union Bank of the Philippines (UBP) Quick Cards, PESONet participating banks, e-wallets, at RTCs/CPOs.

Binabayaran naman ng SSS ang Sickness at Maternity Benefit Reimbusement sa mga employers sa pamamagitan ng PESONet participating banks.


Ang pension loans at short-term member loans gaya ng Salary, Calamity, at Emergency ay nire-release sa pamamagitan ng UMID-ATMs at UBP Quick Cards. Ang mga short-term member loans ay maari din na i-release sa pamamagitan ng PESONet participating banks.

“Currently, we are receiving a high volume of applications in the DAEM. In response to this, we have assigned more employees to verify applications,” 

“We advise our members to refrain from going to our branches to follow-up on their disbursement account applications. Rest assured that we are continuously looking for ways to improve and expedite the DAEM verification process,” dagdag na pahayag ni Ignacio.

Matatandaan na sinimulan ng SSS ang pagpapatupad ng mandatory enrollment ng disbursement accounts sa PESONet-participating banks, e-wallets, or RTCs/CPOs in the DAEM noong nakaraang taon para sa mabilis at seguradong pamamaraan ng pagtanggap ng benepisyo o loan disbursement.




©2020 THOUGHTSKOTO