MANILA, Philippines — MAS pinadali at mas pinabilis na ng Social Security System o SSS ang proseso sa pagtatama ng membership data ng lahat na mga miyembro nito.
Sa pamamagitan ng My.SSS Online Account, maaari nang ma-correct o i-update ng isang miyembro ang membership record nito na hindi pumupunta sa mga branches ng ahensiya dahil maaari itong magagawa ng miyembro online.
Ads
Narito ang simpleng paraan upang mai-tama ang iyong SSS membership record:
STEP 1. — Mag-log in sa iyong My.SSS Member Account sa pamamagitan ng www.sss.gov.ph
STEP — 2. I-click lamang ang "Request for Member Data Change (Simple Correction)" sa ilalim ng E-Service tab.
STEP — 3. Pumili ng isang data change request mula sa mga sumusunod:
- Name
- Sex
- Civil Status
- Update Member Record Status
STEP — 4. Ibigay ang kinakailangang impormasyon at i-upload ang hinihinging supporting documents.
Tandaan na sa pag-a-upload ng dokumento, siguruhing malinaw, mababasa at colored image ito o nasa PDF File. Ang maximum file size ay 2MB lamang.
STEP — 5. I-tick lamang ang box na nagpapatunay na makatutuhanan ang lahat na impormasyon at dokumentong iyong iprenisent. Pagkatapos nito, i-click lamang ang "Submit"
STEP — 6. I-lista o i-save ang Transaction Number at i-check ang iyong registered email para sa Notice of Approval o Rejection mula sa SSS.
Ang lahat na inaprobahang simple corrections ay makikita sa ilalim ng Inquiry Module ng My.SSS.
Ads
Sponsored Links
Samantala, ang mga sumusunod ay mga simple corrections na maaaring gawin online:
- Correction of Erroneous Encoding of Name
- Correction of Suffix or Prefix of Name
- Encoding of Middle Name
- Correction of Sex (Male or Female)
- Correction of Name due to Change in Civil Status (Single to Married only)
- Conversion of Membership Status (from Temporary to Permanent)
Paalala ng SSS na hindi naman sakop nitong online correction service ang mga miyembrong may retirement, total disability, death, at funeral claims.
©2020 THOUGHTSKOTO
No comments:
Post a Comment