Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Thursday, August 12, 2021

Covid-19 vaccination card, 'di dapat i-post online! Alamin kung bakit!




MANILA, Philippines — TULOY-TULOY ang pamamakuna laban sa coronavirus disease o Covid-19 sa buong bansa. Hindi naman maikakaila na maraming mga tao ang mahilig mag-post sa social media ng kung ano-ano kabilang na ng kanilang Covid-19 vaccination card.

Sa una, maituturing na harmless ang pag-post ng mga ganitong impormasyon, ngunit nagbabala ang mga eksperto laban sa pag-post ng vaccination card online dahil para mo nang ibinibigay umano ang iyong mga personal data sa mga cybercriminals.

Ayon kay Joseph Felix Pacamarra, co-founder at chief executive officer ng computer emergency response team na Cybersecurity Philippines CERT, hindi dapat balewalain ng mga netizens ang posibilidad na magamit ang kanilang personal data mula sa kanilang vaccination card dahil sa peligro ng data privacy at identify theft.


Ads


Napag-alaman na magka-iba ang detalye ng mga vaccination card depende sa local government unit o health organization na nagbibigay nito. Ngunit madalas, napapaloob sa Covid-19 vaccination card ang mga sumusunod;
  • Name
  • Sex
  • Barangay
  • Phone Number
  • Photo
  • PhilHealth Number
  • Vaccination Category
  • Healthcare worker na nagbigay ng bakuna
  • QR Code na maaring ma-scan at makikita ang medical history ng isang tao
“If you're speaking to a person with a criminal intent, that is very dangerous data,” pahayag ni Pacamarra.

Ayon pa dito, maaaring i-benta ng mga criminals ang identity ng isang tao. Sa pamamagitan din umano ng nabanggit na mga personal data, maaaring gumawa ng pekeng vaccination card na posibleng maglagay sa peligro sa ibang tao sa nagpapatuloy na Covid-19 pandemic.

Ihinalimbawa nito ang nangyari noong Hulyo sa Baguio City kung saan nagbabala ang local government sa mga turista laban sa paggamit ng mga pekeng vaccination cards matapos ang report na ibenibenta online ang nasabing mga dokumento.


Ads

Sponsored Links



Sa ngayon, wala pa umanong nationwide system ang Pilipinas na nagbe-verify sa mga vaccination cards dahilan kung bakit mas mahirap ma-identify ang isang tao na may hawak na pekeng vaccination card.

Dagdag pa ni Pacamarra na maaaring maging dahilan ng identity theft ang pag-post online ng vaccination card lalo na't lantad dito ang mga personal information ng isang tao. Maaari din umanong maging daan ito ng mga hindi otorisadong bank transactions.

Sa halip na i-post ang vaccination card, hinihikayat na lamang nito ang publiko na mag-post ng mga pictures ng bakunadong balikat o iba pang picture na nagpapakitang nabakunahan na ang isang tao. 

Ihinalimbawa nito ang ilang vaccination sites sa Pilipinas na may sariling photo booths para sa nasabing layunin.

©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: