Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Saturday, August 07, 2021

Pamimigay ng tig-P1,000 sa mga na-ECQ sa Metro Manila, Simula na!





MANILA, Philippines — INILABAS na ng Department of Budget and Management o DBM ang P10.89 billion na pondo na ipamimigay sa halos 11 million na mga residente ng Metro Manila na isinasailalim ngayon sa 15 araw na lockdown simula Agosto 6 hanggang Agoso 20.

Ayon sa DBM, makakatanggap ang mga apektadong low-income individual at pamilya ng tig-P1,000 kada tao o maximum na P4,000 kada pamilya upang masiguro na may pambili ng pagkain at pangunahing pangangailangan ang mga ito sa mga panahong ipinatupad ang lockdown.

Nilinaw naman ng DBM na mga local government unit o LGUs na ang magdi-determina sa pinaka-mabilis at pinaka-epektibong pamamaraan sa pamamahagi ng ayuda. Sinabi pa ng DBM na hindi maaaring gamitin ang pondo sa ibang hindi otorisadong programa, proyekto, aktibidad at gastushin.


Ads


Sa halos P11 billion na pondo, ang Quezon City ang makakatanggap ng pinaka-malaking alokasyon na umaabot sa P2.37 billion na sinusundan ng Manila na may P1.49 billion at Caloocan na may P1.34 billion.

Narito pa ang ibang LGUs na nilaanan ng pondo para sa ECQ ayuda:
  • Las Piñas City, P488.02M
  • Makati City, P511.98M
  • Malabon City, P307M
  • Mandaluyong City, P347.65M
  • Marikina City, P365.75M
  • Muntinlupa City, P441.61M
  • Navotas City, P197.71M
  • Parañaque City, P556.15M
  • Pasay City, P356.73M
  • Pasig City, P650.89M
  • Pateros, P52.42M
  • San Juan, P101.79M
  • Taguig City, P723.97M
  • Valenzuela City, P589.31M


Ads
Sponsored Links



Paliwanag naman ni Budget Undersecretary and Officer-in-Charge Tina Canda na hindi na dadaan sa Department of Social Welfare and Development o DSWD ang pondo sa halip diretso na ito sa mga LGUs para sa mabilis na proseso.

Ayon naman kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya agad na sinisimulan na ang pamimigay ng ayuda.

Sa San Juan, noong Sabado, Agosto 7 sinimulan ang pamimigay ng cash aid samantalang Linggo naman, Agosto 8 magsisimula sa pamamahagi ang Pasay City.

©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: