Carousel

Sponsored Links

Looking for House and Lot Within Tagaytay Area? CONTACT US!

Name

Email *

Message *

Showing posts with label Enhanced Community Quarantine. Show all posts
Showing posts with label Enhanced Community Quarantine. Show all posts

Saturday, August 07, 2021

Pamimigay ng tig-P1,000 sa mga na-ECQ sa Metro Manila, Simula na!





MANILA, Philippines — INILABAS na ng Department of Budget and Management o DBM ang P10.89 billion na pondo na ipamimigay sa halos 11 million na mga residente ng Metro Manila na isinasailalim ngayon sa 15 araw na lockdown simula Agosto 6 hanggang Agoso 20.

Ayon sa DBM, makakatanggap ang mga apektadong low-income individual at pamilya ng tig-P1,000 kada tao o maximum na P4,000 kada pamilya upang masiguro na may pambili ng pagkain at pangunahing pangangailangan ang mga ito sa mga panahong ipinatupad ang lockdown.

Nilinaw naman ng DBM na mga local government unit o LGUs na ang magdi-determina sa pinaka-mabilis at pinaka-epektibong pamamaraan sa pamamahagi ng ayuda. Sinabi pa ng DBM na hindi maaaring gamitin ang pondo sa ibang hindi otorisadong programa, proyekto, aktibidad at gastushin.


Ads


Sa halos P11 billion na pondo, ang Quezon City ang makakatanggap ng pinaka-malaking alokasyon na umaabot sa P2.37 billion na sinusundan ng Manila na may P1.49 billion at Caloocan na may P1.34 billion.

Narito pa ang ibang LGUs na nilaanan ng pondo para sa ECQ ayuda:
  • Las Piñas City, P488.02M
  • Makati City, P511.98M
  • Malabon City, P307M
  • Mandaluyong City, P347.65M
  • Marikina City, P365.75M
  • Muntinlupa City, P441.61M
  • Navotas City, P197.71M
  • Parañaque City, P556.15M
  • Pasay City, P356.73M
  • Pasig City, P650.89M
  • Pateros, P52.42M
  • San Juan, P101.79M
  • Taguig City, P723.97M
  • Valenzuela City, P589.31M


Ads
Sponsored Links



Paliwanag naman ni Budget Undersecretary and Officer-in-Charge Tina Canda na hindi na dadaan sa Department of Social Welfare and Development o DSWD ang pondo sa halip diretso na ito sa mga LGUs para sa mabilis na proseso.

Ayon naman kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya agad na sinisimulan na ang pamimigay ng ayuda.

Sa San Juan, noong Sabado, Agosto 7 sinimulan ang pamimigay ng cash aid samantalang Linggo naman, Agosto 8 magsisimula sa pamamahagi ang Pasay City.

©2020 THOUGHTSKOTO

Monday, April 05, 2021

Distribusyon ng tig-P4,000 na tulong sa mga taga - NCR Plus, Simula na!




MANILA, Philippines — SISIMULAN na ngayong linggo ang distribusyon ng pandemic assistance sa 22.9 million katao sa Metro Manila at apat na mga karatig-lalawigan na isinailalim ngayon sa pinaka-mahigpit na lockdown.
Ito ang kinumperma ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Noong nakaraang linggo, inaprobahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P22.9 billion na assistance para sa mga low-income earners sa National Capital Region o NCR at mga karatig lalawigan na Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal na isinailalim sa Enhanced Community Quarantine hanggang Abril 11.

"Maaaring magsimula po iyong pamamahagi ng financial assistance bukas po or April 7, matapos na maibaba ngayon araw ng Bureau of Treasury ang pondo sa mga concerned local governments," ang naging pahayag ni DSWD Spokesperson Irene Dumlao.
Ads


Iniasa naman ng national government sa local government ang pamimigay ng tulong na maaaring cash o in-kind.

"Kapag ibibigay po ito in cash it should be done within 15 days after the receipt of the notice of the cash allocation, at within 30 days naman po kung ang tulong ay ibibigay in kind," dagdag na pahayag ni Dumlao.

Puwede nang ipamahagi ang ayuda kung may naipasa nang executive order ang LGU at naisapinal na rin ang listahan ng mga benepisyaryo. 

Samantala, nilinaw naman ng Department of Interior and Local Government o DILG na one-time o isang beses lang makatatanggap ng P1,000 halaga ng ayuda ang kada indibidwal, o hanggang P4,000 ayuda kada household. 

"Kulang din talaga kaya lang ito'y additional lang naman na tulong ng gobyerno. Pagpasensiyahan na po natin at 'yun lang ang available na pondo," 



Ads
Sponsored Links



Binatikos naman ni House Deputy Minority Leader Carlos Zarate, ang tulong na hindi umano sapat para sa dalawang linggo.

Inako naman ng Malacanang na hindi sapat ang tulong ngunit makakabili na ito ng pangunahing pangangailangan ng pamilya sa loob ng dalawang linggo.


©2020 THOUGHTSKOTO

Tuesday, March 31, 2020

Listahan ng Sektor na Makakatanggap ng P5000 to P8000 - Ito ang Gagawin!

Magkakaroon ng tulong pinansyal o subsidies ang mga target beneficiaries na mahihirap o kasama sa informal sektor dahil sa Enhanced Community Quarantine o lockdown dahil sa epekto ng COVID-19. Nagkakaroon ng profiling ang DSWD at mamimigay ng ID or Social Amelioration Card or ID. Panoorin ang videos at basahin ang mga listahan sa ibaba. 
Narito ang proseso kung paano ang gagawin. Sundan din ang sinabi ng Spokesperson ng DSWD sa video below.


Ads

Panoorin ang interview at explanation kay DSWD Spokesperson, Director Irene Dumlao hinggil sa pamimigay ng Amelioration Package o P5000 to P8000 na assistance sa mga kababayan na apektado ng Enhanced Community Quarantine.Ads


Sponsored Links

Ang halagang ibibigay ay depende sa regional minimum wage. (Halimbawa sa Metro Manila P8K at sa CAR, CARAGA, ARMM, Bicol P5K) Nasa ibaba ang listahan ng minimum wage bawat region at kung magkano ang matatanggap.
Ang mga kwalipikado sa Social Ameliorization program na ito ay ang mga sumusunod
✓Senior Citizen
✓PWD's
✓Pregnant woman/Lactating Woman
✓Solo Parent
✓OFW (distress at repatriated)
✓Indigent Indigenous people
✓Homeless people
✓Farmers
✓Fisherfolks
✓Self-employed
✓Informal Settlers
✓at Lahat ng mga Pilipinong
NO WORK NO PAY workers kagaya ng mga sumusunod;
(kontrakwal worker, subcontractor worker, driver, namamasada ng pedicab, trike, jeep, bus, Angkas, Grab, etc, kasambahay, construction worker, craft maker o nasa bahay na nagtratrabaho pero wala ng masuplayan ng produkto, labandera, manikurista, sari-sari store owner, tindera sa palengke, carenderia, fruit or vegetable vendor, RTW, mga dishwashers, helpers sa carinderia, pahinante, mga magsasaka, mangingisda, at mga katulong magsasaka at mangingisda, mga no work-no pay, at mga stranded na workers, at iba pa)
Tingnan at basahin ang mga covered dito



Kung ikaw ay kasali sa sector ng mga nabanggit, narito ang mga ihahandang pagkakilanlan o ID's or supporting documents bilang requirements. 



Humingi kayo sa barangay o sa DSWD ng form na ito para magawan kayo ng ID kung kasama kayo sa sektor na posibleng makakatanggap.


The Department of Social Welfare and Development (DSWD) will provide social amelioration measures amounting to P5,000 to P8,000 for two months to families belonging to vulnerable sectors who have been affected by the community quarantine amid the COVID-19 crisis as mandated by Republic Act (RA) 11469 or the “Bayanihan to Heal as One Act.”

The Emergency Subsidy Program includes the DSWD’s provision of food and non-food items (FNFI) and financial assistance through the Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) as well as those provided by other agencies, provided that the benefits received by each household does not exceed the prescribed threshold per region.


The P5,000 to P8,000 worth of social amelioration programs is based on the maximum subsidy per region determined from the region’s minimum wage levels as these are close approximations to the amount needed to buy basic food, medicine, and hygiene essentials. It will be given to an eligible family in cash and in-kind by various national government agencies.

©2020 THOUGHTSKOTO