Carousel

Sponsored Links

Looking for House and Lot Within Tagaytay Area? CONTACT US!

Name

Email *

Message *

Showing posts with label disbursement account enrollment module. Show all posts
Showing posts with label disbursement account enrollment module. Show all posts

Tuesday, March 09, 2021

SSS sa mga Miyembro: Siguruhing Tama ang Account Information sa Online Enrollment




MANILA, Philippines — UPANG maiwasan ang problema sa disbursement ng loan o anumang benepisyo, hinihikayat ngayon ng Social Security System o SSS ang mga miyembro nito at mga sakop na employers na siguruhin ang tama at active na disbursement account para sa online enrollment sa Disbursement Account Enrollment Module (DAEM) sa pamamagitan ng My.SSS portal.

Ayon kay SSS President at CEO Aurora C. Ignacio na mababasura lamang ang disbursement account enrollment application ng miyembro kung hindi tama ang inilagay na account number o hindi wasto ang inapload na proof of account.

 “We urge our members and covered employers to triple-check the information they have entered before submission to the SSS to avoid inconveniences in their disbursement account enrollment,” ang naging pahayag ni Ignacio.


Ads


Sa pagparehistro, sinabi ng SSS na dapat siguruhin ang mga sumusunod:

  • Ang bank account ay kabilang sa Philippine Electronic Fund Transfer System and Operations Network (PESONet) participating bank.

  • Ang pangalan ng miyembro o business name ng employer na naka-rehistro sa SSS ay pareho sa bank account na in-enroll.

  • Dapat din na siguruhin na ang inilagay ay bank account number at hindi ATM card number.

  • Sa mga cash cards na inisyu ng mga banko, dapat siguruhin na pinapahintulutan ng banko ang paggamit nito para sa SSS disbursement.

  • Siguraduhin din na sunod-sunod ang pagkalagay ng account number, walang space at walang non-numeric characters.

  • Para naman sa e-wallets at Remittance Transfer Companies (RTCs)/Cash Payout Outlets (CPOs), ang mga mobile numbers ay dapat na nakasulat sa format na 09171234567 or 09181234567, walang space o non-numeric characters.
Ads

Bilang dagdag na verification process upang maiwasan ang panloloko sa enrollment ng disbursement account at upang ma-validate ang ownership ng enrollee, kinakailangan ng mga miyembro o ng employers na mag-upload ng proof of account sa pamamagitan ng DAEM.

Kabilang sa mga tinatanggap na proof of accounts ay ang photo o scanned copy ng mga sumusunod:
  • Passbook
  • ATM Card
  • Validated Deposit Slip
  • Bank Certificate/Statement
  • Foreign Remittance Receipt
  • Screenshot ng online o mobile banking account
  • Mobile app account para sa e-wallets
Ngunit dapat na siguruhin ng mga miyembro na ang mga photos o scanned documents ay mababasa at colored.


Ayon sa SSS, hindi naman kinakailangan ang proofs of accounts sa mga sumusunod:
  • Unified Multi-Purpose Identification card enrolled as an ATM (UMID-ATM)
  • Bank accounts migrated from the Sickness and Maternity Benefits Payment thru the Bank (SMBPB) Module
  • DBP Cash Padala thru M Lhuillier, an RTC/CPO

Sponsored Links


Benefit and Loan Disbursement Channels

Ipinaliwanag naman ng SSS sa mga miyembro at sakop na employers na iba-iba ang disbursment channels ng bawat benepisyo at loans.

Sa ngayon, ang Retirement, Disability, Unemployment, Sickness at Maternity Benefits ng mga individual members gayundin ang Funeral at Death Benefits ng mga beneficiaries na miyembro din ng SSS ay ibinibigay sa pamamagitan ng UMID-ATMs, Union Bank of the Philippines (UBP) Quick Cards, PESONet participating banks, e-wallets, at RTCs/CPOs.

Binabayaran naman ng SSS ang Sickness at Maternity Benefit Reimbusement sa mga employers sa pamamagitan ng PESONet participating banks.


Ang pension loans at short-term member loans gaya ng Salary, Calamity, at Emergency ay nire-release sa pamamagitan ng UMID-ATMs at UBP Quick Cards. Ang mga short-term member loans ay maari din na i-release sa pamamagitan ng PESONet participating banks.

“Currently, we are receiving a high volume of applications in the DAEM. In response to this, we have assigned more employees to verify applications,” 

“We advise our members to refrain from going to our branches to follow-up on their disbursement account applications. Rest assured that we are continuously looking for ways to improve and expedite the DAEM verification process,” dagdag na pahayag ni Ignacio.

Matatandaan na sinimulan ng SSS ang pagpapatupad ng mandatory enrollment ng disbursement accounts sa PESONet-participating banks, e-wallets, or RTCs/CPOs in the DAEM noong nakaraang taon para sa mabilis at seguradong pamamaraan ng pagtanggap ng benepisyo o loan disbursement.




©2020 THOUGHTSKOTO

Tuesday, February 23, 2021

12 Bagay Na Posibleng Rason Kung Bakit 'Di Mo Pa Natatanggap Ang Iyong SSS Loan o Benepisyo!




MANILA, Philippines — DAHIL sa hirap ng buhay, marami sa atin ang nag-file ng loan o iba pang benepisyo sa Social Security System o SSS upang may pangtustos sa mga pangangailangan.

May mga nag-file ng sickness benefits, maternity benefits maging ng mga death claims pero ang problema, hanggang sa ngayon, hindi pa rin natatanggap ang benepisyo. Isa ka ba sa mga nag-file ngunit naghihintay pa rin hanggang sa ngayon.

Sa inilabas na abiso ng SSS sa kanilang official Facebook Page na Philippine Social Security System o SSS, nakasaad na posibleng may mali sa disbursement account na inilagay ng isang miyembro.


Ads


Ayon sa SSS, narito ang mga "Most Common Reasons" kung bakit nababasura ang disbursement account sa Disbursement Account Enrollment Module (DAEM) na madalas naging dahilan kung bakit hindi mo pa rin natatanggap hanggang sa ngayon ang pinakahihintay mong benipisyo.
  • Closed account — ito yong mga account na deactivated o terminated na.
  • Dormant account — ito yong account na walang financial activity sa mahabang panahon maliban na lamang sa posting ng interest
  • Frozen account — wala ka nang transaction na magagawa sa account na ito kaya hindi dapat gamitin bilang disbursement account.
  • Joint account — bank account mo at ng ibang tao, maaaring asawa, business partner, o kamag-anak. 
  • No existing account — Naglagay ka ng account number na hindi nag-i-exist, maaaring gawa-gawa lang ang account number.
  • Prepaid account o cash card account — mas kilala din ito sa tawag na payroll account, madalas ATM account na inisyu ng kompanya para sa sahod ng isang empleyado.
  • Time deposit settlement account
  • Dollar/foreign currency account - bank account sa ibang currency
  • Account name na iba sa pangalan ng miyembro/employer o payee name sa SSS.
  • Restricted account — halimbawa, special savings account, payroll account.
  • Account na nasa non-PESO Net participating bank o financial institutions
  • Typographical error - May mali sa pag-encode mo ng account number o pangalan.

Ads

Sponsored Links



Kung nakapag-enroll ka ng mga account na napabilang sa taas, maaari mong baguhin o i-update ang iyong disbursement account sa paamagitan ng Benefit Re-Disbursement Module sa iyong My.SSS account sa SSS website.

Paalala naman sa mga benefit payment sa pamamagitan ng MLhuillier na mababalik sa SSS ang pera kung hindi ito maki-claim sa loob ng 30-araw.


Para walang magiging problema sa pagtanggap ng benefit payment, siguruhing aktibo, nasa single savings account at siguruhin din na nasa PESONet participating bank ito at walang anumang restrictions ang inyong account.

Kung pipilin ninyo namang tanggapin ang pera sa pamamagitan ng cash payout outlet, gaya ng MLhuillier o e-wallets gaya ng PayMaya, siguruhing updated ang iyong mobile number na na-rehistro sa SSS upang agad na matanggap ang Claim Reference Number na ipapadala sa pamamagitan ng text.


©2020 THOUGHTSKOTO