Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Tuesday, January 19, 2021

Mga Importanteng Reminders Mula sa SSS Upang 'Di Ma-delay ang Pagtanggap ng Pension o Loan!




MANILA — INILABAS ngayon ng Social Security System o SSS ang mga reminders nito sa lahat na mga miyembro at pensioners nito. Bilang isang miyembro, iba't-iba ang benipisyo na maaaring makuha sa SSS, pension naman ang ibinibigay ng ahensiya sa mga retiradong miyembro.

Upang hindi maging pahirapan ang pagkuha ng pension o loan at iba pang benipisyo sa SSS, ina-anyayahan ngayon ng SSS ang lahat na mga miyembro nito na i-enroll ang inyong mga Disbursement Account sa inyong My.SSS. Mas mainam anyang gawin ito bago pa man mag-apply ng loan o iba pang benipisyo.

Sino-Sino ang daapat mag-enroll ng disbursement account?
  • Lahat na employers
  • Lahat na employed members
  • Individually-paying members
  • Sel-employed
  • OFW
  • Voluntary
ALAMIN: Magiging Monthly Contribution Mo sa SSS Simula Enero 2021, Alamin!


Ads


Ano at para saan ang disbursement account?

Ang disbursement account ay maaaring bank account o mobile number ng miyembro o pensioner.

Dito ihuhulog ng SSS ang pera mula sa inaplayang benipisyo o loan. Laging tandaan na ihuhulog lamang ng SSS ang pera sa iyong disbursement account sa pamamagitan ng mga PESONet-participating banks lamang.

Samantala, narito ang anim na simpleng steps para ma-enroll ang inyong disbursement account sa inyong My.SSS online.


Para naman maiwasan ang anumang delay sa proseso ng benipisyo o loan, siguruhin na ibigay lamang ang valid at active na bank account details o mobile numbers at hindi ang mga sumusunod;
  • Sarado o hindi na ginagamit na mga bank-accounts (closed, dormant, frozen)
  • Dollar, joint (and/or), time-deposit accounts
  • Hindi tamang mga bank accounts
  • Invalid na mga mobile number
  • Account name na iba sa pangalan ng miyembro
  • Ibang disbursing bank
  • Prepaid account
  • Mga account na may restrictions

Ads

Sponsored Links

Maliban dito, mababasura naman ang loan application mo kung mapapatunayan ng SSS na mayroon kang duplicate accounts o mobile numbers.

Anong mangyayari kung mali ang nailagay kong disbursement account?

Nangangahulugan lamang ito na hindi mo matatanggap ang loan o benefit proceeds sakaling may mali o error sa inilagay mong disbursement account.

Posible namang abutin ng isang buwan o 30-araw ang re-crediting ng loan o benefit proceeds mo, depende sa proseso at pagwawasto sa mga maling account details.



Sa paglalagay ng bank account number, tandaan na account number at hindi ATM card number ang dapat na ilagay. 

Paano kung walang Account Number ang aking ATM Card?

May mga ATM card na walang account number, sa halit ATM card number ang nakalagay. Sa ganitong sitwasyon, maaari mong itawag sa iyong bangko at hingin ang iyong account number.

Sa paglalagay ng bank account number, siguruhing sunod-sunod ang pagkalagay ng mga numero at walang dash, spaces, o iba pang non-numeric characters.




Paano naman ang paglalagay ng mobile number para sa remittance transfer companies o RTCs at Cash Payout Outlets o CPOs?

Magbibigay ang SSS ng reference number na kakailanganin mo para ma-claim ang benipisyo sa pamamagitan ng text messages. Dahil dito importanteng tama ang mobile number mo at aktibo ang iyong sim card.

Sa pag-encode ng mobile number, ilagay ang 11-digit format na walang +63, walang dash, walang space at walang non-numeric character.





©2020 THOUGHTSKOTO

1 comment:

Unknown said...

Sa papa ko hanggang ngayon wla parin,death claims Ng stepmother ko,naka ilang balik na ako sa SSS tabaco branch pero wla parin update NASA processing center parin daw,hanggang kelan kami mag aantay January 2020 pa un naka file.lahat Naman na hinihingi requirements naisusubmit namin agad.ganito ba talaga Ka bagal Ang sistema sa SSS,nakakapagod at nakakasama mag follow up Lalo na Kung di nman umuusad Ang file