Marami ang nagsasabi at naniniwalang “life begins at 40” dahil sa pagsapit umano ng isang tao sa edad na 40, mas maayos na ang buhay nito dahil sa posibilidad na mayroon na itong mga skills, experiences at mga pangangailangan nito para ma-enjoy ang buhay.
Masasabing totoo ito dahil sa pagsapit ng isang tao sa 40-anyos, dapat ay stable na umano ito sa lahat na aspeto ng kanyang buhay.
Dahil dito, ikinokonsiderang "prime stage" ng buhay ng tao ang edad na 40-anyos dahil sa ganitong edad, maaari mong magawa ang mga bagay kung saan mayroon kang greatest potential at dapat ay na achieved mo na rin ang mga sumusunod:
Ads
1. Pagkakaroon ng property.
Sa pagsapit mo sa edad na 40-anyos, inaasahan na namumuhay kana kasama ang iyong pamilya. Kung ikinasal sa edad na 25-anyos, pinaka-importante umanong dapat ikonsidera ang pagkakaroon ng sariling bahay, bago pa man ikasal o ilang buwan pagkatapos ng kasal. Kung naka-avail ng housing loan, sa edad na 40-anyos, dapat umanong na-fully paid mo na ito o malapit mo nang matapos na bayaran.
2. Magandang credit score.
Stressful ang buhay kung nagbabayad ka pa rin ng mga utang sa edad na 40-anyos. Sa mga nasa ganitong edad, dapat ikonsiderang mas marami kana ring responsibilidad at dapat babayaran gaya na lamang ng panganganak, edukasyon ng mga anak, emergency fund at iba pa.
Kung hindi nabayaran ang mga utang ng mas maaga, mas mahihirapan kang mabayaran ito habang tumatanda dahil sa dumaraming mga responsibilidad.
Ads
3. Stableng pinagkukunan ng pera.
Sa pagsapit ng edad na 40-anyos, dapat hindi kana namo-mroblema kung saan ka kukuha ng pera para sa mga pangangailangan mo. Importanteng may budget na para sa lahat at malinaw sa iyo kung saan mo ito dapat kukunin.
Hindi madali ang financial management ngunit kailangan ng disiplina upang magawa ito. Sa pagsapit ng 40-anyos, dapat alam mo na kung paano ito gagawin.
4. Investment
Kasunod ng stableng cash flow ay ang kapasidad mong mag-invest. Maganda ang investment dahil pera mo ang magtatrabaho para sa iyo sa halip na ilagay ito sa bangko na may maliit lamang na interes. Ilan sa maaari mong pagpilian ay ang stocks, mutual fund, at bonds.
Sponsored Links
5. Insurance
Bahagi ng buhay ng tao ang pagkakasakit, pagkaka-ospital o kamatayan. Mas magiging stressful ang buhay kung maghahanap kapa ng pera kung ikaw ay magkakasakit o maospital.
Kung insured ka, may pagkukunan ka ng pera sa pagdating ng mga panahon na hindi inaasahan. May maiiwan ka rin sa pamilya mo sakaling dumating ang hindi inaasahang kamatayan.
6. Retirement Fund
Marami ang nagsasabi na saka na paghandaan ang retirement fund kung matanda kana.
Pero iba pa rin kung handa na ang retirement fund mo habang maaga. Pagsapit ng edad na 40-anyos, dapat napag-handaan mo na ang retirement mo, upang magkaroon ng freedom kung nanaisin mo pang mag-trabaho o mag-retiro ng mas ma-aga at e-enjoy ang buhay kasama ang pamilya.
Huwag hintayin na umabot ng 40-anyos ang edad bago ikonsiderang paghandaan ang nabanggit na mga bagay. Habang may oras, lakas, pagkakataon at panahon, paghandaan ito ng mas maaga upang magkaroon ng mas komportableng buhay habang tumatanda.
Ito ay mga gabay lamang, kung 40-anyos kana at wala ka pang na-achieved sa mga nabanggit, huwag mag-alala dahil maaari ka namang humabol at isa-isang tuparin ang mga nabanggit.
1 comment:
Heello mate great blog
Post a Comment