Carousel

Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
JBSOLIS is a site for all about health and insurances, SSSOWWAPAG-IBIGPhilhealthbank loans and cash loansforeclosed propertiessmall house designs, local and overseas job listings.

Advertisement

Tuesday, January 05, 2021

Magiging Monthly Contribution Mo sa SSS Simula Enero 2021, Alamin!




MANILA, Philippines — INILABAS na ng Social Security System o SSS ang bagong SSS contribution payment schedule na pinatutupad imula Enero 2021.

Ayon sa SSS, layunin ng increase sa contribution rate at minimum at maximum monthly salary credits o MSCs na masigurong magpapatuloy ang delivery ng social security protection sa lahat na mga miyembro nito at kanilang mga benepisyaryo.

Sinabi ni SSS President at CEO Aurora C. Ignacio na naiintindihan ng SSS ang mga panawagan ng mga miyembro at iba pang grupo na ipagpaliban ang increase, ngunit may layunin umano itong maprotektahan ang buhay ng pondo ng ahensiya.

“We understand the plight of our covered employers and members, but, at the same time, it is our duty to secure the long-term viability of the SSS fund entrusted to us for the continuous delivery of SSS benefits to our current and future members, as well as their beneficiaries," 

“Moreover, these scheduled reforms are pursuant to Republic Act No. 11199 or the Social Security Act of 2018. Thus, we are bound by law to implement it,” ang naging pahayag ni Ignacio.





Ads


Simula Enero 2021, itinaas sa 13% mula sa 12% ang cntribution rate ng SSS.

Itinaas din sa P3,000 mula sa P2,000 ang minimum monthly salary credit o MSC, maliban na lamang sa mga Kasambahay at OFW members na ang MSC ay mananatili sa P1,000 para sa mga Kasambahay at P8,000 para sa mga OFWs.

Itinakda naman sa P25,000 mula sa P20,000 ang maximum MSC.

Para sa mga employed members, land-based OFWs at sea-based OFW members, ang dagdag na one percert ay hahatiin sa pagitan ng miyembro at ng employer nito. Sa contribution breakdown, sasagutin ng employer ang 8.5% habang 4.5% naman ang babayaran ng miyembro.

Bilang halimbawa, ang isang miyembro sa ilalim ng P10,000 MSC ay magbabayad na ngayon ng P1,300 na monthly contribution, mas mataas ng P100 mula sa P1,200 noong 2020.

Kung employed ang isang miyembro ang P100 na dadag contribution ay hahatiin ng miyembro at employer. Ang P50 ay magmumula sa employer para sa total employer share nito na P850 at P50 din mula sa miyembro para sa total member share nito na P450.





Ads

Sponsored Links



Kung ang MSC ay para sa computation ng benipisyo sa ilalim ng regular social security program na nasa P20,000, may share naman na mapupunta sa Worker's Investment and Savings Program o WISP ang kontribusyon ng mga miyembrong may higit sa P20,000 na buwanang sahod

Halimbawa, ang isang miyembro na nagbabayad sa ilalim ng P25,000 MSC. Base sa 13 percent na contribution rate, nasa P3,250 ang monthly contribution nito kung saan P2,600 nito ang mapupunta sa regular social security fund habang ang P650 naman ay mapupunta sa WISP.

Paliwanag ng SSS na sa nasabing reporma, mabibigyan ang mga miyembro ng pagkakataong mas makapag-impok para sa retirement nito.

Samantala, alamin sa SSS table of contribution kung magkano na ang babayaran mo simula Enero 2021!



©2020 THOUGHTSKOTO

No comments: